Ang Duwag na Paniki – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng isang duwag na paniki, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.
Ang Duwag na Paniki
Kakainin na sana ng Leyon ang nahuli niyang biktima nang dagitin ng Agila ang pagkaing pinaghirapan niya. Sa sobrang galit, pinanindigan ng Leyon na kakalabanin niya ang Agila. Pinulong ng Leyon ang lahat ng hayop sa lupa.
Sapagkat mga ibon nga ang nagnanakaw ng mga pagkain ng Tsonggo, Usa, Baboyramo at iba pang hayop-lupa sa buong mundo kaya napapayag niya ang lahat na labanan ang Agila at lahat ng ibong nagliliparan.
“Giyera patani!” sigaw ng Haring Leyon.
“Giyera! Giyera!” sigaw ng kaniyang mga kasama.
Sa pamumuno ng Haring Leyon ay hinintay ng mga hayop ang pagdilim. Alam nilang kapag gumagabi nagbabalik sa kani-kanilang pugad ang mga ibon.
Ang pagsalakay ni Haring Leyon ay nakabulabog sa mga ibon. Maraming napatay. Ang Kuwago na pinakamatalinong ibon ang gumabay sa mga tumakas na kasama niya upang lumipad sa gitna ng kagubatan at malayo sa mga kuko ng kaaway…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Duwag na Paniki“ |
Ano ang tema ng kwento? | “Digmaan at kataksilan” ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang leyon, agila, paniki, tsonggo, usa, baboyramo, elepante, aso, lobo, toro, iba pang mga hayop-lupa, kuwago, at mga ibon. |
Tagpuan ng kwento | Sa kagubatan ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “magkaroon ng isang desisyon at paninindigan sa buhay.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Hindi nabanggit. |
Ang Duwag na Paniki Aral
- Magkaroon ng isang desisyon at paninindigan sa buhay.
- Huwag pa iba-iba ng desisyon at ugaliin ang pagiging tapat.
- Huwag manguha ng kahit anong pag-aari ng iba.
- Paghirapan ang mga bagay na gusto mong makamtan.
- Huwag gumawa ng bagay na ikasisimula ng pag-aaway.
Ang Duwag na Paniki Buod
Isang araw, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng leyon at ng agila. Kaya, ilang ulit na nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga hayop-lupa at mga ibon.
Marami ang namatay dahil dito. Samantala, ang paniki naman ay pasalin-salin ng grupong kinakampihan. Kung sino ang mananalo ay dun siya kakampi.
Sa huli, naisip ng dalawang hari na walang patutunguhan ang kanilang digmaan. Kaya, napagdesisyunan ng mga ito na maging magkaibigan at ang paniki ay pinalayas nila bilang parusa dito.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, matapos mapagdesisyunan ng dalawang hari na maging magkaibigan, pinarusahan nila ang paniki sa pamamagitan ng pagpapalayas dito. Sa kahihiyan, palagi nang nagtatago ang paniki sa kuweba kung araw at palihim lamang na lumalabas tuwing gabing bilog ang buwan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Bakit Dala-Dala Ni Pagong Ang Kanyang Bahay?
- Si Mahistrado Kuwago
- Ang Inahing Manok At Ang Kanyang Mga Sisiw
- Bakit Laging Nag Aaway Ang Aso, Pusa, At Daga
- Ang Lobo At Ang Kambing
We are proud Pinoy!