Ang Magkapitbahay Na Kambing At Kalabaw (Buod At Aral)

Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng kambing at ng kalabaw, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Magkapitbahay Na Kambing At Kalabaw (Buod At Aral)
Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwento ng kalabaw at ng kambing.

Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw

Magkapitbahay ang kalabaw at ang kambing. Isang umaga ay nagpunta sa kapitbahay ang kambing.

“Ako ay nagugutom. Tayo na sa kabila ng ilog. Maraming bunga ng mais. Kumain ka ng kumain ng sariwang damo, kakain naman ako ng kakain ng mga murang mais,” ang sabi ng kambing sa kalabaw.

“Oo, tayo na,” ang sabi ng kalabaw.

“Pero hindi ako marunong lumangoy. Dalhin mo ako sa likod mo,” ang wika ng kambing.

Sumakay nga ang kambing sa kalabaw. Ito naman ay lumangoy sa ilog hanggang sa kabilang ibayo.

Kumain sila ng kumain doon. Mabilis kumain ang kambing. Ang kalabaw naman ay hihinay-hinay kumain.

Madaling nabusog ang kambing. Ang kalabaw naman ay hindi pa nabubusog. Nainip na ang kambing. Kaya nagyaya nang umuwi…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw
Ano ang tema ng kwento?Kawalan ng konsiderasyon” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang kalabaw, kambing, at mga tao.
Tagpuan ng kwentoSa ilog ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “kung ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw Aral

  • Kung ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba.
  • Huwag maging makasarili, sa halip, maging maunawain sa ating kapwa.

Ang Magkapitbahay na Kambing at Kalabaw Buod

Isang umaga, mayroong magkapitbahay na kambing at kalabaw na pumunta sa kabilang ilog upang kumain. Dahil mabilis kumain ang kambing, mabilis itong nabusog at nag-aya na umuwi na.

Gutom pa ang kalabaw kaya nagsabi ito na maghintay muna ang kambing. Sa sobrang inip ng kambing, gumawa ito ng paraan upang mapatigil sa pagkain ang kalabaw.

Dumating ang mga tao at sinaktan ang kalabaw kaya pumayag na itong umuwi. Sa gitna ng ilog, nagpagulong gulong ang kalabaw at nahulog ang kambing at namatay.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, matapos magtanong ng kalabaw sa kambing kung bakit ito gumawa ng ingay ay nagpa tuloy ito sa paglakad hanggang sa makarating sila sa ilalim na parte ng ilog.

Nagtaka ang kambing kung bakit huminto ulit ang kalabaw. At ang sabi ng kalabaw ay nakahiligan na din nito na magpa gulong-gulong sa tubig. Gumulong nga ito sa tubig na ikinahulog at ikinamatay ng kambing.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment