Ang Gansang Nangingitlog ng Ginto – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento ng magsasaka, ng kanyang asawa, at ng gansa, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.
Dagdag pa rito, marami man tayong mabasang iba’t-ibang halimbawa ng pabula, nasisiguro naming sa iba’t-ibang klase ng mga pabula na ito ay may iba’t-ibang aral din tayong matututunan.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Para sa karagdagang kaaalaman, ang mga manunulat ng pabula ay tinatawag na mga “pabulista.” Samantala, ang mga manunulat ng maikling kwento ay tinatawag na mga “kwentista.”
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito. Gawin nating inspirasyon ang mga aral na ating makukuha sa pabula na ito, nang sa ganun ay tayo’y maging mabuting tao.
Ang Gansang Nangingitlog ng Ginto
Noong unang panahon sa isang nayon, may nakatirang isang mahirap na magsasaka kasama ang kanyang asawa.
Mahirap sila at may isang maliit na sakahan kung saan sila ay nagtatanim ng mga gulay na maaari nilang kainin at ibenta sa kanilang mga kapitbahay.
Kakaunti rin ang kanilang mga hayop sa kanilang sakahan.
Tuwing umaga, umiikot siya sa bukid. Pumipitas siya ng ilang mga gulay at titingnan ang lahat ng mga hayop, bibigyan sila ng pagkain at sisiguraduhin na ang lahat ng kanyang mga hayop ay ligtas at malusog.
Isang umaga, habang naglilibot siya sa pagkuha ng ilang mga itlog, nakita niya ang isang gintong itlog na inilatag ng isa sa mga gansa.
Dinampot niya ang gintong itlog at tumakbo sa loob ng kanyang bahay para ipakita sa asawa ang itlog…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | Ang pamagat ng kwento na ito ay “Ang Gansang Nangingitlog ng Ginto“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Kawalang-kasiyahan at kasakiman” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang gansa, magsasaka, at ang asawa ng magsasaka. |
Tagpuan ng kwento | Sa isang nayon ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “matuto tayong makuntento sa mga biyaya na ibinigay sa atin.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Walang nakasaad tungkol sa may-akda ng kwentong ito. |
“Ang Gansang nangingitlog ng Ginto” Aral
- Matuto tayong makuntento sa mga biyaya na ibinigay sa atin.
- Ang pagiging sakim ay walang maidudulot na mabuti sa atin.
- Ang labis na paghangad ay nagdudulot lamang ng kasamaan.
“Ang Gansang nangingitlog ng Ginto” Buod
Isang araw sa isang nayon, may isang gansa na nangingitlog ng ginto. Sa sobrang kasakiman ng mag-asawang magsasaka na nagmamay-ari sa gansa, pinatay nila ito sa pag-aakalang marami silang ginto na makukuha sa tiyan nito.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, pinatay ng magsasaka at ng asawa nito ang gansa sa pag-aakalang makakakuha sila ng maraming ginto sa tiyan nito. Ngunit, sila ay nabigo at nakaramdam ng lungkot nang makitang walang ginto sa loob ng tiyan nito.
Ating tandaan, na maaari tayong makagawa ng masama dahil sa ating kasakiman. Kaya, matuto tayong makuntento at pahalagahan ang kung ano ang meron tayo.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Si Haring Tamaraw At Si Daga
- Ang Kasal Ng Dalawang Daga
- Baryo Maligaya
- Ang Mayabang Na Palaka
- Ang Lobo At Ang Kabayo
We are proud Pinoy!