Ginto Ang Kayumangging Lupa Buod Ni Dominador Mirasol

Ginto Ang Kayumangging Lupa buod – Sa artikulong ito, inyong matutunghayan ang isang nobela ni Dominador Mirasol na pinamagatang “Ginto Ang Kayumangging Lupa.” Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin. Hanggang sa ngayon ay nanatiling buhay sa puso’t isip ng mga mambabasa.

Ang buod ng nobela na pinamagatang Ginto Ang Kayumangging Lupa ay umiikot sa mga taong mahihirap na pinagsasamantalahan ng mga taong may pera. Isa ito sa mga nobela ni Dominador Mirasol na nakakapukaw ng pansin at nagsisimbolo ng pag-asa.

Ang nobelang ito ay matagal na panahon nang isinulat ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag at nagbibigay aral sa mga mambabasa. Ito ay isa sa mga makabuluhang nobela na siguradong kapupulutan ng aral.

Ano Ang Nobelang Ginto Ang Kayumangging Lupa?

Ang nobelang ito ay isinulat ni Dominador Mirasol upang maisaisip ng mga mambabasa na habang may buhay ay mayroong pag-asa hindi ibig sabihin na kapag walang kang pera ay palaging talunan. Naipapakita rin dito na kapag nagtutulungan ang buong pamilya sa anumang suliranin sa buhay ay tiyak na malalagpasan ito.

Ito ay tungkol sa isang pamilyang puno ng problema ngunit kanila itong napagtagumpayan. Nais ng may-akda na ipaalam sa mambabasa na  lumaban sa harap ng maraming pagsubok at dapat maging matatag, matiyaga at lalo na may pangarap dahil ito ay makatutulong sa pagkakamit ng isang malaking tagumpay.

Ang ibig sabihin ng nobelang “Ginto Ang Kayumangging Lupa” ay dahil sa lupa tayo kumukuha ng ating kinakain kaya ito naging ginto dahil kung wala ang kayumangging lupa paano tayo makakapagtanim ng palay at iba pa. Ang lupang sinasaka ay isang mahalagang bagay para sa mga magsasaka. Ngunit pilit pa itong kinuha ng mga taong ganid sa kayamanan.

Sino Si Dominador Mirasol?

Si Dominador Mirasol ay isang tahimik na tao at isang premyadong manunulat. Siya ang taong gustong makinig at magmasid kaysa magsalita. Ang kanyang sinulat na Ginto ang Kayumangging Lupa ay nagwagi ng Tanging Gantimpala sa Timpalak Nobelang Tagalog ng Cultural Center of the Philippines nuong 1979

Marami na itong naisulat na naging tanyag. Ang kanyang mga akda ay masasabing makapangyarihan, ang kanyang mga tula at nobelang naisulat ay nakatatak na sa mga mambabasa. Dahil sa kanyang kagalingan sa pagsusulat ginawaran siya ng Liwayway ng ikalawang gantimpala para sa “Apoy sa Madaling Araw.”

Ang Ginto Ang Kayumangging Lupa

GINTO ANG KAYUMANGGING LUPA BUOD NOBELA NI DOMINADOR MIRASOL
GINTO ANG KAYUMANGGING LUPA BUOD NOBELA NI DOMINADOR MIRASOL

Ginto Ang Kayumangging Lupa Summary o Buod

Tanghaling tapat na ng magising si Moises. Hinang-hina siya, uhaw na uhaw at ‘di maigalaw ang kalahati ng katawan pababa.

Noon niya naalala ang buong pangyayari. Malakas ang pagkakahampas ng buntot ng sawa sa kanyang balakang, nalinsad ang buto nito at naipitan siya ng malaking ugat. Sa tulong ng mga taga-Mauwak ay nailigtas siya at sa kaalaman ni Mang Pio sa panghihilot ay binalot ng kawayan ang kanyang balakang.

Sa loob ng dalawang buwan ay hindi siya makagalaw at wala pa ring kasiguraduhan kung muli pa siyang makalalakad. Napagpasiyahan ng kanyang asawang si Tinay at nang tatlo pang anak na si Tante na muna ang gagawa sa tungkulin ng ama.

Tutulungan siya ni Francisco habang sina Tante at Mira ay titigil muna sa pag-aaral. Si Francisco, na pinakamatalino sa tatlo naman ang magtutuloy ng pag-aaral sa hayskul...

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Dominador Mirasol. I-download upang mabasa ito offline.

Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Ginto Ang Kayumangging Lupa” ay isang nobela ni Dominador Mirasol. Ang nobelang ito ay hinggil sa tunggalian ng mga mahihirap na magsasaka at ng mga makapangyarihang ganid na kung saan ang mga taong maralita ang palaging talunan. Sa kadahilang walang pera na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Mga Tauhan sa Nobela

Time needed: 3 minutes.

Narito ang mga tauhan sa nobela ni Dominador Mirasol

  1. Moises

    Si Moises ay isang mapagmahal, masipag at matiyang padre de pamilya ngunit siya ay naaksidente. Hindi na siya muli pang makakalakad ngunit hindi ito sumuko sa buhay. Siya ay may malaking pananalig sa Diyos.

  2. Tinay

    Si Tinay ay ang asawa ni Moises, na mapagmahal sa kanyang asawa at anak. HIndi niya iniwan si Moises sa kabila ng kapansanan nito sa halip siya inalagaan ito at sila ng kanyang mag-iina muna ang gagawa ng tungkulin ng kanyang asawa.

  3. Tante

    Si Tante ang panganay na anak ni Moises at Tinay. Isa itong maaasahan at masipag na anak. Siya ang umako sa tungkulin ng ama ng na aksidente ito.

  4. Franscisco

    Si Francisco ang pinaka matalino sa mga anak ni Tinay at Moises. Kaya siya ang nagpatuloy ng pag-aaral. Siya rin ang inaasahang makakapag-ahon sa kahirapan ng pamilya.

  5. Mira

    Si Mira ang bunsong anak ni Tinay at moises, si Mira ay masipag at mabait at mapagparayang kapatid.

  6. Mando

    Si Mando ang nagpasimula sa pagtutol laban sa makapangyarihang ganid na si Senyor na nagmamay-ari daw ng kanilang lupain.

Aral Sa Nobela

Ang mga aral sa nobelang ito ay maging positibo sa buhay sa kabila ng mga unos na iyong nararanasan. Pag-igihan ang pag-aaral upang makapagtapos. Magtulungan sa mga problemang dumarating sa ating buhay at huwag mawalan ng pag-asa.

Mahalin ang sariling pamilya dahil sa panahon ng kagipitan tanging pamilya mo lamang ang tutulong sayo at wala ng iba. Ipaglaban ang karapatan laban sa kalupitan ng mga taong ganid sa kayamanan. Maging matapang upang huwag apihin ng mga taong mapang-api.

Laging isipan ng ang kalupitan ng mga taong walang puso ay may katapusan. Ugaliing manalangin sa Panginoon upang ikay gabayan sa hamon ng iyong buhay.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng nobela ni Mirasol. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay ni Moises at ng kanyang pamilya. Kung saan wala ang pananalig sa Diyos ang siyang daan upang maging matatag sa buhay. Ang nobelang ito ay punong puno ng pag-asa para sa lahat.

Ang nobelang ito ay nag-iiwan din sa atin ng aral na mag-aral ng mabuti upang hindi apihin ng mga taong mayayaman. Huwag sumuko sa laban ng buhay, maging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

Mga Katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Buod Ng Ginto Ang Kayumangging Lupa Ni Dominador Mirasol,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment