Ang Kabayo At Ang Kalabaw (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Kabayo at Ang Kalabaw – Ang artikulong ito ay tungkol sa pabula na kwento ng kabayo at ng kalabaw, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Ang Kabayo At Ang Kalabaw (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Kabayo at Ang Kalabaw (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Ang pabula na ito ay isinalin sa tagalog ng isang awtor. Ito ay hango sa “The Horse and the Donkey” ni Aesop.

Sa aming pananaliksik, hindi namin nakita o nahanap ang tunay na may akda ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento.

Ang Kabayo at Ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan, kaya isang araw, ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap ng kalabaw. “Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,” anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Kabayo at Ang Kalabaw
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “pagkamakasarili.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina kabayo, kalabaw, at ang magsasaka ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoAng tagpuan ng kwento ay ang “daan patungo sa ibang bayan
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang pagiging makasarili ay walang maidudulot na mabuti sa atin.”
Pagsusuri ng Kwento

Ang Kabayo at Ang Kalabaw Aral

  • Ang pagiging makasarili ay walang maidudulot na mabuti sa atin.
  • Maging matulungin sa mga nangangailangan.
  • Huwag magbilang ng gawain. Gawin ang iyong makakaya at tumulong kung kinakailangan.
  • Nasa huli ang pagsisisi, kaya’t gawin ang tama habang maaga pa.
  • Lahat ng pasanin sa buhay natin ay magaan kapag tayo ay nagtutulungan.

Buod ng “Ang Kabayo at Ang Kalabaw”

Isang araw, may magkaibigang kalabaw at kabayo. Sa kanilang paglalakbay kasama ang magsasaka, napagod ang kalabaw dahil sa sobrang init ng araw at bigat ng kanyang mga pasanin.

Humingi ito ng tulong sa kaibigan ngunit tumanggi itong tumulong. ‘Di nagtagal, namatay ang kalabaw. Sa huli, nagsisi ang kabayo sa hindi pag tulong sa kaibigan.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, ang kalabaw ay namatay. Dahil dito, isinalin ng magsasaka lahat nang gamit na pasan pasan nito sa kabayo. Hindi na halos makalakad ang kabayo dahil sa bigat ng mga ito.

Nagsisi ito at sinabi na kung tinulungan niya lang sana si Kalabaw ay hindi naging ganon kabigat ang kanyang pasanin.

Ating tandaan, na ang pagtulong sa ating kasamahan ay may mabuti ring kahihinatnan sa atin. Mas nagiging magaan ang lahat ng mga pasanin at problema natin sa buhay kapag lahat tayo ay nagtutulungan.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment