Ang Kasal Ng Dalawang Daga (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Kasal ng Dalawang Daga – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng dalawang daga, na may buod at aral. Ito ay halimbawa ng isang pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Kasal Ng Dalawang Daga (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Kasal ng Dalawang Daga (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.

Ang Kasal ng Dalawang Daga

Napakaganda ng nag-iisang anak nina Ama at Inang Daga. Naniniwala ang mag-asawa na nasa sapat na gulang na ito upang humarap sa altar. Ang problema lang ay walang nangangahas manligaw sa dalaga.

Mayaman at maganda kasi ito.

Sapagkat pangarap ng Ama at Inang Daga na maging maligaya ang dalaga kaya naisip nilang lapitan ang sinumang karapat-dapat ibigin ng anak.

Una nilang naisip ang Araw. Ang sikat nito ay tinitingala sa kaningningan.

“Ikaw, Araw, ang gusto naming makaisang dibdib ng aming anak.”

“Hindi ako karapat-dapat sa dalaga ninyo.”

“Pero ikaw ang pinakamakapangyarihang binata sa buong daigdig…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Kasal ng Dalawang Daga
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “kasal at paghahanap.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Ama at inang daga, dalagang daga, Araw, Ulap, Hangin, ang Dingding, at binatang daga ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa dagalandia ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang kaligayahan ay matatagpuan lamang sa malapit at hindi kailangang hanapin sa malayo.”
Sino ang may akda ng kwento?Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwento na ito.
Pagsusuri ng Kwento

Aral ng “Ang Kasal ng Dalawang Daga”

  • Ang kaligayahan ay matatagpuan lamang sa malapit at hindi kailangang hanapin sa malayo.
  • Ang bawat tao ay may kanya kanyang kakayahan, hindi natin ito dapat ikumpara kahit kanino.

Buod ng “Ang Kasal ng Dalawang Daga”

Isang araw, ang ama at inang daga ay naghanap ng mapapangasawa ng kanilang napakagandang anak na dalaga. Ang hinahanap nila ay ‘yong karapat-dapat at pinakamakapangyarihan. Sa huli, naging masaya ang lahat ng niligawan ng binatang daga ang dalagang daga. Ipinagbunyi sa Dagalandia ang kasal ng dalawa.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kuwento, sa paghahanap ng ama at inang daga, napagtanto nila na ang binatang daga ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng kanilang nilapitan. Matapos ligawan ng binatang daga ang dalagang daga ay masayang ikinasal ang mga ito.

Ating tandaan, na hindi natin kailangang maghanap sa pinakamalayo sa atin upang mahanap ang hinahangad natin na kasiyahan. Maaaring ito ay nasa malapit lamang at hindi natin nabibigyan ng pansin.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment