Ang Langgam at ang Kalapati – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang kwentong pabula, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.
Ang Langgam at ang Kalapati
Napagod sa kahahanap ng pagkain ang Langgam kaya naipasya niyang uminom sa batisan.
Sa pangingilid sa batuhan ay sinamang palad na madulas ang pobreng insekto na ikinalublob niya sa tubig. Pinagsikapan ng Langgam na makaahon pero sa lakas ng alon ay unti-unti siyang lumulubog.
Sa sobrang takot ay nagsisigaw siya at nagmakaawang tulungan sana ninuman.
Salamat at nakita siya ng isang lumilipad na Kalapati. Ibinukadkad ng ibon ang bagwis at dumapo sa pinakatuktok ng punong mangga.
Tinuka-tuka nito ang sanga ng puno. Natuwa ito nang makitang nalaglag ang isang dahon sa mismong tubig na kinaroroonan ng insekto.
Dali-daling sumampa sa berdeng dahon ang takut na takot na Langgam. Malalim itong napabuntonghininga nang mailigtas nito ang sarili.
“Sa… salamat, kaibigang Kalapati. Tinatanaw kong malaking utang na loob ang tulong na bigay mo. Kung hindi sa kabutihang loob mo ay tiyak na patay na ako…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Langgam at Ang Kalapati“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Pagkilala ng utang na loob at pagkakaibigan” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang langgam, kalapati, at mangangaso. |
Tagpuan ng kwento | Sa batisan, talon, at puno ng mangga ang mga tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “ang pagtulong sa kapwa ay may dulot na kabutihan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwento na ito. |
“Ang Langgam at ang Kalapati” Aral
- Ang pagtulong sa kapwa ay may dulot na kabutihan, hindi lamang sa ating natutulungan, kundi pati na rin sa ating sarili.
- Ang pagtulong sa kapwa ay isang magandang gawain na dapat nating tularan.
- Matuto tayong tumanaw ng utang na loob.
“Ang Langgam at ang Kalapati” Buod
Isang araw, nahulog ang langgam sa batisan at tinulungan ito ng kalapati. Minsan, habang naghahakot ng pagkain ang langgam, nakita nito ang kalapati. Masaya ito nang makita ang kalapati, ngunit ganoon din ang takot na naramdaman nito ng makita ang mangangaso na papanain ang kalapati. Matuling nagtatatakbo ang langgam at kinagat ang mangangaso dahilan ng pagkaligtas ng kalapati.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, matulin na tumakbo ang langgam at kinagat ang mangangaso. Naging dahilan ito ng pagkaligtas ng kalapati.
Ating tandaan, ang pagiging matulungin ay isang magandang katangian na dapat nating isabuhay. Tumulong tayo sa ating kapwa ng walang hinihinging kapalit. Sapagkat, hindi natin alam, baka sa huli tayo rin ay kanilang matulungan kapag tayo ay nangailangan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Si Jupiter At Ang Tsonggo
- Kung Bakit Dinadagit Ng Lawin Ang Mga Sisiw
- Si Mario, Si Ana, At Ang Isda
- Ang Langaw At Ang Kalabaw
- Ang Palaka At Ang Kalabaw
We are proud Pinoy!