KATANGIAN NG NOBELA – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan at katangian ng isang nobela sa Tagalog at mga halimbawa nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga nobela hanggang sa ngayon.
Ano Ang Kahulugan ng Nobela?
Ang nobela o novel sa Ingles ay isang sining pamapanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa maaming kabanata. Ang nobela ay nagmula sa salitang Italyano na “novella” na nangangahulugang balita, salaysay o romantikong kwento.
Nahahanay ito sa kategoryang piksyon na nagsasalaysay ng mga kathang-isip na kaganapan o sa totoong larangan ng buhay. Ito ay naglalaman ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at mga kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan.
Ang nobela ay binubuo ng 60,000 hanggang 200,000 na salita o 300-1,300 pahina. Ang nobela ay hindi mababasa sa isang upuan lamang sapagkat mahaba at madami ang mga kaganapan dito.
Ano Ang Mga Katangian Ng Nobela At Halimbawa

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang mga importanteng ideya tungkol sa Nobela. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga kaalaman tungkol sa nobela.
Ano Ang Mga Katangian Ng Nobela?
Time needed: 1 minute.
Narito ang mga katangian ng nobela.
- Madali, maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
- Sumasalamin sa lahat ng aspeto ng buhay
- Masining ang paglalahad sa mga tagpo
- Marami ang ligaw na pangyayari at tagpo
- Maayos at malinis ang pagkasukat
- Kaaya-aya
- Maraming mga magagandang pangyayari kung saan nakikilala ang mga tauhan
Batay sa kahulugan ng nobela, makikita nating ang mga katangian nito ay sadyang napaka-importante. Nagsasa-ad ito na ang bawat kaganapan ay may mahalagang papel sa kabuuan ng isang nobela.
Halimbawa ng Nobela
Batay sa mga katangian ng nobela, narito na ang mga halimbawa nito na magandang basahin.
- El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
- Ang nobela na pinamagatang “El Filibusterismo” ay isang pangkasaysayan at satirikal na nobela ni Jose Rizal. Ito ay nagsilbing pampukaw sa mga Pilipino sa mga karahasan at korapsyon ng mga Kastila noon.
- Ang Huling Timawa ni Servando De los Angeles
- Ang maikling nobela na pinamagatang “Ang Huling Timawa” ay isang nobela ni Servando de los Angeles. Ang nobelang ito ay hinggil sa pakikibaka ng isang pamayanan upang lumaya sa masamang pamahalaan. Tinalakay kung paano pinaglaban ni Mateo de la Cruz ang kanilang karapatan at sa huli ay nakamit nila ang pagbabago sa pamayanan.
- Dugo ng Bukang Liwayway ni Rogelio Sicat
- Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Dugo Ng Bukang Liwayway” ay isang nobela ni Rogelio Sicat. Hinggil sa buhay ni Simon na nagsumikap upang makamit ang pangarap sa buhay. Tinalakay sa nobelang ito ang kanyang mithiing muling isalaysay ang daigdig ng kanyang kamulatan.
- Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
- Ang nobela na pinamagatang “Noli Me Tangere” ay isang pangkasaysayan at satirikal na nobela ni Jose Rizal. Nagsilbing pampukaw sa mga Pilipino sa mga karahasan at korapsyon ng mga Kastila noon.
- Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
- Ang maikling nobela na pinamagatang “Mga Ibong Mandaragit” ay isang nobelang pangsosyo-politikal ni Amando V. Hernandez. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Mando “Andoy” Plaridel. Tinalakay sa nobelang ito ang suliranin ng mamamayan at ng lipunan.
- Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
- Ang maikling nobela na pinamagatang “Banaag At Sikat” ay isang nobela ni Lope K. Santos. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ng dalawang magkaibigan na sina Delfin at Felipe. Tinalakay sa nobelang ito ang mga paksang sosyalismo at kapitalismo.
- Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
- Ang maikling nobela na pinamagatang “Sa Mga Kuko Ng Liwanag” ay isang nobela ni Edgardo M. Reyes. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Julio na isang mangingisda at na sumunod sa pinakamamahal niyang si Ligaya sa Maynila. Tinalakay sa nobelang ito ang kanyang mithiing muling makapiling si Ligaya ngunit nakaranas sila ng pagmamalupit ng lipunan.
- Lalaki Sa Dilim ni Benjamin P. Pascual
- Ang maikling nobela na pinamagatang “Lalaki Sa Dilim” ay isang nobela ni Benjamin P. Pascual. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Rafael Cuevas na nakagahasa ng isang babaeng bulag. Mababatid na ang pisikal na pagkabulag ng babae ang siyang magbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng lalaki.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Summary
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan at katangian ng isang nobela at mga halimbawa Tagalog. Ang isang nobela ay naghahangad na maintindihan ang damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili at inilalahad ang pangunahing layunin ng mga bida at kontabida ng kwento. Ginawa ang mga ito sa layuning dapat maging malikhain at maguni-guni sa mga pamamaraan upang maging kawili-wili at kapupulutan ng aral.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
Inquiries
If you have any questions or suggestions about, Ano Ang Mga Katangian Ng Nobela. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.
We are Proud Pinoy.