Ang Lobo at ang Tupa – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang isang kwentong pabula, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na maghahatid ng aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang basahin at alamin ang nilalaman ng kwento na ito.
Ang Lobo at ang Tupa
Dumidilim na kaya nagmamadaling pinapasok na ng pastol ang mga alagang Tupa sa likod bahay. Hindi namalayan ng pastol na isa sa mga Tupa niya ang nakapuslit at nakabalik sa pastulan.
Habang tuwang-tuwang nanginginain ang Tupa sa berdeng damuhan, isang gutum na gutom na Lobo ang humahangos na dumating. Sa sobrang takot ay kumaripas ng takbo ang Tupa.
Hinabol nang hinabol ng Lobo ang bibiktimahin. Lalong pinagbuti ng tupa ang pagtakbo. Niligaw-ligaw niya ang gutum na gutom na Lobo. Pumasok siya sa kagubatan, sumuot sa loob ng mga kuweba at tumalun-talon sa itaas ng mga nilulumot na bato.
Inakala ng Tupang hindi na siya masusundan ng Lobo pero nagkamali siya. Naabutan din siya nito. Nang akmang sasakmalin na ay nagmakaawa ang Tupa. Pero kahit gaano kalakas umiyak ay hindi matinag ang Lobo…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Lobo at ang Tupa“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Karunungan o katalinuhan” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang pastol, tupa, lobo, at ang malalaking aso. |
Tagpuan ng kwento | Sa pastulan at kagubatan ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “maging wais at gamitin ang katalinuhan sa oras ng kapahamakan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
“Ang Lobo at ang Tupa” Aral
- Maging wais at gamitin ang katalinuhan sa oras ng kapahamakan.
- Huwag maging suwail at matigas ang ulo, upang makaiwas sa kapahamakan.
“Ang Lobo at ang Tupa” Buod
Isang araw, may isang tupang pumuslit at bumalik sa pastulan upang kumain ng damo. Habang kumakain ito, may dumating na gutom na gutom na lobo. Sa takot ay tumakbo ang tupa at hinabol naman ito ng lobo. Nang siya’y maabutan ng lobo, nilinlang niya ito at sa huli, ito ay nailigtas ng pastol.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, sa takot na makain ng lobo, nilinlang ito ng tupa. Sa paraang ginawa nito, nailigtas ito ng pastol at ito’y nangako na hindi na pupuslit pang muli.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Kasal Ng Dalawang Daga
- Baryo Maligaya
- Ang Mayabang Na Palaka
- Ang Lobo At Ang Kabayo
- Ang Gansang Nangingitlog Ng Ginto
We are proud Pinoy!