Ang Agila At Ang Kalapati (Buod At Aral Ng Pabula)

Ang Agila at Ang Kalapati – Sa artikulong ito, ating alamin ang nilalaman ng pabula na ito, pati narin ang buod at aral nito. Ito ay isang halimbawa ng pabula na magbibigay ng inspirasyon at aliw sa atin, lalo na sa mga bata.

Ang pabula ay isang kwento na ang mga tauhan o gumaganap ay mga hayop. Ito ay may hatid na moral na aral sa mga batang mambabasa. Makakatulong din ito na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa pagbabasa.

Ang Agila At Ang Kalapati (Buod At Aral Ng Pabula)
Ang Agila at Ang Kalapati (Buod at Aral ng Pabula)

Bago natin basahin ang buong kwento, alamin muna natin kung sino ang sumulat o may akda ng kwento na ito.

Sino ang May Akda ng Pabula na ito?

Sino nga ba ang may akda ng pabula na ito? Sa aming masusing paghahanap, hindi namin nakita o nahanap ang tunay na sumulat ng pabula na ito. Marahil ito ay nagpasalin salin na sa iba’t-ibang henerasyon.

Ngayon, basahin na natin ang nilalaman ng kwento.

Ang Agila at Ang Kalapati

Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa kaitaasan. Nang mapansin ng aroganteng Hari ng mga Ibon na ikinakampay din ng mabagal na kalapati ang mga puting pakpak nito ay naghamon ang Agila.

“Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?”

Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapating bigyan ng aral ang humahamon.

“O sige,” sagot ng Kalapati, “kailan mo gustong magtunggali tayo?”

Hindi ipinahalata ng Agila na nagulat siya sa matapang na kasagutan ng hinamon. “I… ikaw ang bahala kung kailan mo gusto…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Ano ang pamagat ng kwento?Ang Agila at Ang Kalapati
Ano ang tema ng kwento?Ang tema ng kwento ay “kayabangan.”
Sino ang mga tauhan sa kwento?Sina Agila at Kalapati ang mga tauhan sa kwento.
Tagpuan ng kwentoSa tuktok ng asul at berdeng bundok ang tagpuan ng kwento.
Ano ang moral ng kwento?Ang moral ng kwento ay “maging mapagpakumbaba.”
Sino ang may akda ng kwento?Hindi mahanap ang tunay na may akda ng kwentong ito.
Pagsusuri ng Kwento

Ang Agila at Ang Kalapati Aral

  • Maging mapagpakumbaba kahit gaano man tayo ka lamang sa iba.
  • Huwag maliitin ang sinuman.
  • Huwag pairalin ang kayabangan dahil wala itong magandang maidudulot sa atin.
  • Mag-isip nang may katalinuhan.
  • Maniwala ka sa sarili mo, dahil kung kaya ng iba, kaya mo rin.

Ang Agila at Ang Kalapati Buod

Isang araw, hinamon ng mayabang na agila ang kalapati sa pabilisan ng paglipad. Dahil gusto ng kalapati na bigyan ito ng aral, pumayag ito.

Nakaisip ng paraan ang kalapati upang manalo at naisahan nito ang agila. Sa huli, nanalo ang kalapati at simula noon, hindi na nagyabang ang agila.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, napangiti ang agila sa pag-aakalang nakakalamang at mananalo siya sa paligsahan. Habang sila ay naglalaban, bumuhos ang malakas na ulan at bumigat at dala nitong bulak.

Ito ang naging dahilan na siya ay bumagal sa paglipad at natalo. Simula noon, hindi na kailanman nagyabang ang Agila.

Maraming salamat sa pagbasa ng pabula na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Aralin para sa mga Bata

We are proud Pinoy!

Leave a Comment