Ang Agila At Ang Salagubang (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Agila at ang Salagubang – Sa artikulong ito, ating matutunghayan ang isang pabula na kwento, na may buod at aral. Ito ay isang halimbawa na pabula na magbibigay aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ano ba ang pabula? Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbasa.

Ang Agila At Ang Salagubang (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Agila at ang Salagubang (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sa aming pananaliksik, hindi namin nahanap ang may akda ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, atin nang alamin at basahin ang nilalaman ng kwento na ito.

Ang Agila at ang Salagubang

Gutum na gutom na ang Agila kaya naghahanap siya ng hayop na gagawing pananghalian. Mula sa kaitasaan ay napansin niya ang isang Kunehong masayang naglalakad sa kagubatan.

Nang tumingala ang Kuneho ay alam niyang sasakmalin siya ng Hari ng mga Ibon. Upang makaiwas sa kapahamakan ay nagtatakbo ito upang magtago. Napansin ng Salagubang ang paghabol ng Agila sa Kuneho. Nang magkatama ng paningin ang Kuneho at Salagubang ay humingi ng tulong ang hinahabol.

“Salagubang! Salagubang! Tulungan mo ako! Tiyak na aabutan at gagawin akong pananghalian ni Haring Agila!”

Mabilis tumakbo ang Kuneho pero mabilis ding lumipad at humabol ang Agila…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Agila at ang Salagubang
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “paghihiganti at katarungan.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Agila, Kuneho, Salagubang, at Jupiter ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa kagubatan ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “ang mga naaapi ay dapat na bigyan ng katarungan.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi nabanggit.
Pagsusuri ng Kwento

“Ang Agila at ang Salagubang” Aral

  • Ang mga naaapi ay dapat na bigyan ng katarungan.
  • Tama na dapat bigyan ng katarungan ang naaapi, ngunit mali ang mandamay ng buhay ng iba dahil sa paghihiganti.
  • Gawin ang nararapat, ngunit ika nga, huwag dagdagan ang mali ng isa pang pagkakamali.

“Ang Agila at ang Salagubang” Buod

Isang araw, ang gutom na gutom na agila ay naghanap ng kanyang makakain. Nakita niya ang isang kuneho at hinabol niya ito. Nakita ng salagubang ang lahat ng nangyari at siya’y naghiganti para sa kanyang kaibigan sa pamamagitan ng pagbasag nito sa mga itlog ng agila.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, magmula ng pinatay ni Agila si Kuneho ay pinaghiganti ito ni Salagubang. Pinaghuhulog nito ang mga itlog ni Agila at hanggang ngayon ay patuloy na naghahanap ng pugad si Agila. Si Salagubang naman ay patuloy na ipinaghihiganti ang kaibigan.

Ating tandaan, ang katarungan ay nararapat lamang sa mga naaapi. Ngunit, ang paghihiganti at pagtatanim ng sama ng loob ay hindi tama.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment