Ang Mag-anak na Langgam – Ito ay tungkol sa pabula na kwento ng isang mag-anak na langgam, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang sumulat ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwentong pabula na ito.
Ang Mag-anak na Langgam
Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan.
“Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam.
“Hindi po kami lalayo,” sabi ni Unang Munting Langgam…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Mag-anak na Langgam“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “katigasan ng ulo.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina Tatay Langgam, Unang Munting Langgam, Bunsong Langgam, at iba pang pamilya ng langgam ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa kanal ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “huwag maging matigas ang ulo.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
Ang Mag-anak na Langgam Aral
- Huwag maging matigas ang ulo.
- Maging masunurin sa ating mga magulang.
- Ugaliing makinig sa mga payo at babala nang mga mas may alam.
- Maging maingat sa mga desisyon na ating gagawin.
Ang Mag-anak na Langgam Buod
May isang mag-anak na langgam na nag-iimpok ng pagkain dahil malapit na ang tag-ulan. Pinagsabihan sila ng kanilang ama tungkol sa kanal. Ngunit ang bunsong langgam ay hindi nakinig kaya nahulog ito sa kanal.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, hindi mapakali ang amang langgam nang hindi niya makita ang bunsong langgam sa pila. Kaya dali-dali niya itong hinanap at natagpuan ito na nakalutang sa sinabi niyang kanal.
Ating tandaan, na ang payo ng ating mga magulang ay para lamang sa ating mga kapakanan. Matuto tayong makinig sa kanila para sa ating sariling kaligtasan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Aso At Ang Anino
- Si Kalabaw At Si Tagak
- Ang Kabayo At Ang Kalabaw
- Sino Ang Magtatali Ng Kuliling?
- Ang Kabayo At Ang Mangangalakal
We are proud Pinoy!