Ang Gorilya at Ang Alitaptap – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang pabula na kwento nina Amomongo at Iput-iput, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng pabulang ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing paghahanap, hindi namin nakita o nahanap ang tunay na sumulat ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwento nina Amomongo at Iput-iput.
Ang Gorilya at Ang Alitaptap
Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan. Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. “Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako sa mga lamok.”
“Ah, duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya.
“Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ni alitaptap.
“Kung hindi ka duwag! e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni Amomongo.
“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila kaagad at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon ni Iput-Iput Tumawa ng malakas si Amomongo.
Kinabukasan, maaga itong gumising at ipinamalita sa kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita.
Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali dali siyang lumipad patungo sa bahay ni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito hanggang sa ito ay magising…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Gorilya at Ang Alitaptap“ |
Ano ang tema ng kwento? | Ang tema ng kwento ay “pagmamaliit at kayabangan.” |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Sina Iput-iput (alitaptap), Amomongo (gorilya), at iba pang mga gorilya ang mga tauhan sa kwento. |
Tagpuan ng kwento | Sa bahay ni Amomongo at sa plasa ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “huwag nating maliitin ang sinuman.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi mahanap ang tunay na may akda ng kwentong ito. |
Ang Gorilya at Ang Alitaptap Aral
- Huwag nating maliitin ang sinuman.
- Huwag manira ng sinuman, lalo na kapag hindi mo alam ang pagkatao ng iyong sinisiraan.
- Huwag magkalat ng mga kwentong walang katotohanan.
- Respetuhin ang kaanyuan at kinakatakutan ng iba.
- Huwag maging mayabang, sa halip ay maging mapagpakumbaba.
- Matuto tayong magpatawad, gaano man kasama ang nagkasala sa iyo.
Ang Gorilya at Ang Alitaptap Buod
Isang gabi, habang naglalakad si Iput-iput, napadaan siya sa bahay ni Amomongo. Tinukso siya nito at tinawag na duwag dahil may dala-dala itong ilaw at takot ito sa lamok.
Kinabukasan, pinamalita ni Amomongo na kaya daw may dalang ilaw si Iput-iput dahil duwag ito. Mabilis itong kumalat sa buong bayan.
Nang mabalitaan ito ni Iput-iput, nagalit ito at hinamon si Amomongo sa isang labanan. Sa huli, natalo si Amomongo sa laban at simula noon, natakot na ang mga gorilya sa mga alitaptap.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, namatay ang mga kasamang gorilya ni Amomongo at siya nalang ang natirang buhay sa kanila. Nagmakaawa ito kay Iput-iput na patawarin siya at huwag siyang patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-iput ngunit simula noon, natakot na ang mga gorilya sa mga alitaptap.
Ating tandaan, na bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang lakas at kakayahan. Huwag nating maliitin ang sinuman, lalo na kapag ito ay mas maliit o mas mahinang tignan kumpara sa atin.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Ang Pagong At Ang Kuneho
- Ang Agila At Ang Kalapati
- Ang Buwaya At Ang Pabo
- Si Langgam At Si Tipaklong
- Ang Masamang Kalahi
We are proud Pinoy!