Ang Aso at Ang Uwak – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwentong pabula ng aso at ng uwak, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.
Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.
Sino ang May Akda ng Pabula na ito?
Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t ibang henerasyon.
Ngayon, atin nang basahin ang pabula na ito.
Ang Aso at Ang Uwak
May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw.
Tinangay niya ito at lumipad nang malayo.
Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne.
Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”…
Pindutin ang button sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Ano ang pamagat ng kwento? | “Ang Aso at Ang Uwak“ |
Ano ang tema ng kwento? | Panlilinlang |
Sino ang mga tauhan sa kwento? | Uwak at Aso |
Tagpuan ng kwento | Sa isang puno. |
Ano ang moral ng kwento? | “Huwag basta-bastang maniwala sa mga papuri ng iba.” |
Sino ang may akda ng kwento? | Walang nakasaad tungkol sa may akda nito. |
“Ang Aso at Ang Uwak” Aral
- Huwag basta-bastang maniwala sa mga papuri ng iba. Maaaring ito ay panlilinlang lamang.
- Huwag manlinlang ng kapwa, dahil ang panlilinlang ay isang masamang gawain.
- Paghirapan ang mga bagay na iyong gusto;
- Huwag isahan at kunin ang pag-aari ng iba.
“Ang Aso at Ang Uwak” Buod
May isang ibong uwak na naisahan ng isang aso sa pamamagitan ng pagpuri nito sa kanya.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, nahulog ang karne na mula sa bibig ng uwak. Ito ay matapos humalakhak sa papuri ng aso. Nang bumagsak na ito sa lupa ay agad itong sinunggaban ng mapanlinlang na aso. Wala na itong nagawa at simula noon, hindi na ito nagpalinlang sa aso.
Ating tandaan, na maging maingat at matalino tayo sa paniniwala sa mga sinasabi o papuri ng iba. Sapagkat, maaaring ito ay sinasabi lamang nila upang tayo ay kanilang maloko at maisahan.
Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Aralin para sa mga Bata
- Si Kalabaw At Si Tagak
- Ang Kabayo At Ang Kalabaw
- Sino Ang Magtatali Ng Kuliling?
- Ang Kabayo At Ang Mangangalakal
- Ang Mag-anak Na Langgam
We are proud Pinoy!