Nobela Kahulugan – Ano Ang Nobela Sa Tagalog?

NOBELA KAHULUGAN – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan, elemento, katangian, layunin, uri ng nobela sa Tagalog at mga halimbawa nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga nobela hanggang sa ngayon.

Ano Ang Kahulugan ng Nobela?

Ang nobela o novel sa Ingles ay isang sining pamapanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa maaming kabanata. Ang nobela ay nagmula sa salitang Italyano na “novella” na nangangahulugang balita, salaysay o romantikong kwento.

Nahahanay ito sa kategoryang piksyon na nagsasalaysay ng mga kathang-isip na kaganapan o sa totoong buhay. Ito ay naglalaman ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at mga kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan.

Ang nobela ay binubuo ng 60,000 hanggang 200,000 na salita o 300-1,300 pahina. Ang nobela ay hindi mababasa sa isang upuan lamang sapagkat mahaba at madami ang mga kaganapan dito.

Ano Ang Kahulugan Ng Nobela At Halimbawa

Nobela Kahulugan - Ano Ang Kahulugan Ng Nobela At Halimbawa
Ano Ang Kahulugan Ng Nobela

Katangian ng Nobela

Narito ang mga katangian ng nobela.

  • Maayos at madali ang pagkakasulat ng mga tagpo at kaisipan
  • Sumasalamin sa lahat ng aspeto ng buhay
  • Masining ang paglalahad sa mga tagpo
  • Marami ang ligaw na pangyayari at tagpo
  • Maayos at malinis ang pagkasukat
  • Kaaya-aya
  • Maraming mga magagandang pangyayari kung saan nakikilala ang mga tauhan binibigyang diin sa nobela

Batay sa kahulugan ng nobela, makikita nating ang mga katangian nito ay sadyang napaka-importante. Nagsasa-ad ito na ang bawat kaganapan ay lubhang mahalaga sa buhay ng kwento o sa kabuuan ng isang nobela.

Nobela kahulugan – Elemento ng Nobela

Time needed: 2 minutes.

Narito ang elemento ng nobela.

  1. Tagpuan

    Ito ay tumutukoy sa mga lugar at panahon na pinangyarihan sa isang nobela.

  2. Tauhan

    Sila ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa isang nobela.

  3. Banghay

    Ang banghay isang akdang nasa layong pagsusunod-sunurin ang mga kaganapan sa nobela.

  4. Pananaw

    Ang pananaw ay tungkol sa panauhang ginagamit ng may-akda.
    A. Una – Kapang ang may-akda ay kasali sa kwento.
    B. Pangalawa – Kapag nakikipag-usap ang may-akda.
    C. Pangatlo – Kapag ang may-akda ay naglalahad ng kanyang nakikita o obserbasyon.

  5. Tema

    Ito ang binibigyang siin sa isang nobela na tinatawag na paksang-diwa.

  6. Damdamin

    Ang damdamin ang nagbibigay kulay o nagbibigay buhay sa mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa.

  7. Simbolismo

    Ito ay tumutukoy sa mga bagay, tao o kaganapan sa isang nobela na nagbibigay ng malalim na kahulugan sa mambabasa.

Batay sa kahulugan at katangian ng nobela, ang elemento ay sadyang mahalaga sa kabuuan ng isang nobela. Ang isang magaling na may-akda ng nobela ay tiyak na isinaalang-alang ang mga ito.

Uri ng Nobela

Narito ang mga uri ng nobela.

MGA URI NG NOBELADEPINISYON
Nobelang MakatotohananIto ay sinulat upang gawing totoo ang mga pangyayaring isinalaysay. Nagtatampok ito ng malalakas na karakter na umunlad sa isang kapaligiran. Sila ay may totoong mga problemang panlipunan at nagsasagawa ng pang araw-araw na mga pagkilos.
Nobelang EpistolaryoAng nobelang ito ay kwentong naisasalaysay sa pamamagitan ng mga dokumento tulad ng mga sulat, telegrama, talaarawan.
Nobelang PangkasaysayanAng nobelang ito ay binibigyang diin ang kasaysayan o pangkasaysayan ay isang uri ng nobela na ang mga kaganapan ay mula sa nakaraan.
Nobelang AwtobiograpikoIto ay ang mga nagsisiwalat ng impormasyon tungkol sa buhay ng may-akda. Ipinapaloob ng manunulat ang mga elemento ng kanyang buhay at pinaghahalo ang mga ito sa balangkas ng nobela.
Nobelang PagsasanayAng nobelang ito ay pinagtatrabahuhan ang emosyonal at sikolohikal na ebolusyon ng isang tauhan.
Nobelang Kathang-isip sa SiyensyaAng nobelang kathang – isip sa Siyensya ay tungkol sa mga teknolohikal na elemento, na nagpapakita ng mga pagsulong sa larangang ito.
Nobelang DystopianIto ay nobelang nagpapakita ng futuristic, advanced na teknolohikal na lipunan.
Nobelang UtopianAng nobelang ito ay nagpapakita ng mga ganap na perpektong lipunan.
Nobelang PantasyaAng nobelang pantasya ay ang mga haka-haka ng mundo, tulad ng mga nobelang science fiction at nobelang dystopian.
Nobelang Pang-tik-tikIto ay isang uri ng nobela na kung saan ang bida ay sumusubok na lutasin ang isang krimen. Ay bida ay maaaring isang miyembro ng pulisya, isang pribadong detektib, o isang investigator.
Nobelang Pulp FictionAng nobelang ito ay tumutukoy sa isang uri ng tipikal na pag-print ng ika – 20 siglo. Napaka-tipid at pinapaboran ang pagkonsumo ng masa ng mga teksto na ito.
Nobelang KatatakutanAng nobelang katatakutan ay nagkukwento ng mga kaganapan na naghahangad na makabuo ng takot sa mambabasa.
Nobelang MisteryoIto ay madalas na nakatuon sa isang krimen (karaniwang pagpatay), na dapat lutasin ng mga tauhan.
Nobelang GothicAng nobelang ito ay may kasamang mga elemento ng supernatural, sumisindak, at mahiwaga.
Nobelang KoboyAng nobelang koboy ay karaniwang itinatakda sa dulong kanluran ng Estados Unidos.
Nobelang PicaresqueIto ay ang mga nagkukwento ng mga pakikipagsapalaran ng isang antihero o isang antiheroine. Ito ay nahulog sa kategoryang ito para sa hindi pagsunod sa mga kaugalian ng panahon.
Nobelang SatirikalAng nobelang ito ay naghahangad na manuya sa isang partikular na elemento. Ito ay para makapukaw ng pagbabago ng opinyon sa mambabasa o kahit na isang reaksiyon.
Nobelang Pang-algorithmAng nobelang pang-algorithm ay isang uri ng nobela na kung saan ginamit ang kwento upang tumukoy sasa mga hangarin, kalagayan, sitwasyon o kaganapan..
Nobela Kahulugan – Mga Uri ng Nobela

Ang mga uri ng nobela ay naglalahad ng mga kwentong kawili-wili sa mga mambabasa. Ang nobela ay sadyang hinabi ng mahusay ang pagbalangkas ng mga pangyayari upang mapukaw ang katrhang-isip ng mambabasa.

Nobela Kahulugan – Layunin ng Nobela

Ang mga layunin ng nobelang ay ang:

  • Gigising ang damdamin at diwa ng mga mambabasa.
  • Magbibigay–aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
  • Magsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
  • Magbibigay inspirasyon sa mga mambabasa.
  • Pupukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela.

Batay sa kahulugan, katangian, elemento at uri ng nobela na inyong nabasa, narito naman ang mga layunin ng nobela. Ito sadyang importante sa isang nobela sapagkat ito ay nagsisilbing pamantayan ng isang manunulat ng nobela.

Halimbawa ng Nobela

Narito na ang mga halimbawa ng nobela na magandang basahin.

  • El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
  • Ang Huling Timawa ni Servando De los Angeles
  • Ang Mestisa (1920) ni Engracio L. Valmonte
  • Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
  • Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
  • Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
  • Sugat ng Alaala ni Lazaro Francisco
  • Ang Magpapawid ni Teodoro Virrey

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary Ng Nobela Kahulugan

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan, elemento, katangian, layunin, uri at mga halimbawa ng nobela Tagalog. Ang isang nobela ay naghahangad na ipaliwanag sa mambabasa ang pangunahing layunin ng mga bida at kontabida ng kwento. Ginawa ang mga ito sa malikhaing pamamaraan upang maging kawili-wili at kapupulutan ng aral.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong kahulugan ng nobela. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

1 thought on “Nobela Kahulugan – Ano Ang Nobela Sa Tagalog?”

Leave a Comment