Ang Kabayo At Ang Mangangalakal (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Kabayo at Ang Mangangalakal – Ang artikulong ito ay tungkol sa pabula na kwento ng kabayo at ng mangangalakal, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Ang Kabayo At Ang Mangangalakal (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Kabayo at Ang Mangangalakal (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Ang kwentong pabula na ito ay hango sa mga sinaunang pabula ni Aesop. Sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang sumulat ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwentong pabula na ito.

Ang Pabula ng Kabayo at ng Mangangalakal

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig.

Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa.

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na naman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. Nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

“Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,” ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw.

Nguni’t sa pagkakataong ito ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog...

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Kabayo at Ang Mangangalakal
Ano ang tema ng kwento?Katusuhan” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang mangangalakal at ang kabayo.
Tagpuan ng kwentoSa ilog ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang pagiging tuso ay isang masamang gawain.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

“Ang Kabayo at Ang Mangangalakal” Aral

  • Ang pagiging tuso ay isang masamang gawain.
  • Ang paggawa ng masama ay may mga kahihinatnan.
  • Huwag manlinlang ng kapwa, kung ayaw mong ikaw ay malinlang din.
  • Palaging gawin ang tama.

“Ang Kabayo at Ang Mangangalakal” Buod

May isang mangangalakal na maghahatid ng asin sa palengke kasama ang kanyang kabayo. Aksidenteng nadulas ang kabayo sa ilog at nabuhos ang ilang asin at napansing gumaan ang pasan nito.

Sa ikalawang balik nila sa bayan, sinadya ng kabayo na magpadulas. Napansin ito ng mangangalakal, kaya sa sumunod nilang balik, baldeng may lamang alpombra ang inilulan nito sa kabayo.

Mas magaan ito kesa sa asin, ngunit nagpadulas ulit ang kabayo. Sa pagkakataong ito, mas naging mabigat ang pasan ng kabayo dahil napuno ng tubig ang baldeng dala nito.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, naging mas magaan na ang pasan ng kabayo, sapagkat mas magaan ang apat na baldeng may lamang alpombra kumpara sa dalawang sakong asin. Ngunit sinadya pa rin nitong magpadulas ulit sa pag iisip na mas magiging magaan pa ang kanyang dala.

Sa kanyang paglublob sa tubig, napuno ng tubig ang dala nitong balde na may alpombra at mas naging mabigat pa kumpara sa dalawang sakong asin.

Ating tandaan, na ang pagiging tuso ay may kaakibat na kaparusahan. Palagi nating gawin ang tama at iwasan ang paggawa at pag iisip ng masama.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment