Ang Aso At Ang Anino (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Aso at Ang Anino – Ang artikulong ito ay tungkol sa kwento ng aso at ng kanyang anino, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Ang Aso At Ang Anino (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Aso At Ang Anino (Buod At Aral Ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng pabulang ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Ang kwentong pabula na ito ay isinalin sa tagalog ng isang awtor na hango sa “The Dog And The Shadow” ni Aesop.

Sa aming masusing paghahanap, hindi namin nakita o nahanap ang tunay na nagsalin ng pabula na ito sa Tagalog. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang kwento ng aso at ng kanyang anino.

Ang Aso at Ang Anino

Isang araw, may isang aso ang naglalakad sa may daan habang kagat-kagat sa bibig ang isang pirasong karne. Tumawid siya sa isang tulay at tumingin sa tubig sa ilalim ng tulay.

Nakita niya ang kanyang repleksiyon sa tubig at inakalang ibang aso ito na mayroon ding dalang karne sa bibig.

Malaki at masarap ang dalang karne ng asong nasa harap ko, sa isip ng aso.

Kapag nakuha ko ang karneng ‘yan, magkakaroon ako ng dalawang karne. Tiyak mas mabubusog ako at siguradong may tira pa para panghapunan. Tatakutin ko siya at kukunin ang karne nito…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Aso at Ang Anino
Ano ang tema ng kwento?Kawalang-kasiyahan” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang tauhan sa kwento ay ang “aso.”
Tagpuan ng kwentoSa tulay ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “makuntento sa kung anong meron tayo.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi mahanap ang awtor na nagsalin ng kwento na ito sa Tagalog.
Pagsusuri ng Kwento

Ang Aso at Ang kanyang Anino Aral

  • Makuntento sa kung anong meron tayo.
  • Huwag maging sakim, dahil ang pagiging sakim ay walang maidudulot na mabuti sa atin.
  • Pahalagahan at maging masaya sa mga bagay na meron tayo.
  • Huwag maghangad na kunin ang pag-aari ng iba;
  • Matuto tayong magsumikap para sa mga gusto natin.

Ang Aso at Ang kanyang Anino Buod

Isang araw, may asong naglalakad na may dalang karne. Tumawid ito sa tulay at nakita ang repleksyon sa tubig.

Sa pag-aakalang ibang aso ito na may dala ring karne, tinahulan niya ito upang makuha ang dala nito. Ngunit nang tumahol siya, nahulog ang karne sa kanyang bibig at umuwi itong gutom at malungkot.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, nahulog sa tubig ang karne na kagat-kagat ng aso, dahil sa kanyang pagtahol. Kaya, umuwi ito ng gutom at malungkot.

Ating tandaan, na ang pagnanais sa pag-aari ng iba ay isang masamang katangian. Makuntento na tayo at maging masaya sa kung ano man ang meron tayo, dahil kapag nawala ito, atin itong pagsisisihan.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment