Buod Ng Noli Me Tangere – Maikling Buod Ng Nobelang Noli Me Tangere

BUOD NG NOLI ME TANGERE – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang pinaka-buod ng kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga maikling buod ng nobelang Noli Me Tangere hanggang sa ngayon.

Ano Ang Noli Me Tangere?

Ang Noli Me Tangere o Huwag Mo Akong Salingin sa Tagalog o Touch Me Not sa Ingles ay isang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Isinulat niya ito noong 1884 habang nag-aaral siya ng medisina sa Madrid na hango sa Ebanghelyo ni Juan. Si Dr. Jose Rizal o Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda sa tunay na pangalan ay ang pambansang bayani nating mga Pilipino.

Nagtungo si Rizal sa Paris pagkatapos nang kanyang pag-aaral at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat ng Noli Me Tangere. Ang huling bahagi ng nobela ay sa Berlin na niya natapos.

Ang layunin ng nobelang ito ay mapukaw ang kamalayan ng mga Pilipino sa pang-aabusong ginagawa ng gobyerno at simbahan sa panahon ng mga Kastila.

Ilan sa mga pangunahing tauhan sa nobela ay sina Crisostomo Ibarra, Kapitan Tiyago, Tinyente Guevarra, Padre Damaso, Sisa, Basilio at Crispin, Maria Clara at marami pang iba.

Buod Ng Noli Me Tangere – Maikling Buod Ng Nobelang Noli Me Tangere

Buod Ng Noli Me Tangere - Maikling Buod Ng Nobelang Noli Me Tangere
Buod Ng Noli Me Tangere – Maikling Buod Ng Nobelang Noli Me Tangere

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang maikling buod ng nobelang Noli Me Tangere. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ng kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.

Buod Ng Noli Me Tangere – Maikling Buod Ng Nobelang Noli Me Tangere

Bumalik sa Pilipinas ang binatang si Juan Crisostomo pagkatapos ang pitong taong pag-aaral sa Europa. Pinag-aral siya ng kanyang ama na si Don Rafael.

Naghandog ng malaking piging si Kapitan Tiago upang salubungin ang binata. Inanyayahan niya ang ilang sikat na tao sa kanilang lugar kabilang sina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.

Ipinahiya ni Padre Damaso si Ibarra sa piging, ngunit nagpakumbaba lang ito at magalang na nagpaalam. Nagdahilan itong may mahalagang pupuntahan.

Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Ibarra na anak-anakan ni Kapitan Tiago. Siya ang dahilan kung bakit upang umalis si Ibarra sa para dalawin.

Dinalaw nga ni Ibarra si Maria Clara kinaumagahan matapos ang malaking piging. Nagbalik-tanaw ang magkasintahan sa kanilang ala-ala. Binasa muli ni Maria Clara ang mga liham na ibinigay ni Ibarra bago ito pumunta ng Europa habang iaalala ang kanilang pagii-bigan.

Bago umuwi si Ibarra ay pinuntahan niya si Tinyente Guevarra na nagtapat na patay na ang kanyang ama noong isang taon pa na si Don Rafael Ibarra. Ipinagtapat din ng tinyente na napagbintangan ang kanyang ama na erehe at pilibustero dahil hindi ito nagsisimba at nangungumpisal.

Ayon pa sa tinyente, nagsimula ito ng ipinagtanggol ng Don ang isang bata sa maniningil na hindi sadyang nabagok ang ulo kaya namatay. Ipinakulong si Don Rafael dahil dito sa kasalanang wala naman siyang kinalaman. Kung sana ay malapit ng malutas ang paglilitis kay Don Rafael ngunit nagkasakit ito at namatay dahil hindi kinaya ang mga pangyayari.

Si Padre Damaso ay hindi nakuntento at ipinag-utos pa sa sepulturero na hukayin ang labi ni Don Rafael at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Malakas ang ulan noon kaya hindi nila kinayang buhatin ang bangkay ng Don kaya itinapon nalang sa lawa.

Samantala, sa kabila ng nangyari, hindi nagtangkang maghigante si Ibarra. Sa halip, ipinagpatuloy ni Ibarra ang sinimulan ng Don na makapagpatayo ng paaralan sa tulong ni Nol Juan.

Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra matapos ang pagbabasbas ng itinayong paaralan. Ngunit, kamuntikan na siyang mapatay ng taong binayaran ng lihim na kaaway.

Muli na namang inasar ni Padre Damaso ang binata na inihamak ang kanyang ama. At, sa pagkakataong ito ay muntik nang saksakin ni Ibarra ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara.

Sa kadahilanang iyon ay natiwalag si Ibarra ng Arsobispo sa simbahan. Sinamantala naman ito ni Padre Damaso at inutusan si Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Ibarra kay Maria Clara. Sa halip ay ipapakasal si Maria Clara sa binatang Kastila na si Alfonso Linares.

Nagkasakit ang dalaga sa labis na pagdaramdam nito. Pero dahil sa tulong ng Kapitan Heneral ay nabalik si Ibarra sa simbahan.

Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay hinuli si Ibarra dahil umano’y nanguna siya sa mga taong sumalakay sa kwartel. Nakatakas naman si Ibarra sa kukungan sa tulong Elias.

Bago pa ito tuluyang tumakas ay nabigyan pa ito ng pagkakataon na makausap ang pinakamamahal niyang si Maria Clara. Itinanggi ng dalaga ang liham na ginamit laban sa kanya dahil inagaw ito kapalit ng liham ng kanyang ina. Doon sa liham nalaman na si Padre Damaso ang tunay niyang ama kaya’t ganon nalang ang pagtutol nito sa pagii-bigan at planong pagpapakasal nila.

Pagkatapos nito ay tumakas na si Ibarra gamit ang bangka sa tulong ni Elias. Nakatakas man sila sa ilang guwardiya sibil ay nasundan pa rin ang bangkang sinakyan nila. Tumungo sila sa Ilog Pasig hanggang lawa ng Bay at doon tinabunan ng damo si Ibarra.

Upang malito ang mga tumutugis sa kanila, naisipan ni Elias na maging pampalito at tumalon sa tubig. Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon sa tubig ay pinaulanan nila ng bala si Elias hanggang sa magkulay dugo ang tubig.

Nakarating ang balita kay Maria Clara at nawalan na ito ng pag-asa sa pag-aakalang patay na ang pinakamamahal niya.

Nagpasya si Maria Clara na pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Pumayag nalang si Padre Damaso dahil wala na rin itong magawa dahil mapapatiwakal ito kung hindi papayag ang pari.

Noche Buena na ng matunton ni Elias ang gubat ng mga Ibarra ng sugatan at mahinang-mahina. Doon ay nakita niya ang kapatid na si Basilio at aang malamig na bangkay ng kanyang inang si Sisa.

Bago pa namatay si Elias ay nanalangin ito. Hindi na niya makikita ang bukang liwayway, ngunit, para sa mga mapalad, bilin niyang batiin ito at huwag limutin ng ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi.

Maikling buod ng nobelang Noli Me Tangere

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang Noli Me Tangere, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary Ng Maikling buod ng Noli Me Tangere

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng Noli Me Tangere. Tumatakbo ang buong kwento sa paghihimagsik. Ipinahihiwatig ng nobelang ito kung saan aabot ang kagustuhan ng isang taong maghigante sa mga taong umagaw ng kalayaan ng bawat isa.

Ang tanging layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang ito ay imuklat ang mga mata ng mga Pilipino sa pang-aalipusta ng mga dayuhang Kastila. Ibig din niyang bigyang pag-asa at himukin ang mga Pilipinong ipaglaban ang kanilang karapatan at makamit ang kalayaan.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Buod Ng Noli Me Tangere – Maikling Buod Ng Nobelang Noli Me Tangere 2022 Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment

Your email address will not be published.