LALAKI SA DILIM BUOD – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang maikling buod ng nobela na pinamagatang ang Lalaki Sa Dilim ni Benjamin M. Pascual. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin hanggang sa ngayon.
Ang buod ng nobela na ang Lalaki Sa Dilim ni Benjamin M. Pascual ay isang magandang nobela na siguradong kapupulutan ng aral ng mga mambabasa.
Ano Ang Lalaki Sa Dilim?
Ang Lalaki Sa Dilim ay isang nobela ni Benjamin M Pascual na inilathala noong 1976. Si Benjamin Pascual ay pinanganak sa Ilocos Norte. Siya ay isang magaling manunulat ng kwento bago siya naging isang nobelista at nanalo ng nang mga karangalan.
Ang nobelang ito ay tungkol sa isang lalaki na may ginawang maling gawain na angkop sa titulo. Dito ay nakagawa ng isang malaking kasalanan si Rafael Cuevas na siyang bida ng kwento. Ginahasa niya ang isang babaeng bulag na isa namang maselang topiko na napapanahon.
Makikita natin kung paano nabago ang buhay ng lalaki sa pamamagitan ng pagsisisi at nabigyan ulit ng liwanag ang kanyang buhay.
Buod Ng Nobelang Lalaki Sa Dilim

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang maikling buod ng nobela na Lalaki Sa Dilim. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ng Lalaki Sa Dilim ni Benjamin M Pascual.
Buod Ng Nobela Na Lalaki Sa Dilim Ni Benjamin M Pascual
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ng kanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer.
Nagawa niyang gahasain ang babaing kahabag-habag ang kalagayan. Isang bulag at maralita ang kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.
Walang ebidensyang makapagpapatunay. Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa, binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabing sa kanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang ng kaunti upang hindi makahalata.
Nagbunga ang kanyang nagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyang pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak…..
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Benjamin M Pascual. I-download upang mabasa ito offline.
Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Lalaki Sa Dilim” ay isang nobela ni Benjamin P. Pascual. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Rafael Cuevas na nakagahasa ng isang babaeng bulag. Mababatid na ang pisikal na pagkabulag ng babae ang siyang magbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng lalaki.
Mga Tauhan sa Nobelang Lalaki Sa Dilim
Time needed: 3 minutes.
Narito ang mga tauhan sa nobela.
- Rafael Cuevas
Ang lalaking gumahasa kay Ligaya. Isa siyang mayaman na doktor sa mata na mahilig sa babae. Sa huli ay nagbago upang itama ang lahat ng kanyang nagawang kasalanan kay Ligaya.
- Ligaya
Siya ang babaeng bulag na ginahasa ni Rafael Cuevas. Hindi ito nakapag-aral ngunit sa kabila ng nangyari sa kanyang buhay ay tinanggap niya ng lubos ang batang bunga ng panggagahasa sa kanya.
- Margarita
Si margarita ay galing sa isang disente at sosyal na pamilya. Siya ang asawa ni rafael at nagtaksil sa asawa sa kabila ng pinanggalingang pamilya. Isa itong opera singger at mahilig sa manlalaki.
- Nick
Si Nick Cuerpo ay kaibigan ni Rafael Cuevas, nabulag ito sa pambababae kaya naman hindi niya nagagampanan ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya. Mamatay siya kasama ang kanyang kabit na si Margarita.
- Marina
Si Marina Cuerpo ay asawa ni Nick, isa siyang mabait at mapagmahal na asawa at ina. Hanggang hindi na niya matiis ang ginawa ng asawa at nakagawa ito ng hindi maganda.
- Aling Sela
Si Aleng Sela ang mabait na ina ni Ligaya.
Aral sa Nobela
Ang aral sa nobelang ito ay huwag kang gagawa ng isang bagay na ikasisira ng ibang tao at higit sa lahat ikasisira ng iyong buhay. Dahil hindi habang buhay ay maitatago mo ang kasalanang iyong nagawa. Sabi nga nila walang kasalanan ang hindi mabubunyag.
Maging responsable sa pamilya at maging tapat sa asawa. Mag-iingat sa mga taong iyong nakakasalamuha dahil sa panahon ngayon wala ng pinipili ang mga masasamang tao. Maging matatag kahit anuman ang narasanang hindi maganda sa buhay kagaya na lamang ni Ligaya. Naging matatag siya sa kabila ng kanyang kapansanan at ang panggagahasa sa kanya ni Rafael.
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng Lalaki Sa Dilim. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay ni Rafael Cuevas na napunta sa dilim ang landas dahil ginahasa niya ang isang babaeng bulag. Makikita natin kung gaano kahirap ang nadanas ng babaeng bulag sa nangyari sa kanya.
Ang nobelang ito ay nag-iiwan din sa atin ng aral na maari pa nating bawiin ang kasalanang ating nagawa. Ito ay sa pamamagitan ng pagsisisi at taos pusong pakukumbaba upang lumiwanag ang dilim sa ating pagkatao.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Lalaki Sa Dilim Buod – Nobela Ni Benjamin M. Pascual,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.
- Buod Ng El Filibusterismo
- Buod Ng Noli Me Tangere
- Banaag At Sikat Buod
- Mga Ibong Mandaragit Buod
- Sa Mga Kuko Ng Liwanag Buod
We are Proud Pinoy.
pwede po bang maka henge nang iyong kopya sa lalaki sa dilim, nabasa ko kasi nagandahan ako.