LUHA NG BUWAYA BUOD – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang maikling buod at kahulugan ng nobela ng Luha Ng Buwaya by Amado V Hernandez. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin hanggang sa ngayon.
Ang buod ng nobela na Luha Ng Buwaya ni Amado V. Hernandez ay umiikot sa pamilyang mayaman na mapang-abuso at mapang-api ng mga magsasakang mahihirap. Dito makikita kung paano ipinaglalaban at nakamit ng mga mahihirap ang hustiya na kanilang minimithi.
Ang nobelang ito ay matagal na panahon nang isinulat ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag at nagbibigay aral sa mga mambabasa. Isa ito sa mga makabuluhang nobela na siguradong kapupulutan ng aral.
Ano Ang Luha Ng Buwaya Kahulugan?
Ang Luha Ng Buwaya o Crocodile’s Tear sa Ingles ay isang nobela ni Amado V. Hernandez na inilathala noong 1962. Umiikot ang istorya sa mga mahihirap na magsasaka na nagkaisa upang maghigante sa mga mayayamang pamilya at sa mga Grande.
Si Bandong ang pangunahing tauhan sa kwento na siyang tumulong sa mga magsasaka na makuha ang kanilang lupa. Sa dakong huli ng nobela ay nalaman nilang hindi pala sa mga Grande ang lupang inaangkin nila. Kaya napagtanto nilang sa kanilang pagkakaisa ay mababago nila ang bulok na sistemang piyudal ng lipunan.
Siguradong mapapaisip ka talaga kung bakit ang nobelang ito ay pinamagatang “Luha Ng Buwaya“. Ayon sa lumang anekdota ang hayop na buwaya ay sadyang lumuluha upang maaakit o makuha ang loob ng kanilang biktima. Kagaya na lamang ng pamilya Grande makikita sa nobela na akala mo sadyang kay babait subalit kabaliktaran ang lahat ng kanilang ipinapakita.
Ang Luha Ng Buwaya ay isang matalinhagang salita na ang ibig sa bihin ay mapagbalatkayo o mapagkunwari.
Sino Si Amando V. Hernandez?
Si Amando Vera Hernandez ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan ngunit Lumaki sa Tondo, Maynila. Namatay siya noong 24 Marso 1970. Kilala siya bilang isang tanyag na manunulat isa rin siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa.
Nakulong siya noong taong 1950 dahil sa pagkakasalang pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Samantala hindi nagtapos ang kanyang pagsusulat dahil sa kulungan niya isinulat ang kayang mga tanyag na nobelang Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya.

Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang “Isang Dipang Langit”, ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.
Matapos ng limang taong pagkakakulong siya ay napawalang-sala sa mga kasong kanyang hinaharap. Si Amando V. Hernandez ay isang sikat at pinarangalan bilang isang alagad ng sining ng Pilipinas. Ang Luha Ng Buwaya ay may 53 na kabanata.
Marami rin siyang naisulat na mga tula, maikling kwento, dula, at mga sanaysay. Noong 1973, matapos ang ilang taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si “Ka Amado” ng titulong Pambansang Alagad ng Sining.
Bagama’t matagal-tagal na rin mula nang pumanaw ang manunulat, patuloy na umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang mga salita ng tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan.”
Buod Ng Luha Ng Buwaya

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang maikling buod ng nobela. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ng Luha Ng Buwaya ni Amando V. Hernandez.
Ang nobela ay umiikot sa pang-aabuso at pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga mahihirap at kapus-palad na mga mamayan ng isang bayan sa probinsya. Matutunghayan kung papaano nakaisa·t nagsama-sama ang mga kapus-palad upang lumaban at malutas ang kanilang mga suliran.
Buod ng Nobelang Luha Ng Buwaya
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakasyon muna dahil sa karamdaman.
Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong. Bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man.
Sila’y laging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka. Ito ay dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong.
Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande. Tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay ‘Tambakan’ o ‘Bagong Nayon’ at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano.
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Amando V. Hernandez. I-download upang mabasa ito offline.
Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Luha Ng Buwaya” ay isang nobela ni Amado V. Hernandez. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Bandong na humalili bilang punong guro sa paaralan sa Sampilong.
Tinulungan niya ang mga magsasaka na makuha ang hustisya tungkol sa problema sa lupain laban sa mga Grande.
Tauhan ng Luha Ng Buwaya
Time needed: 3 minutes.
Narito ang mga tauhan sa nobelang Luha Ng Buwaya na isininulat ni Amando V. Hernandez.
- Bandong Cruz
Siya ang humalili sa punong guro na nagbakasyon, siya ang panibagong punong guro sa paaralan ng Sampilong. Anak siya ng isang magsasaka at maagang naulila. Siya ang tumulong sa mga mahihirap na magsasakang inaapi ng pamilya Grande. Siya ay isang matulungin at mapagkakatiwalaan na punong guro.
- Don Severo at Doña Leona Grande
Sila ang mag-asawang mapang-abuso at mapang-api sa mga mahihirap na magsasaka at sa mga nagungupahan sa kanilang lupain. Mayroon silang dalawang anak sina Jun at Ninet. Ang pamilya ay madalas nagsisimba ngunit lubhang mapang-api at sakim.
- Dislaw
Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalaga na si Pina. Isa siyang mayabang na katiwala ng mga Grande. Dahil sa kanyang masamang pag-uugali ay kinamumuhian siya ng mga magsasaka.
- Jun at Ninet
Sila ang dalawang anak mula sa Maynila ng mag-asawang Grande.
- Pina
Ang magandang dalaga na kinahuhumalingan ni Bandong at Dislaw.
- Andres
Si andres ay may lihim na pagkatao at nakatira ito sa iskwater at siya ay pinagbintangan na kumuha ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Siya ang tunay nagmamay-ari ng malaking lupain na inangkin ng Pamilya Grande.
- Tasyo
Si Tasyo ang hinirang na pinuno ng unyon, palaging itong kaaway si Dislaw at ang pamilya Grande. Ipinaglalaban nito ang mga karapatan ng mga mahihirap na magsasaka dahil patuloy na inaabuso ng mayamang pamilya Grande.
Aral sa Nobelang Luha ng Buwaya
Ang mga aral na makukuha sa nobelang ito ay:
- Huwag matakot na ipaglaban ang iyong karapatan.
- Huwag sumuko sa buhay na akala mo wala ng katapusan ang problema.
- Maging pursigido at matatag sa mga ipinaglalaban.
- Ang pagiging ganid ay walang patutunguhan.
- Magtulong-tulong upang malutas ang mga suliranin.
- Tumulong sa taong mahihirap kung may kakayahang tumulong.
- Lumaban sa mga taong mapang-api at mapang abuso.
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng Luha Ng Buwaya. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay ni Bandong na tumulong sa mga magsasaka ng Sampilong upang makuha ang kanilang lupa sa mga Grande. Ang pamilyang Grande ang mga sakim na mayamang pamilya nagkukunwaring kanila ang lupa sa Sampilong.
Ang nobelang ito ay nag-iiwan din sa atin ng aral na dapat tayong magkaisa sa anu mang pagsubok ng buhay. Ipaglaban natin ang ating karapatan bilang tao sa mabuting paraan.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Luha Ng Buwaya Buod – Nobela Ni Amando V. Hernandez,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa paksang Luha Ng Buwaya, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.
- Buod Ng Noli Me Tangere
- Banaag At Sikat Buod
- Mga Ibong Mandaragit Buod
- Sa Mga Kuko Ng Liwanag Buod
- Lalaki Sa Dilim Buod
We are Proud Pinoy.