SA MGA KUKO NG LIWANAG BUOD – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang maikling buod ng nobela ni Edgardo M Reyes. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng buod ng nobelang Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag pagsusuri ni Edgardo M. Reyes hanggang sa ngayon.
Ang nobelang ito ay matagal na panahon nang isinulat ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag at nagbibigay aral sa mga mambabasa. Isa ito sa mga makabuluhang nobela na siguradong kapupulutan ng aral.
Ano Ang Sa Mga Kuko Ng Liwanag?
Ang Sa Mga Kuko Ng Liwanag o In The Claws Of Brightness ay isang nobelang isinulat ni Edgardo M. Reyes noong 1966 hanggang 1967. Ang nobela ring ito ay pinagbatayan ng pelikulang Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag sa direksyon ni Lino Brocka.
Ang kwentong ito ay tungkol sa magkasintahang si Julio at Ligaya. Napakahirap ng kanilang buhay kung kaya’t nagpasya silang lumuwas ng Maynila ng sa gayon makahanap ng bagong pag-asang makaahun sana sa buhay.
Sa kanilang pakikipagsapalaran ay naging hindi maganda ang resulta kaya naman kamatayan ang naging katapusan. Ang mga pangunahing tauhan sa nobela ay sina Ligaya Paraiso, Julio Madiaga, Ginang Cruz, Benny, Perla at iba pa.
Sa Mga Kuko Ng Liwanag Buod

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang maikling buod ng nobelang ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ng nobela ni Edgardo M Reyes.
Buod Ng Sa Mga Kuko Ng Liwanag
Si Julio ay isang maralitang mangingisda na may kasintahan na ang pangalan ay Ligaya.
Isang araw, umalis si Ligaya kasama ang isang Ginang Cruz na pinangakuang makakapag-aral at makapaghanapbuhay sa Maynila si Ligaya.
Pumunta si Julio sa Maynila para makita si Ligaya. Noong nasa Maynila na, naging biktima si Julio ng mga mapanlamang na mga tao sa lungsod. Nakaranas si Julio ng mga pang-aabuso habang nagtatrabaho sa isang lugar ng konstruksiyon at pagbebenta ng sariling katawan para lang kumita ng pera.
Unti-unting nawawalan ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ngunit nagbago ang lahat nang muli niyang makita si Ligaya. Nalaman niyang si Ligaya ay naging biktima ng prostitusyon…..
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Edgardo M. Reyes. I-download upang mabasa ito offline.
Ang halimbawa ng maikling nobelang ito ay isang nobela ni Edgardo M. Reyes. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Julio na isang mangingisda at na sumunod sa pinakamamahal niyang si Ligaya sa Maynila.
Tinalakay sa nobela ito na ang kanyang mithiing muling makapiling si Ligaya ngunit nakaranas sila ng pagmamalupit ng lipunan.
Mga Tauhan sa Nobelang Sa Mga Kuko Ng Liwanag
Time needed: 3 minutes.
Narito ang mga tauhan sa nobela.
- Julio
Isang binatang matipuno at isang mangingisda nakatira sa Marinduque. Pumunta sa Maynila para makita kaisntahan na si Ligaya.
- Ligaya o Ligaya Paraiso
Siya ang kasintahan ni Julio na lumuwas ng Maynila, pinangakuan na makapag-aral at magkaroon ng magandang trabaho ngunit naging biktima siya ng prostitusyon.
- Pol
Siya ang matalik na kaibigan ni Julio. Si Pol ang laging tumutulong ka Julio sa mga suliranin nito sa buhay.
- Atong
Katrabaho at mabait na kaibigan ni Julio sa construction site.
- Ah Tek
Isang Instik na bumili at nagkagusto kay Ligaya at kanyang pinakasalan.
- Perla
Kapatid ni Atong na kaibigan din ni Julio.
Aral sa Nobela
Ang makukuhang aral sa maikling buod ng nobela ay huwag kaagad maniniwala sa mga taong nangangako. Matutong sumuri kung ito nga ba ay totoo upang maiwasan ang pangloloko. Suriin ang mga taong lumalapit sa atin bago tuluyang maniwala sa kanilang sinasabe upang makaiwas sa kapahamakan.
Huwag gagawa ng mga desisyon na hindi muna pinag-iisipan ng mabuti dahil sa hindi masosolusyunan ang isang problema kung dadagdagan ng isa pang problema.
Laging manalangin sa bawat desisyon na gagawin upang maiwasan ang hindi magagandang pangyayari sa ating buhay.
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay ni Julio na sinubukan ang kapalaran sa Maynila sa paniniwalang aahon sila sa kahirapan.
Hindi naman masamang mangarap, ngunit sa kasamaang palad ay naabuso sila at namatay sa kamay ng mga gahamang tao. Ang nobelang ito ay pangsosyo-politikal na naglalayong pumukaw sa ating damdamin sa mga pang-aapi ng mga mayayamang may kapangyarihan at mga sakim sa lipunan.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Sa Mga Kuko Ng Liwanag Buod – Nobela Ni Edgardo M. Reyes,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.
- Halimbawa Ng Nobela
- Buod Ng El Filibusterismo
- Buod Ng Noli Me Tangere
- Banaag At Sikat Buod
- Mga Ibong Mandaragit Buod
We are Proud Pinoy.