CANAL DE LA REINA BUOD – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang maikling buod ng nobela na pinamagatang “Canal de la Reina” ni Liwayway A. Arceo. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin hanggang sa ngayon.
Ang buod ng nobela na pinamagatang Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo ay umiikot sa mga taong mahihirap na pinagsasamantalahan ng mga taong may pera. Isa ito sa mga nobela ni Arceo na nakakapukaw ng pansin at simbolo ng pag-asa ng mga mamamayan.
Dagdag pa rito, ang nobelang ito ay matagal na panahon nang isinulat ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag at nagbibigay aral sa mga mambabasa. Ito ay isa sa mga makabuluhang nobela na siguradong kapupulutan ng aral.
Ano Ang Canal de la Reina?
Ang Canal de la Reina o The Queen’s Canal sa Ingles ay isang nobela ni Liwayway Arceo Bautista na inilathala noong 1972 at ito ay inimprinta noong 1985.
Ang nobela ay nagpapakita ng matinding problema sa lipunan sa mataas na lebel ng sosyedad sa Pilipinas. Samantala, ang tema ng nobela ay kahirapan at napapaloob din sa aspetong pangsosyo-ekonomikal at sosyo-politikal.
Tungkol sa mga mahihrap na tao sa bayan ng Canal de la Reina ang kwento kung saan nangutang sila ng pera kay Nyora Tentay dahil sa hirap ng buhay. Ngunit sa halip na tulungan sila ay tinatapalan niya pa ng malaking interes ang utang nila. Si Caridad ang isa sa mga pangunahing tauhan ng kwento.
Talambuhay Ni Liwayway A. Arceo

Sino nga ba si Liwayway A. Arceo? Si Liwayway ay ipinanganak noong Enero 30, 1924. Namatay si Liwayway noong December 3, 1999 at isa siyang nobelistang Tagalog at dahil sa kanyang kahusayan sa pagsusulat ang kanyang mga nobela, maikling kwento at iba pa ay nakatanggap ito ng maraming parangal.
Siya ang maybahay ni Manuel Prinsipe Bautista. Isa siya sa mga pinakaunang nagsulat ng soap opera para sa radyo, gaya ng “Ilaw ng Tahanan” na iniere sa DZRH, DZMP at DZPI noong Marso 1949 hanggang Hulyo 1958.
Sumikat din ang kanyang mga nobela na pinamagatang niyang Canal de la Reina noong 1885 at Titser noong 1995. Sumulat din siya ng mga maikling kwento tulad ng Mga Maria, Mga Eva, May Bahay, Ina, Mga kwento ng Pag-ibig.
Dagdag pa rito, nanalo rin ang kanyang kwentong Uhaw ang “Tigang na Lupa” ng ikalawang gantimpala noong 1943. Hindi lang siya isang manunulat isa rin itong magaling na aktres n aipinamalas niya sa isang Hapon at Pilipinong pelikulang na “Tatlong Maria.”
Maikling Buod Ng Canal De La Reina

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang maikling buod ng nobelang ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ng nobela ni Liwayway Arceo.
Buod Ng Canal De La Reina ni Liwayway A. Arceo
Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pananagutan at responsibilidad sa mga bagay na ipinagkaloob at ipinaubaya sa atin. Ang pananakop ng mga iba’t ibang banyagang bansa sa Pilipinas at kung paano ito nasupil ng ating mga bayani ay naitala na sa bawat sulok ng ating kasaysayan subalit hanggang sa kasalukuya’y hindi pa rin ito natutuldukan.
Sa paksang ito umiikot ang kwento ng nobelang Canal de la Reina ng nobelistang si Liwayway A. Arceo. Ginagalugad nito ang iba’t ibang paraan ng mga karaniwang tao sa Maynila upang mabuhay at makatawid mula sa kahirapan. Inihambing ang ating kasaysayan sa nagdarahop na mamamayan na nakatira sa gilid ng ilog ng Canal de la Reina.
Dahil sa mahabang panahon na pagpapabaya, naging mahirap na para kay Caridad na mabawi ang lupang pinagsibulan ng kanyang kabataan mula sa isang tila buwitre na si Nyora Tentay na may kakayahang gawing katotohanan ang kasinungalingan, makatwiran ang baluktot, kabutihan ang panggagamit at salapi ang buhay.
Sa pagbabalik ni Caridad, isang nakapanlulumong tanawin ang tumambad sa kanya. Ang kanyang mga dalisay na ala-ala noong kabataan ay siya na ngayong nakalubog sa putik at nababalot ng masangsang na amoy. Ang karumihan at kasangsangan nito ay bumabalot hanggang sa ating lipunan- lipunan na minsang naging hitik sa bulaklak at malayang inilantad ng mga mamamayan nito ang kanilang karapatan, mahirap man o mayaman.
Ani nga ni Caridad nang may larawang muling nabuhay sa kanyang gunita, “Ang ganda ng kawayan d’yan, parang preskung-presko at malayang-malaya ang hangin ngunit pihong labandera na ang nakatira ngayon d’yan.” Ganito na nga ba kalaki ang pagbabago ng ating bansa? Unti-unti na ngang nangangamatay ang mga magagandang tanawin dahil sa sibilisasyon, globalisasyon at kawalang disiplina ng bawat mamamayan nito at di rin magtatagal ang kasangsangan ay babalutin pati ang ating kaluluwa at pag-iisip.
Unti-unti nating hinhukay ang sariling libingan ng ating bayan kung tulad ni Ingga ay patuloy tayong magpapaalipin at magpapatakot ‘di lamang sa mga dayuhan kundi pati na rin sa mapagmalabis na kapwa nating mga Pilipino na mayroong kapangyarihang paikutin ang buhay ng mga nakabababa….
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Liwayway A. Arceo. I-download upang mabasa ito offline.
Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Canal de la Reina” ay isang nobela ni Liwayway A. Arceo. Ang nobelang ito ay hinggil sa pagkikibaka ni Caridad na mabalik ang dating ganda ng Canal de la Reina na siyang kinalakihan niya. Tinalakay dito kung paano nila nabago ang bawat tao sa nobela sa pamamagitan ng pag-ibig at pag-asa.
Canal de la Reina Tauhan
Time needed: 3 minutes.
Narito ang mga tauhan sa nobela ni Liway A. Arceo
- Nyora Tentay
Si Nyora Tentay ay isang masungit at mukhang pera. Siya ang nagpapautang sa mga mahihirap nang may mataas na interest.Tinatawag siyang reyna ng Canal de la Reina dahil sa kanyang kapangyarihang itama ang alam niyang mali.
- Caridad
Si Caridad ay mabait, maunawain at mapagmahal na asawa at ina sa kanyang mga anak. Isang in ana malakas ang loob at may paninindigan, hindi kaagad sumusuko sa hamon ng buhay.
- Salvador
Si Salvador ay ang maka-Diyos at butihing asawa ni Caridad. Siya ang taong palaging tahimik ngunit kung magsalita ay talagang may laman o may kabuluhan.
- Leni
Si Leni ay isang matalinong babae at siya ang panganay na anak nina Caridad at Salvador. Siya ay nakapagtapos ng medisina.
- Junior
Si Junior ay ang pangalawang anak nina Caridad at Salvador. Siya naman ay may kursong
arkitektura at isang masunuring anak sa mga magulang. Gusto nitong kumuha ng abogasya ngunit hindi payag ang kanyang mga magulang. - Victor
Si Victor ay anak ni Nyora Tentay na hindi pinakikinggan. Siya ay isang mapagmahal sa kanyang pamilya.
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng Canal de la Reina. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay ng mga tao sa Canal kung saan pilit na pinapahirapan ang kanilang buhay ng mayamang si Nyora Tentay na umaangkin ng kanilang lupa.
Napilitan din ang mga taong mangutang sa kanya dahil sa hirap ng buhay ngunit binibigyan niya ng malalaking interes ang mga ito. Nang kalaunan ay nagkaroon ng baha at naanod lahat ng tao sa Canal pati na ang mga papeles ng lupa.
Para masigurong maging tahimik na ang kanilang buhay ay ibinalik sa bawat pamilya ang kanilang lupa. Napagtanto din Nyora Tentay na mali ang kanyang ginawa at nagbago na nga ang takbo ng buhay sa Canal de la Reina.
Ang nobelang ito ay nag-iiwan din sa atin ng gintong aral na maging mapagkumbaba dahil bilog ang mundo hindi sa lahat ng oras ay nasa ibabaw ka. Minsan nalulugmok ka rin at pinakita sayo ng Diyos na pantay lang tayong lahat.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Canal De La Reina Buod – Nobela ni Liwayway A. Arceo,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.
- Sa Mga Kuko Ng Liwanag Buod
- Lalaki Sa Dilim Buod
- Luha Ng Buwaya Buod
- Ang Huling Timawa Buod
- Sa Bagong Paraiso Buod
We are Proud Pinoy.