Ang Lobo at Ang Kambing – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento ng lobo at ng kambing, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Ang may akda ng pabula na ito ay si Ian Kristofer P. Agbayani. Sa aming pananaliksik, wala kaming mahanap na impormasyon tungkol sa kanya.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito. Gawin nating inspirasyon ang mga aral na ating makukuha sa pabula na ito, nang sa ganun ay tayo’y maging mabuting tao.
Ang Lobo at Ang Kambing
Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.
Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narinig ang tinig ng lobo. “Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.
Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo.
“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.
“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano natin gagawin iyon…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Lobo at Ang Kambing“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Panlilinlang” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang lobo at ang kambing. |
Tagpuan ng kwento | Sa balon ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “huwag basta basta magtitiwala kahit kanino.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Ang may akda ng kwento ay si Ian Kristofer P. Agbayani. |
Aral sa “Ang Lobo at Ang Kambing”
- Huwag basta basta magtitiwala kahit kanino.
- Huwag manlinlang o manloko ng kapwa.
- Ugaliing tumulong sa ating kapwa.
Buod ng “Ang Lobo at Ang Kambing”
Isang lobo ang nahulog sa balon at tinulungan ito ng kambing ngunit nilinlang nito ang kambing at iniwan sa ilalim ng balon.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, matapos tulungan ni kambing na maka-akyat palabas ng balon si lobo, pinagtawanan siya nito at iniwan sa ilalim ng balon.
Ating tandaan, sa panahon ngayon, marami na ang manloloko at manlilinlang. Piliin lamang natin ang ating mga pagkakatiwalaan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Uwak At Ang Banga
- Bakit Dala-Dala Ni Pagong Ang Kanyang Bahay?
- Si Mahistrado Kuwago
- Ang Inahing Manok At Ang Kanyang Mga Sisiw
- Bakit Laging Nag Aaway Ang Aso, Pusa, At Daga
We are proud Pinoy!