Ang Lobo at ang Kabayo – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang kwentong pabula, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.
Ang Lobo at ang Kabayo
Kahit may kaliitan, maaaring sakmal-sakmalin ka ng masibang Lobo. Kapag natipuhan ka ng hayop na ito, magtago ka na at tiyak na lalapain ka nito.
Kapag nangangalisag na ang mga balahibo at pinaggigiyagis na nito ang mga pangil, umakyat ka na sa pinakamataas na puno o tumakbo kana sa pinakamalayong burol upang di abutan at lapain ang iyong katawan mula ulo hanggang talampakan.
Upang makapanloko, ang Lobo ay nagbabait-baitan. Isang tanghali ngang ito ay ikut nang ikot sa kagubatan ay natanawan nito ang isang Kabayong nanginginain sa talahiban. Inggit na inggit ang naglalaway nang Lobo sa pagnguya-nguya ng Kabayo…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Lobo at ang Kabayo“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Panloloko” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang lobo at ang kabayo. |
Tagpuan ng kwento | Sa kagubatan ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “ang panloloko ay isang masamang gawain.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
“Ang Lobo at ang Kabayo” Aral
- Ang panloloko ay isang masamang gawain, at wala itong maidudulot na mabuti sa atin.
- Huwag manloko o manlinlang ng kapwa.
- Maging tunay sa mga ipinapakita nating kabutihan sa ating kapwa.
“Ang Lobo at ang Kabayo” Buod
Isang araw, upang makapang loko ang lobo ay nagbait-baitan ito. Habang nag iikot ikot ito sa kagubatan ay nakita nito ang kabayo. Sinubukan nitong lokohin ang kabayo, ngunit sinindak ito ng kabayo at umalis na lamang ito sa takot.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kuwento, hindi naniwala si kabayo sa panlilinlang ng lobo. Sinindak nito ang lobo at umalis na lamang sa takot ang lobo.
Ating tandaan, na hindi lahat ng tao ay ating maloloko sa pagbabait baitan natin. Maging totoo tayo sa ating kapwa at huwag manloko.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Si Alitaptap At Si Paruparo
- Si Haring Tamaraw At Si Daga
- Ang Kasal Ng Dalawang Daga
- Baryo Maligaya
- Ang Mayabang Na Palaka
We are proud Pinoy!