Ang Daga At Ang Leon (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Daga at Ang Leon – Sa artikulong ito, ating alamin ang nilalaman ng pabula na ito, pati narin ang buod at ang aral nito. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Daga At Ang Leon (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Daga at Ang Leon (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino si Donato Sebastian?

Si Donato Sebastian ay isang pabulista na siyang sumulat o may akda ng pabula na ito. Ngayon, basahin na natin ang buong kwento.

Ang Daga at Ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin.

Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,” sabi ng leon. “Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng daga…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Daga at Ang Leon
Ano ang tema ng kwento?Pagkilala ng utang na loob” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang Daga at Leon.
Tagpuan ng kwentoSa kagubatan ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang pagtulong sa iba, maliit man o malaki, ay may mabuting maidudulot sa atin.”
Sino ang may akda ng kwento?Ang may akda ng kwento ay si Donato Sebastian.
Pagsusuri ng Kwento

Ang Daga at Ang Leon Aral

  • Ang pagtulong sa iba, maliit man o malaki, ay may mabuting maidudulot sa atin.
  • Tayo ay maging matulungin at matutong tumanaw ng utang na loob.
  • Huwag maliitin ang sinuman sapagkat lahat tayo ay may kakayahan ding tumulong.
  • Matutong humingi ng tawad kapag alam nating tayo ang may kasalanan;
  • At, matuto ding tayong magpatawad.

Ang Daga at Ang Leon Buod

Isang araw, naistorbo ng Daga ang tulog ng Leon kaya dinakma siya nito. Nagmakaawa ito na huwag siyang kainin. Sa awa, pinakawalan siya ng Leon.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, tinulungan ng daga ang leyon nang makita niya itong nakabitin sa puno sa loob ng lambat. Nginatngat nito ang lubid na nakatali sa lambat hanggang sa naputol ito at nakawala ang leon.

Matapos makawala, pinasalamatan nito ang daga at sinabing “utang ko sa iyo ang aking buhay.”

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment