MGA IBONG MANDARAGIT BUOD – Sa araling ito ay iyong matutunghayan kung ano ang maikling buod ng nobela na ipinamagatang “Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez.” Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng buod ng nobela ni Amado V Hernandez hanggang sa ngayon.
Ang nobelang ito ay matagal ng naisulat, lumipas man ang maraming araw, bwan at taon ang kanyang mga sinulat ay mananatili pa rin sa buhay sa puso’t isip ng mga Pilipino. Hanggang meron pang nagbabasa ng mga nobela ay hindi ito mawawala.
Dagdag pa rito, ito ang nobelang naghahangad ng pagbabago sa katayuan ng lipunan sa pamumuhay ng mga Pilipino. Isinalaysay rin dito ang pagdating ng industriyalisasyong na dala ng mga Amerikano.
Ano Ang Mga Ibong Mandaragit?
Ang Mga Ibong Mandaragit na nobela ni Amado V Hernandez ay isinulat noong 1969. Ito ay isang nobelang pangsosyo-politika. Si Mando “Andoy” Plaridel ang pangunahing tauhan sa kwento na ang tunay na pangalan ay Alejandro Pamintuan.
Tinalakay sa kwentong ito ang mga suliranin ng lipunan. Naganap ang mga pangyayaring ito sa panahong malapit nang magwakas ang pananakop ng mga Hapones noong ikalawang digmaang pandaigdig. Si Mando ay sumapi sa mga gerilya matapos siyang ipagkalulo sa mga Hapon ng amo niyang si Don Segundo Montero na dating nagpa-aral din sa kanya.
Sa huli ay nagtagumpay din si Mando sa kanyang mga plano at nagtatag siya ng isang pahayagan na Kampilan.
Ang Buod Ng Mga Ibong Mandaragit

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para iyong maintidihan ang maikling buod ng nobelang Mga Ibong Mandaragit. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ng nobela ni Amado V Hernandez.
Buod Ng Mga Ibong Mandaragit
Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Don sa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan.
Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.
Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy.
Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.
Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan.
Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Amado V. Hernandez. I-download upang mabasa ito offline.
Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Mga Ibong Mandaragit” ay isang nobelang pangsosyo-politikal ni Amando V. Hernandez. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Mando “Andoy” Plaridel. Tinalakay sa nobelang ito ang suliranin ng mamamayan at ng lipunan.
Mga Ibong Mandaragit Tauhan
Time needed: 3 minutes.
Narito ang mga tauhan sa nobelang Mga Ibong Mandaragit
- Mando Plaridel
Si Mando “Andoy” Plaridel ay ang pangunahing tauhan sa nobela. Ang kanyang tunay na pangalan ay Alejandro Pamintuan. Siya ang nakahanap ng kayaman ni Simoun, lider ng sosyalista.
- Don Segundo Montero
Isang haciendero at madugas na negosyante. Siya ang may-ari ng hacienda Montero.
- Dollores “Dolly” Montero
Siya nag nag-iisang anak ng pamilya Montero at sa panahon ng hapon siya ang nakarelasyon ni Koronel Moto. Nabuntis naman siya ni Tineyente Whitey sa panahon ng Liberasyon. Siya rin ang nakarelasyon ni Mando.
- Donya Julia Montero
Asawa ni Don Segundo.
- Tata Matyas
Siya ang ama-amahan ni Mando at isang rebolusyonaryo sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, Amerkano at mga Hapon.
- Magat
Isang matapang at disiplinado na lider, kaibigan siya ni Mando.
- Karyo
Isa sa mga kasamahan ni Mando sa pagtakas sa panahon ng Hapon.
- Danoy
Siya ang lider ng magbubukid.
- Coronel Moto
Siya ang pinunong Hapon sa Maynila at ang naging nobyo ni Dolly.
- Capitan Pugot
Isa siyang kolaborator ng Hapon at naging engkargado ng hacienda Montero.
- Son Tua
Isa siyang milyonaryong Insik.
- Pong-Tua-Son
Isang arkitekto.
- Puri
Isa siyang anak ng magsasaka at napakarilag na binibini sa hacienda Montero. Siya ang kasintahan ni Mando.
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng Mga Ibong Mandaragit. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay ni Mando “Andoy” Plaridel. Ang nobelang ito ay pangsosyo-politikal na naglalayong makawala sa mga pang-aapi ng mga mayayamanng may kapangyarihan at mga sakim sa lipunan.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Mga Ibong Mandaragit Buod – Nobela ni Amado V. Hernandez,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Uri ng Nobela
- Halimbawa Ng Nobela
- Buod Ng El Filibusterismo
- Buod Ng Noli Me Tangere
- Banaag At Sikat Buod
We are Proud Pinoy.