Ang Masamang Kalahi – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento na pabula ng isang masamang kalahi, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng pabulang ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing paghahanap, hindi namin nakita o nahanap ang tunay na sumulat ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwento ng masamang kalahi.
Ang Masamang Kalahi
Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang Talisain.
Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamaganda sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.
Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang Dumalaga.
“Naku!” ang bulalas ng dumalaga. “Ako pala ay sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging kasintahan niya…”
“Diyata’t?” ang bulalas din ni Aling Martang Manok.
“At katakot-takot na paninira raw laban sa mga kalahi ang ginagawa ng Talisaing iyan. Tayo raw ay ikinahihiya niya. Masamang lahi raw tayo…”
Gayon din ang ikinagalit ni Toniong Tandang nang siya’y dumating…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Masamang Kalahi“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “kataksilan at pamilya.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina Toniong Tandang, Tenoriong Talisain, Mga Katyaw na Leghorn, Lolitang Leghorn, Denang Dumalaga, at Aling Martang Manok ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa kinatitirahan ng mga manok ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “mahalin at pahalagahan natin ang ating pamilya.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi mahanap ang tunay na may akda ng kwentong ito. |
Ang Masamang Kalahi Aral
- Mahalin at pahalagahan natin ang ating pamilya.
- Walang magtatanggol sa atin kapag tayo ay nasa kapahamakan kundi ang ating pamilya lamang.
- Gaano man tayo kasama sa ating pamilya, sa huli, hindi pa rin nila tayo kayang tiisin.
- Walang makakahigit sa pagmamahal at pagmamalasakit ng isang pamilya.
- Huwag siraan at masamain ang ating pamilya sa iba.
Ang Masamang Kalahi Buod
Noong panahon, may isang masamang kalahi na nagngangalang Tenoriong Talisain. Dahil sa kanyang bilis at lakas, madali niyang naging kaibigan ang pinakamagandang banyagang manok.
Siniraan at ikinahiya nito ang kanyang mga kalahi sa mga leghorn. Dahil dito, ang kanyang mga kalahi ay galit na galit sa kanya. Hanggang isang araw, siya ay pinagtulungan ng mga leghorn.
Siya ay pababayaan na sana ng kanyang kalahi ngunit hindi siya nito natiis at ito’y tinulungan.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, masama man ang loob ng kalahi ni Tenoriong Talisain sa kanya, siya ay tinulungan pa rin ng mga ito at iniuwi ka kanilang lugar. Gaano man kasama ang kanyang ginawa sa kanyang mga kalahi, pinatawad at tinanggap pa rin siya ng mga ito.
Ating tandaan, wala ng iba pang magmamahal at magmamalasakit sa atin ng higit pa sa pagmamahal at pagmamalasakit ng isang pamilya. Kaya, atin silang mahalin at pahalagahan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Daga At Ang Leon
- Ang Pagong At Ang Kuneho
- Ang Agila At Ang Kalapati
- Ang Buwaya At Ang Pabo
- Si Langgam At Si Tipaklong
We are proud Pinoy!