Ang Barumbadong Gansa (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Barumbadong Gansa – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento na pabula ng isang batang gansa, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Barumbadong Gansa (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Barumbadong Gansa (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, dahil walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.

Ang Barumbadong Gansa

Isang batang-bata subalit barumbadong Gansa ang isinama ng kaniyang mga tiyuhin at tiyahin upang makapagsanay sa paglipad. Inilagay siya sa hulihan upang makita ang wastong pagkampay ng mga pakpak.

Itinuturo ng mga tiyuhin at tiyahin sa batang Gansa kung bakit kailangan ang disiplina sa paglipad. Gusto nilang matutuhan ng batang Gansa kung paano tumingin sa kaliwa at sa kanan. Itinuturo rin nila kung paano lumipad nang mataas at mababa, nang mabilis at mabagal.

Minsan ay nawalan ng disiplina ang batang Gansa. Sa halip na sumunod sa mataas na paglipad ay nagpaiwan ito at nakipaglaro sa mapuputing ulap.

Hinaltak siya ng mga tiyuhin at tiyahin at kinagalitan nang lumapag sila sa ilug-ilugan.

“Ikaw, bata ka. Huwag na huwag kang lalayo sa iyong mga kasama. Matuto kang sumunod sa batas ng disiplina…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Barumbadong Gansa
Ano ang tema ng kwento?Katigasan ng ulo” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang barumbadong gansa, tiyuhin at tiyahin ng barumbadong gansa, at ang agila.
Tagpuan ng kwentoSa ilug-ilugan at sa kalawakan ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang katigasan ng ulo ay magdadala sa atin sa kapahamakan.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

“Ang Barumbadong Gansa” Aral

  • Ang katigasan ng ulo ay magdadala sa atin sa kapahamakan.
  • Makinig tayo sa mga payo ng mga nakatatanda sa atin.
  • Ang pagiging suwail ay walang maidudulot na maganda sa atin.

“Ang Barumbadong Gansa” Buod

Isang araw, may isang barumbadong gansa na hindi nakikinig sa kanyang tiyuhin at tiyahin. Sa katigasan ng ulo, siya ay nagtungo sa silangang direksyon patungo sa bahaghari.

Ang hindi niya alam ay nakabantay na sa bahaging yun ang Agila. Kaya, siya ay nadagit nito. At malayo na ang agila bago ito napansin ng kanyang tiyu at tiya.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, tuluyan nang nadagit ng agila ang batang gansa, dahil huli na nang ito’y napansin ng kanyang tiyu at tiya.

Ating tandaan, na ang pakikinig sa mga matatanda ay magdudulot lamang ng kabutihan sa atin.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment