Ang Langaw at ang Kalabaw – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang pabula na kuwento, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.
Dagdag pa rito, marami man tayong mabasang iba’t-ibang halimbawa ng pabula, nasisiguro naming sa iba’t-ibang klase ng mga pabula na ito ay may iba’t-ibang aral din tayong matututunan.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Para sa karagdagang kaalaman, ang mga manunulat ng pabula ay tinatawag na mga “pabulista.” Samantala, ang mga manunulat ng maikling kwento ay tinatawag na mga “kwentista.”
Ayon pa sa isang artikulo na aming nabasa, ang pabula raw ay isa sa mga itinuturing na pinakaunang uri ng panitikan na kinagigiliwan ng mga tao sa daigdig. Bago pa man daw makarating sa Pilipinas ang mga sikat na pabula ni Aesop, ay may mga isinalaysay na na mga katutubong pabula sa mga liblib na lalawigan at rehiyon, dito sa Pilipinas.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.
Ang Langaw at Ang Kalabaw
Isang araw, habang si Kalabaw ay masayang-masayang naliligo sa ilog, napuna niya ang isang langaw sa kanyang tabi.
“Langaw, anong ginagawa mo rito?” pagalit na tanong ni Kalabaw.
“Pasensiya ka na. Hindi lamang ako makalipad sapagkat nabasa ang aking pakpak,” nalulungkot na sagot ni Langaw.
“Ganon ba. Hintayin mo ako at lulutasin ko ang problema mo,” sabi ni Kalabaw kay Langaw.
Ilang minutong nagdaan at bumalik si Kalabaw na may dala-dalang mga dahon. Inilagay ni Kalabaw ang isang dahon sa kanyang bibig at dahan-dahan niyang ipinahid sa pakpak ni Langaw. Patuloy na ginawa ito ni Kalabaw upang tuluyang matuyo ang pakpak ni Langaw…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | Ang pamagat ng kuwento ay “Ang Langaw at Ang Kalabaw.” |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “pagkilala ng utang na loob at pagkakaibigan.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina Kalabaw, Langaw, at mga mangangaso ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa ilog ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “ang pagtulong sa kapwa ay may dulot na kabutihan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwento na ito. |
“Ang Langaw at ang Kalabaw” Aral
- Ang pagtulong sa kapwa ay may dulot na kabutihan, hindi lamang sa ating natutulungan, kundi pati na rin sa ating sarili.
- Ang pagtulong sa kapwa ay isang magandang gawain na dapat nating tularan.
- Matuto tayong tumanaw ng utang na loob.
“Ang Langaw at ang Kalabaw” Buod
Isang araw, habang masaya na naliligo ang kalabaw sa ilog, nakita nito si langaw at galit na tinanong kung bakit ito nandoon. Nagpaliwanag ang langaw at tinulungan ito ni kalabaw. Hanggang sa may mga mangangaso na babarilin sana ang kalabaw, ngunit tinulungan din ito ng langaw. Sa huli, sila ay naging magkaibigan.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, kumaripas ng takbo ang kalabaw matapos marinig ang putok ng baril. Makalipas ang isang linggo ay nagkita ulit sina kalabaw at langaw at naging magkaibigan.
Ating tandaan, ang pagiging matulungin ay isang magandang katangian na dapat nating isabuhay. Tumulong tayo sa ating kapwa ng walang hinihinging kapalit. Sapagkat, hindi natin alam, baka sa huli tayo rin ay kanilang matulungan kapag tayo ay nangailangan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Puti At Itim Na Kambing
- Ang Inahing Manok
- Si Jupiter At Ang Tsonggo
- Kung Bakit Dinadagit Ng Lawin Ang Mga Sisiw
- Si Mario, Si Ana, At Ang Isda
We are proud Pinoy!