Ang Anino Ng Buriko (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Anino ng Buriko – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang kwentong pabula ng magsasaka, manlalakbay, at ng buriko, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ano ba ang pabula? Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Dagdag pa rito, marami man tayong mabasang iba’t-ibang halimbawa ng pabula, nasisiguro naming sa iba’t-ibang klase ng mga pabula na ito ay may iba’t-ibang aral din tayong matututunan.

Ang Anino Ng Buriko (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Anino ng Buriko (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may-akda ng kwentong ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito, sapagkat walang nakasaad tungkol dito. Marahil ito ay nagpasalin-salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Para sa karagdagang kaaalaman, ang mga manunulat ng pabula ay tinatawag na mga “pabulista.” Samantala, ang mga manunulat ng maikling kwento ay tinatawag na mga “kwentista.”

Ayon pa sa isang artikulo na aming nabasa, ang pabula raw ay isa sa mga itinuturing na pinaka unang uri ng panitikan na kinagigiliwan ng mga tao sa daigdig. Bago pa man daw makarating sa Pilipinas ang mga sikat na pabula ni Aesop, ay may mga isinalaysay na na mga katutubong pabula sa mga liblib na lalawigan at rehiyon, dito sa Pilipinas.

Dagdag pa rito, si Aesop daw ang ipinagmamalaking manunulat at mananalaysay ng Europa. Gusto niyo bang maka alam ng konting kaalaman tungkol kay Aesop?

Si Aesop ay ang tinaguriang “Ama ng Sinaunang Pabula.” Siya ay ipinanganak noong ikaanim na daang taon at isinilang na may kapansanan sa pandinig at pagiging kuba.

Kabilang rin ito sa mga alipin noong panahon na iyon. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, biniyayaan naman ito ng kakayahang makapagsulat at makapagsalaysay ng pabula.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwentong pabula na ito. Gawin nating inspirasyon ang mga aral na ating makukuha sa pabula na ito, nang sa ganun ay tayo’y maging mabuting tao.

Ang Anino ng Buriko

Isang umaga, inarkila ng isang manlalakbay ang Buriko ng isang magsasaka.

Nang lumabas sa kulungan ang Buriko ay sumakay na ang manlalakbay habang sumusunod naman ang magsasaka sa likuran. Upang mabilis-bilis na lumakad ay pinapalu-palo ng magsasaka ang likod ng Buriko.

Mainit na mainit ang kapaligiran kaya ang tatlo ay pawisang-pawisan. Kapag nakakatisod ng malaking bato ay nawawala sa balanse ang Buriko. Ikinatitiwarik ito ng manlalakbay na pagewang-gewang sa pagkakaupo niya sa ibabaw.

Tulak dito, hila diyan.

Pawisan ang manlalakbay. Humihingal naman ang magsasakang nasa likuran.

At ang Buriko? Pawisan na, hihingal-hingal pa bukod sa mga palong lumalatay sa likuran niya. Kaawa-awa talaga ang Burikong sinakyan na ay minaltrato pa…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang pamagat ng pabula na ito ay “Ang Anino ng Buriko
Ano ang tema ng kwento?Kawalang-katarungan at kasakiman” ang tema ng kwento.
Sino ang mga tauhan sa kwento?Ang mga tauhan sa kwento ay ang manlalakbay, magsasaka, at ang buriko.
Tagpuan ng kwentoSa disyerto ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “walang magandang patutunguhan ang pag-aagawan, matutong magpakumbaba at magparaya.”
Sino ang may akda ng kwento?Walang nakasaad tungkol sa may akda ng kwentong ito.
Pagsusuri ng Kwento

“Ang Anino ng Buriko” Aral

  • Walang magandang patutunguhan ang pag-aagawan, matutong magpakumbaba at magparaya.
  • Isipin din ang sitwasyon ng iba, huwag lang ang sariling kaginhawaan.
  • Huwag mag-away sa simpleng bagay, matutong magbahagi.
  • Pahalagahan at huwag maltratuhin ang nagbibigay ng kaginhawaan sa atin.

“Ang Anino ng Buriko” Buod

Isang umaga, inarkila ng manlalakbay ang buriko ng magsasaka. Sila ay naglakbay sa disyerto. Pagod at pawisan silang tatlo ngunit mas pagod ang buriko.

Nang naisipan nilang magpahinga ay pinag agawan nila kung sino ang dapat na sumilong sa anino ng buriko. Hanggang sa nagtatatakbo ang buriko dahil sa takot sa duguang mga mukha ng mga ito.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, nagsuntukan at nagsigawan ang magsasaka at manlalakbay dahil nag aagawan ang mga ito sa anino ng buriko. Nakita ng buriko na duguan ang mga mukha ng mga ito, kaya nagtatatakbo ito sa takot.

Ating tandaan, na ang isang bagay ay hindi dapat natin na pinag-aagawan. Kung maaari ay atin itong ibahagi sa ating kasamahan.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment