Sa Bagong Paraiso Buod – Buod Ng Nobela Ni Efren Abueg

SA BAGONG PARAISO BUOD – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang maikling buod ng nobela na pinamagatang “Sa Bagong Paraiso” ni Efren Abueg. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin. Hanggang sa ngayon ay nananatiling buhay sa puso’t isip ng mga mambabasa.

Ang nobelang ito ay matagal na panahon nang isinulat ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag at nagbibigay aral sa mga mambabasa. Ito ay isa sa mga makabuluhang nobela na siguradong kapupulutan ng aral.

Ano Ang Sa Bagong Paraiso?

Ang nobelang pinamagatang Sa Bagong Paraiso ay isang katha ni Efren Abueg. Siya ay isang magaling na kuwentista, nobelista, mananalaysay, at krititiko sa kanyang kapanahonan. Ang nag-udyok sa kanyang isulat ang akda ang pagnanais niyang tumatak sa isipan ng bawat mambabasa ang aral na nais nitong ipahiwatig.  Gusto niyang hikayatin ang mga kabataan na kailangang sundin ang payo ng mga magulang at ng mga nakakatanda.

Tungkol sa dalawang magkaibigan na babae at lalaki na pilit pinaghihiwalay ng kanilang mga magulang ang kwento. Dahil ito sa kadahilanang sila ay binata’t dalaga na at ang lalaki raw ay malapit sa tukso kapag malapit sa babae. Masarap gawin ang bawal kung kaya’t pilit silang kumawala sa mga magulang at tinahak ang bagong paraiso na naging dahilan ng pagdilim ng kanilang mga mundo.

Sina Ariel at Cleofe ang mga pangunahing tauhan sa kwento.

Buod Ng Sa Bagong Paraiso

Sa Bagong Paraiso Buod - Buod Ng Sa Bagong Paraiso Ni Efren Abueg
Sa Bagong Paraiso Buod Ni Efren Abueg

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang maikling buod ng nobelang ito. Nawa ay basahin ng mabuti at sana kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ibaba.

Buod Ng Sa Bagong Paraiso Ni Efren Abueg

Magkababata sina Ariel at Cleofe. Musmos pa lamang sila ay kilala na nila ang isa’t isa. Itinuring nilang isang paraiso ang kanilang lugar, kasabay ng kanilang gawain at paglalaro na labis nilang kinaaliwan noon.

Walong taong gulang sila nang magkakilala at mahilig maglaro sa tabing-dagat at sa malawak na bukirin sa kanilang lugar.

Ang magandang samahan nina Ariel at Cleofe ay nagtagal hanggang sa dumating ang panahon na sila ay dalaga at binata na. Sa panahong ito, wala na ang kamusmusan at nag-iba na rin ang takbo ng kanilang isip, maging ang kanilang damdamin.

Batid ng mga magulang nila na higit na sa pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawa. Ang dating magkalaro ay alam nilang mahalaga na ang tingin sa isa’t isa. Kaya naman gumawa ng aksyon ang kanilang mga magulang…..

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Efren Abueg. I-download upang mabasa ito offline.

Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Sa Bagong Paraiso” ay isang nobela ni Efren Reyes Abueg. Ang nobelang ito ay hinggil sa pag-iibigan ng dalawang magkababata na sina Ariel at Cleofe. Tinalakay dito na sa kabila ng paghadlang ng kanilang magulang ay nakagawa sila ng paraan at natagpuan ang kanilang paraiso na nagbunga ng isang biyaya.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng nobela ni Efren. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay nina Ariel at Cleofe na magkababata at pilit na pinaglayo ng kanilang mga magulang ng silang dalawa ay lumaki na. Sa kabila ng pagtutol ng kanilang mga magulang ay natagpuan nila ang bagong paraiso sa yakap at halik ng bawat isa.

Ang nobelang ito ay nag-iiwan din sa atin ng aral na ang pagsunod sa payong ating mga magulang ay isang landas patungo sa mabuting kinabukasan. Sapagkat, kung tayo’y papunta pa lamang, sila’y pabalik na.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

Mga Katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Sa Bagong Paraiso Buod – Buod Ng Nobela Ni Efren Abueg,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.

We are Proud Pinoy.

1 thought on “Sa Bagong Paraiso Buod – Buod Ng Nobela Ni Efren Abueg”

Leave a Comment