Ano Ang 7 Elemento Ng Nobela Ng Mga Pilipino?

ELEMENTO NG NOBELA – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang elemento ng nobela sa Tagalog at mga halimbawa nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga nobela hanggang sa ngayon.

Ano Ang Kahulugan ng Nobela?

Ang nobela o novel sa Ingles ay isang sining pamapanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa maaming kabanata. Ang nobela ay nagmula sa salitang Italyano na “novella” na nangangahulugang balita, salaysay o romantikong kwento.

Nahahanay ito sa kategoryang piksyon na nagsasalaysay ng mga kathang-isip na kaganapan o sa totoong buhay. Ito ay naglalaman ng dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at mga kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan.

Ang nobela ay binubuo ng 60,000 hanggang 200,000 na salita o 300-1,300 pahina. Ang nobela ay hindi mababasa sa isang upuan lamang sapagkat mahaba at madami ang mga kaganapan dito.

Elemento Ng Nobela - Ano Ang Mga Elemento Ng Nobela At Halimbawa
Ano Ang Mga Elemento Ng Nobela

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo kung ano ang mga Elemento ng Nobela Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga kaalaman tungkol sa nobela.

Ano Ang Mga Elemento Ng Nobela?

Time needed: 1 minute.

Narito na ang mga elemento ng nobela.

  1. Tagpuan

    Ito ay tumutukoy sa mga lugar at panahon na pinangyarihan sa isang nobela.

  2. Tauhan

    Sila ang nagbibigay buhay sa mga panbgyayari sa isang nobela.

  3. Banghay

    Ito ay tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga kaganapan sa nobela.

  4. Pananaw

    Ang pananaw ay isang elemento ng nobela na tungkol sa panauhang ginagamit ng may-akda.
    A. Una – Kapang ang may-akda ay kasali sa kwento.
    B. Pangalawa – Kapag nakikipag-usap ang may-akda.
    C. Pangatlo – Kapag ang may-akda ay naglalahad ng kanyang nakikita o obserbasyon.

  5. Tema

    Ito ang binibigyang siin sa isang nobela na tinatawag na paksang-diwa.

  6. Damdamin

    Ang damdamin ang nagbibigay kulay o nagbibigay buhay sa mga pangyayari.

  7. Simbolismo

    Ito ay tumutukoy sa mga bagay, tao o kaganapan sa isang nobela na nagbibigay ng malalim na kahulugan sa mambabasa.

Batay sa kahulugan ng nobela, ang elemento ay sadyang mahalaga sa kabuuan ng isang nobela. Ang isang magaling na may-akda ng nobela ay tiyak na isinaalang-alang ang mga ito.

Halimbawa ng Nobela

Batay sa mga elemento ng nobela, narito na ang mga halimbawa nito na magandang basahin.

  • El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
    • Ang nobela na pinamagatang “El Filibusterismo” ay isang pangkasaysayan at satirikal na nobela ni Jose Rizal. Ito ay nagsilbing pampukaw sa mga Pilipino sa mga karahasan at korapsyon ng mga Kastila noon.
  • Ang Huling Timawa ni Servando De los Angeles
    • Ang maikling nobela na pinamagatang “Ang Huling Timawa” ay isang nobela ni Servando de los Angeles. Ang nobelang ito ay hinggil sa pakikibaka ng isang pamayanan upang lumaya sa masamang pamahalaan. Tinalakay kung paano pinaglaban ni Mateo de la Cruz ang kanilang karapatan at sa huli ay nakamit nila ang pagbabago sa pamayanan.
  • Dugo ng Bukang Liwayway ni Rogelio Sicat
    • Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Dugo Ng Bukang Liwayway” ay isang nobela ni Rogelio Sicat. Hinggil sa buhay ni Simon na nagsumikap upang makamit ang pangarap sa buhay. Tinalakay sa nobelang ito ang kanyang mithiing muling isalaysay ang daigdig ng kanyang kamulatan.
  • Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
    • Ang nobela na pinamagatang “Noli Me Tangere” ay isang pangkasaysayan at satirikal na nobela ni Jose Rizal. Nagsilbing pampukaw sa mga Pilipino sa mga karahasan at korapsyon ng mga Kastila noon.
  • Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez
    • Ang maikling nobela na pinamagatang “Mga Ibong Mandaragit” ay isang nobelang pangsosyo-politikal ni Amando V. Hernandez. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Mando “Andoy” Plaridel. Tinalakay sa nobelang ito ang suliranin ng mamamayan at ng lipunan.
  • Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
    • Ang maikling nobela na pinamagatang “Banaag At Sikat” ay isang nobela ni Lope K. Santos. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ng dalawang magkaibigan na sina Delfin at Felipe. Tinalakay sa nobelang ito ang mga paksang sosyalismo at kapitalismo.
  • Sa Mga Kuko Ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
    • Ang maikling nobela na pinamagatang “Sa Mga Kuko Ng Liwanag” ay isang nobela ni Edgardo M. Reyes. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Julio na isang mangingisda at na sumunod sa pinakamamahal niyang si Ligaya sa Maynila. Tinalakay sa nobelang ito ang kanyang mithiing muling makapiling si Ligaya ngunit nakaranas sila ng pagmamalupit ng lipunan.
  • Lalaki Sa Dilim ni Benjamin P. Pascual
    • Ang maikling nobela na pinamagatang “Lalaki Sa Dilim” ay isang nobela ni Benjamin P. Pascual. Ang nobelang ito ay hinggil sa buhay ni Rafael Cuevas na nakagahasa ng isang babaeng bulag. Mababatid na ang pisikal na pagkabulag ng babae ang siyang magbibigay liwanag sa katauhang-dilim ng lalaki.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan, elemento at mga halimbawa ng nobela Tagalog. Ang isang nobela ay naghahangad na ipaliwanag sa mambabasa ang pangunahing layunin ng mga bida at kontabida ng kwento. Ginawa ang mga ito sa malikhaing pamamaraan upang maging kawili-wili at kapupulutan ng aral.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment