Ang Lobo at Ang Ubas – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng lobo at ng ubas, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Karagdagang kaalaman: Ang pabula na ito ay hinango sa “The fox and the grapes” ni Aesop.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwentong pabula na ito.
Ang Lobo at Ang Ubas
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga.
“Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Lobo at Ang Ubas“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Kawalang-pasyensya at paninira” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang lobo ang tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa kagubatan ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “huwag basta-bastang sukuan ang mga bagay na gusto nating abutin.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
“Ang Lobo at Ang Ubas” Aral
- Huwag basta-bastang sukuan ang mga bagay na gusto nating abutin.
- Huwag sumuko agad kapag nahihirapan.
- Magsumikap upang maabot ang pangarap.
- Huwag hamakin ang hindi mo makuha, dahil lahat ng bagay ay dapat na pinagsisikapan.
- Huwag siraan ang mga bagay o sino man na hindi natin maabot.
“Ang Lobo at Ang Ubas” Buod
May isang gutom na Lobo ang pinipilit na abutin ang ubas sa puno nito. Nang siya ay napagod, sumuko na ito at sinabing “Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon.”
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, malungkot na umuwi ang lobo nang hindi ito nagtagumpay sa pag-abot ng bunga ng puno. Sinabi niya nalang sa sarili na hindi na bale at tiyak na maasim naman ang bunga niyon.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Sino Ang Magtatali Ng Kuliling?
- Ang Kabayo At Ang Mangangalakal
- Ang Mag-anak Na Langgam
- Ang Aso At Ang Uwak
- Ang Pagong At Ang Kalabaw
We are proud Pinoy!