Ang Buwaya at Ang Pabo – Sa artikulong ito, ating alamin ang nilalaman ng pabula na ito, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Ang kwentong pabula na ito ay isinalin sa tagalog ni Damiana L. Eugenio ng kapitbisig.com. Ang orihinal o Ingles na bersyon nito ay pinamagatang “The Crocodile and the Peahen.”
Ngayong alam na natin kung sino ang may akda, basahin na natin ang kwento ng buyawa at ng pabo.
Ang Buwaya at Ang Pabo
Noong unang panahon, may isang batang buwayang namumuhay sa pampang ng Ilog Pasig. Siya ay mabangis at ubod ng sakim. Sa kadahilanang ito, walang ibang hayop ang magkalakas ng loob na siya’y lapitan.
Isang araw habang siya ay namamahinga sa ibabaw ng isang bato, napag-isipan niyang mag-asawa na. Pasigaw niyang sinabi,
“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.” Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan sa kanyang harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang kahilingan. Nakinig ng mabuti ang makiring pabo, at sinumulang suriin ang anyo ng buwaya…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Buwaya at Ang Pabo“ |
Ano ang tema ng kwento? | Kasakiman ang tema ng kwento. |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Ang mga tauhan sa kwento ay ang “Buwaya at Pabo.” |
Tagpuan ng kwento | Sa pampang ng Ilog Pasig ang tagpuan ng kwento. |
Ano ang moral ng kwento? | Ang moral ng kwento ay “huwag masilaw sa kayamanan.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Ang may akda ng kwento ay si Damiana L. Eugenio. |
Ang Buwaya at Ang Pabo Aral
- Huwag masilaw sa kayamanan, lalo na sa hindi mo pinaghirapan.
- Huwag maging sakim dahil wala itong maidudulot na kabutihan sa atin.
- Maging matalino sa mga desisyon sa buhay.
- Huwag basta basta maniwala sa sinasabi ng iba, lalo na kung hindi mo sila kilala.
- Huwag manloko ng kapwa dahil ito ay isang masamang gawain.
Ang Buwaya at Ang Pabo Buod
Isang araw, may isang mabangis at sakim na buwaya na naisipang mag-asawa. Isinigaw niya ang kanyang alok na ibibigay niya lahat ng kanyang pag-aari upang magkaroon ng asawa.
Narinig ito ng isang pabo at tinanggap ang alok sa pag-aakalang mayaman ang buwaya. Sa huli, kinain ng Buwaya ang kanyang asawa.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, tinanggap ng pabo ang alok. Matapos itong tanggapin, niyaya siya ng buwaya na maupo sa bibig nito. Sinunod naman ito ng pabo kaya siya ay naging isang hapunan ng sakim na buwaya.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Si Pagong At Si Matsing
- Ang Daga At Ang Leon
- Ang Pagong At Ang Kuneho
- Ang Agila At Ang Kalapati
- Si Langgam At Si Tipaklong
We are proud Pinoy!