BUOD NG EL FILIBUSTERISMO – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang pinaka-buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin ng mga maikling buod ng El Filibusterismo hanggang sa ngayon.
Ang ang nobelang ito ay mahigit na sa isang-daang taon mula noong isinulat ito ni Dr. Jose Rizal. Lumipas man ang maraming taon ang kanyang mga sinulat ay mananatili paring buhay sa puso’t isip ng mga Pilipino.
Ang nobelang ito ay umiikot sa paghihimagsik at kung paano kinuhanan ng kalayaan ang mga Pilipino noong unang panahon. Kung paano nila pilit na ipinaglalaban ang kanilang kalayaan na dapat ay kanilang tinatamasa.
SEE ALSO: Noli Me Tangere
Ano Ang El Filibusterismo?
Ang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman sa Tagalog o The Reign Of Greed sa Ingles ang isang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Karugtong ito ng nobelang Noli Me Tangere na una niyang isinulat na parehong pangmulat sa mga Pilipino sa panahon ng Kastila. Si Dr. Jose Rizal o Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda sa tunay na pangalan ay ang pambansang bayani nating mga Pilipino.
Ang nobelang ito ay naglalayong imulat ang kaisipan at pukawin ang damdamin ng mga Pilipino sa pagmamalupit at katiwalian ng mga Kastila. Sa kadahilanang hindi na makatarungan ang pamumuno nila sa gobyerno pati na rin sa simbahan.
Ilan sa mga pangunahing tauhan sa nobela ay sina Simoun (Juan Crisostomo Ibarra), Basilio, Padre Salvi at marami pang iba.
Pinaka-Buod Ng El Filibusterismo Tagalog

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang pinaka-maikling buod ng El Filibusterismo. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
Upang lalong maunawaan ang nobelang El Filibusterismo basahin ang buod sa ibaba.
Ang Maikling Buod Ng El Filibusterismo Tagalog
Mahigit labintatlong taon matapos ang pagkamatay nina Sisa at Elias.
May isang Bapor Tabo na naglalakbay sa Ilog Pasig. Nakasakay dito ang maraming mga taong papunta sa Maynila. Kabilang sa kanila sina Simoun, Basilio, Isagani at ilang mga pari.
Pinuntahan agad ni Basilio ang puntod ng kanyang yumaong ina sa libingan ng mga Ibarra sa may San Diego. Sa di-inaasahang pagkakataon, nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Sa pagtanggal nito ng salamin ay nakilala niyang si Simoun ay si Juan Crisostomo Ibarra pala.
Upang hindi na lumabas ang lihim nito, tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Ngunit, nagdesisyon na lamang siyang isama si Basilio sa layunin niyang maghigante sa mga Kastila. Tinanggihan naman ito ni Basilio sa kadahilanang gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral.
Samantala, ang mga mag-aaral na Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kapitan Heneral na magtatag ng isang akademya ng wikang Kastila. Subalit, hindi ito ipinagtibay dahil sa mga pari na namamahala dito.
Nang muling magkita sina Simoun at Basilio ay muli niya itong kinumbinsi na magkaisa sa paghihimagsik sa Sta. Clara. Hinimok niya pa itong gagawa ng siya ng isang pulutong upang pasukin ang kumbento at sapilitang agawin si Maria Clara. Ngunit, sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang dalaga kinahapunan.
Samantala, ang mga mag-aaral ay nagkaroon ng isang pagtitipon sa Panciteria Macanista de Buen Gusto na pagmamay-ari ng Intsik na si Quiroga. Dito ay nagtalumpati sila laban sa mga pari dahil sa sama ng kanilang loob sa hindi pinagtibay ang hiling nilang pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.
Kinabukasan, sa Pamantasan ay natagpuan ang mga paskin na naglalaman ng paghihimagsik. Nalaman ng mga pari ang tungkol dito at pinagbintangan ang mga mag-aaral na nagtalumpati sa Panciteria. Nadamay pati si Basilio.
Labis na dinamdam ng kasintahan ni Basilio na si Juli ang nangyari sa kanya. Kaya kinumbinsi siya ni Hermana Bali na lapitan ni Juli si Padre Camorra upang humingi ng tulong. Ito ay dahil ang pari lang ang nag-iisang maaring lapitan upang mapalaya si Basilio.
Sa tulong ng mga kamag-anak ng mga mag-aaral ay napawalang-sala sila maliban kay Basilio dahil sa wala siya kamag-anak.
Nagpakamatay naman si Juli sa pamamagitan ng pagtalon sa binta dahil hinalay siya ni Padre Camorra.
Sa kabilang dako, nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghihiganti. Upang makamit iyon, sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Si Juanito ay siya namang ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez at ang ninong ay ang Kapitan Heneral.
Pagkalipas ng dalawang buwan ay nakalaya si Basilio sa tulong ni Simoun. Dahilan kung bakittinanggap ni Basilio ang alok ni Simoun na paghihimagsik…..
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Rizal. I-download upang mabasa ito offline.
Mga Tauhan sa El Filibusterismo
Time needed: 5 minutes.
Narito ang mga tauhan at katangian sa El Filibusterismo
- Simoun
Siya ang pangunahing tauhan at mag-aalahas sa nobelang El Filibusterismo. Ang tunay niyang katauhan ay si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere.
- Isagani
Isang makata at pamangkin ni Padre Florentino. Siya rin ang kasintahan ni Paulita Gomez.
- Basilio
Isa siyang mag-aaral sa medisina at ang kasintahan ni Juli.
- Kapitan Tiago
Itinuring na ama ni Maria Clara, siya ay isang mayaman na kumukup kay Basilio.
- Kabesang Tales
Siya ang ama ni Lucia, Huli at ni Tano at nagmimithi na makuha ang lupang inangkin ng mga prayle.
- Senyor o Ginoong Pasta
Tagapayo at takbuhan ng mga prayle sa suliraning legal.
- Tandang Selo
Siya ang lolo ni Huli at ama ni Kabesang Tales, binaril siya ng sariling apo.
- Kapitan Heneral
Siya ang may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan at kaibigan ni Simoun.
- Ben Zayb
Isang mamahayag at may sariling bersyon ng balita sa pahagan ni Ibañez.
- Padre Camorra
Isang pari na gumahasa kay Juli na mukhang artilyero. Siya rin ang nanloloob sa bahay liwaliwan.
- Placido Penitente
Isang mag-aaral na gustong tumigil sa pag-aral dahil sa mga suliranin sa paaralan. Siya rin ang nilait ni Padre Millon dahil walang naisagot sa klase.
- Padre Salvi
Siya ang masugid na kaalyado ng Kapitan Heneral. Isa rin siyang Paring Fransiskanong dating kura ng San Diego
- Padre Fernandez
Paring Dominikong at natatangi na may paninindigang malaya.
- Padre Florentino
Siya ang PIlipinong pari at amain ni Isagani. Siya ang pinagtapatan ni Simoun ng tunay na pagkatao bago mamatay.
- Don Custodio
Kilala siya sa tawag na “Buena Tinta”. Sa kanya nakabatay kung papayan ang Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.
- Padre Irene
Isang pari na kaanib ng mga kabataan para sa pagtatag ng Akademya ng Wikang Kastila.
- Padre Millon
Isang paring bata guro sa pisika. Nilait niya si Placido Penitente dahil walang naisagot sa kanyang klase.
- Quiroga
Isang mangangalakal na Intsik na gustong magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Sa kanya pinatago ni Simoun ang mga sandata at iba pa para sa himagsikan.
- Hermana Penchang
Isang mayaman at madasaling babae, siya ang amo ni Juli.
- Hermana Bali
Siya ang nad-udyok kay Juli na humingi ng tulong kay Padre Camorra upang mapalaya ang kanyang kasintahan na si Basilio.
- Imuthis
Ang nagsasalita at mahiwagang ulo sa palabas ni Mr. Leeds. Ito ay laging nakatingin kay Padre Salvi.
- Pepay
Isang magaling na mananayaw at matalik na kaibigan ni Don Custodio.
- Kabesang Andang
Siya nag ina ni Placido Penitente na nakatira sa Batanggas.
- Camaroncocido
Isang espanyol na ikinahihiya ng mga kalahi dahil sa panlabas na anyo nito.
- Tano
Anak ni Kabesang Tales at apo ni Tandang Selo.
- Tiyo Kiko
Isang matandang lalaki na matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
- Serpolette
Kaibigan ni Padre Irene at isang mang-aawit sa palabas.
- Gertrude
Isang sang-aawit sa palabas.
- Tadeo
Isang tamad na mag-aaral na palaging nagdadahilan na maysakit, subalit nakapasa pa rin.
- Mautang
Siya ay isang sibil na gwardyang Pilipino na nagpapahirap sa mga bilanggong Pilipino.
- Sinong
Isang kutsero na madalas mahuli at mabugbug dahil walang ilaw ang kanyang kalesa at nakakalimutan ang sedula.
- Carolino
Siya ang pumatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo.
- Donya Victorina
Isang Pilipina na nagpanggap bilang Europea,siya ang tiyahin ni Paulita Gomez at asawa ni Don Tiburcio.
- Don Tiburcio
Asawa ni Donya Victorina at pinagtataguan niya ang kanyang asawa. Siya ay pumunta kay Padre Florentino upang magtao.
- Juli
Siya ang kasintahan ni Basilio at anak ni Kabesang Tales. Siya ang ginahasa ni Padre Camorra.
- Paulita Gomez
Siya ang kasintahan ni Isagani na nakatakdang ipakasal kau Juanito Pelaez
- Juanito Pelaez
Siya ang nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli, Isang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor na may lahing katsila.
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng El Filibusterismo at ang mga tauhan sa nobela. Tumatakbo ang buong kwento sa paghihimagsik. Ipinahihiwatig ng nobelang ito kung saan aabot ang kagustuhan ng isang taong maghigante sa mga taong umagaw ng kalayaan ng bawat isa.
Ang tanging layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang ito ay imuklat ang mga mata ng mga Pilipino sa pang-aalipusta ng mga dayuhang Kastila. Ibig din niyang bigyang pag-asa at himukin ang mga Pilipinong ipaglaban ang kanilang karapatan at makamit ang kalayaan.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
Inquiries
Kung mayroon kang anumang mga tanong o mungkahi tungkol sa “Buod Ng El Filibusterismo – Buod Ng Nobela Ni Rizal,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
We are Proud Pinoy.