Ang Inahing Manok at Ang Kanyang Mga Sisiw – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng mga manok, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Batay sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito.
Ang Inahing Manok at Ang Kanyang Mga Sisiw
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, “panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!”
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, “kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!”
“Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng inahing manok. “Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito.”
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga’y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | Ang pamagat ng pabula na ito ay “Ang Inahing Manok at Ang Kanyang Mga Sisiw“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Pagiging independiente” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang inahing manok, tatlong sisiw, magsasaka, at anak ng magsasaka. |
Tagpuan ng kwento | Sa taniman ng mais ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Walang nakasaad tungkol sa may akda ng pabula na ito. |
Ang Inahing Manok at ang kanyang mga Sisiw Aral
- Matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa.
- Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili lamang.
- Huwag nating ugaliing umasa sa iba.
Ang Inahing Manok at ang kanyang mga Sisiw Buod
Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa taniman ng mais. Isang araw, nag plano ang magsasaka na may-ari ng taniman na anihin na ang mga ito.
Humingi ito ng tulong sa kanyang mga kapit-bahay at kamag-anak ngunit ni isa sa mga ito ay walang dumating. Nang mag desisyon ang magsasaka na anihin na lamang ito kasama ang kanyang anak ay lumikas na din sa taniman ang inahing manok at mga sisiw.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, nag desisyon na lamang ang magsasaka na anihin na ang mga mais kasama ang kanyang anak. Nang marinig ito ng inahing manok ay saka na lamang ito nag desisyon na humanap ng ibang matitirhan kasama ang mga sisiw nito.
Ating tandaan, na sa buhay, wala tayong ibang maaasahan na tutulong sa atin kundi ang ating mga sarili lamang.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Tigre At Ang Lobo
- Ang Uhaw Na Uwak
- Ang Uwak At Ang Banga
- Bakit Dala-Dala Ni Pagong Ang Kanyang Bahay?
- Si Mahistrado Kuwago
We are proud Pinoy!