Ang Inahing Manok (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Inahing Manok – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng isang inahing manok, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Inahing Manok (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Inahing Manok (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.

Ang Inahing Manok

Sa silong ng isang puno ay mayroong isang inahing manok na nagli-limlim sa 5 itlog. Masayang-masaya ang inahing manok dahil malapit na ang pag-sapit ng pag-pisa ng kanyang mga itlog.

Ilang araw na lang ang kanyang hihintayin ay makikita na niya ang kanyang mga sisiw. Maging ang mga katabi niyang hayop na naninirahan din sa malaking punong iyon ay tuwang tuwa para sa kanya.

“Sa saglit na araw na lamang ay makikita mo na ang iyong mga sisiw manok.”

Masayang pa-alala ng katabi niyang bibi na nag aalaga ng sampung kiti. ito na rin ang kanyang naging kaibigan simula ng siya ay mapunta sa ilalim ng punong iyon. Ito rin ang naging katulong niya sa pag babantay sa kanyang mga itlog tuwing siya ay nag hahanap ng makakain…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Inahing Manok
Ano ang tema ng kwento?Pagtutulungan at pagkakaibigan” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang inahing manok, limang itlog, bibi, sampung kiti, ahas, matsing, at iba pang mga hayop.
Tagpuan ng kwentoSa silong ng isang puno, sa bukid, at sa ilog ang mga tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “malaking bagay ang pagtutulungan sa anumang pagsubok na ating nararanasan sa buhay.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

“Ang Inahing Manok” Aral

  • Malaking bagay ang pagtutulungan sa anumang pagsubok na ating nararanasan sa buhay.
  • Ang magkakaibigan ay dapat na nagtutulungan at nagmamahalan.
  • Ang pagtulong sa kapwa ay isang magandang gawain na dapat nating gawin.

“Ang Inahing Manok” Buod

Isang araw, sa isang malaking puno, mayroong naninirahan na manok, bibi, at iba pang mga hayop. Nang pumunta ang manok sa bukid ay nakita nito ang ahas na papunta sa kanilang tinitirhan.

Dali-dali itong bumalik sa puno at natakot ng makitang nasa likod na nito ang ahas. Sinubukan ng ahas na kainin ang itlog ngunit prinotektahan ito ng manok at tinulungan ito ng bibi.

Nasaktan ang ahas, dahilan upang magwala ito at umalis, ngunit nataub nito ang pugad. Gumulong ang mga itlog at ang isa ay muntik nang mahulog sa ilog, ngunit sa tulong ng matsing, ito ay naligtas.

Nagulat at masaya ang lahat ng unti-unti nang napisa ang mga itlog at lumabas ang mga malulusog na sisiw nito.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, labis ang kasiyahan ng lahat dahil walang may nangyaring masama sa kanila, lalo na sa mga itlog ng inahing manok. Masaya rin ang mga ito sa pagpisa ng mga itlog at pag labas ng mga sisiw.

Ating tandaan, na ang pagtulong sa ating kapwa ay may hatid na walang kasing sayang pakiramdam. Ugaliin natin ang pagtulong at pagiging masaya para sa iba.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment