Buod Ng Dugo Ng Bukang Liwayway – Nobela Ni Rogelio Sicat

BUOD NG DUGO NG BUKANG LIWAYWAY – Sa artikulong ito, inyong matutunghayan ang nobela ni Rogelio Sicat na pinamagatang “Dugo Ng Bukang Liwayway“. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin. Hanggang sa ngayon ay nananatiling buhay sa puso’t isip ng mga mambabasa.

Ang nobelang ito ay matagal na panahon nang isinulat ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag at nagbibigay aral sa mga mambabasa. Ito ay isa sa mga makabuluhang nobela na siguradong kapupulutan ng aral.

Ang nobelang Dugo sa Bukang Liwayway ay isa sa pinakamahusay na nobelang Pilipino na naisulat noong ikalawang siglo 20. Dagdag pa rito, ang nobelang ito ay nagtatalakay sa mga suliraning agraryo ang pagkasinulat nito ay hindi lamang kathang isip kundi hango sa totoong pangyayari na naranasan ng may-akda.

Ano Ang Dugo Ng Bukang Liwayway?

Ang Dugo Ng Bukang Liwayway na isinulat ni Rogelio Sicat ay hango sa kanyang manuskrito ng dugo, pawis at ultimong bakas ng talampakan. Isa ito sa pinakamahusay na nobelang Pilipino na naisulat. Hango ito sa buhay ng may akda na may layuning muling isalaysay ang mundong kanyang kinamulatan.

Sa nobelang ito naipapakita sa mga mambabasa kung gaano ka importante ang edukasyon sa bawat mamamayan. Marami ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kanilang pananaw na kapag matuto lang bumasa at sumulat ay ayos na. Isinulat ito upang maliwagan ang mga taong mali ang pananaw tungkol sa edukasyon.

Sa nobelang ito matutunghayan ang hindi makatarungan na pamamalakad sa ating bansa. Kapag marami kang pera ang lahat ay pwedeng gawin. Makikita rin dito ang pagkuha ng may kapangyarihan sa mga sakahan na pinagkukunan ng mga magsasaka ng kanilang makakain at ang pang-aabaso at pagpapahirap sa mga kawawang magsasaka ng mga may kapangyarihan.

Ang ibig sabihing Dugo sa Bukang Liwayway ay ang pag-aalay ng buhay upang makamit ang katahimikang ninanais at para sa bagong-asa. Ang pagkamatay ng kanyang ama ang nag-udyok sa kanya na maghigante. Namatay rin si Simon na nakamit ang paghihigante sa mga taong mapang-api.

Sino Si Rogelio Sicat?

Si Rogelio R. Sicat ay isang mahusay na manunulat at isa sa mga haligi ng panitikan, ipinanganak siya noong Hunyo 26,1940 sa sa Alua, San Isidro, Nueva Ecija at namatay noong Hunyo 26,1997. Isa itong Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Dahil sa kanyang angking galing sa pagsusulat, siya ay nakatanggap ng maraming paranggal at premyo.

Hindi lang siya magaling na manunulat isa rin siyang magaling na propesor at dekano noong 1991-1994 sa Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.

Siya ay tanyag na manunulat dahil sa “Impeng Negro”, ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog).

Dugo Ng Bukang Liwayway Buod

BUOD NG DUGO NG BUKANG LIWAYWAY - NOBELA NI ROGELIO SICAT
BUOD NG DUGO NG BUKANG LIWAYWAY – NOBELA NI ROGELIO SICAT

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang maikling buod ng nobelang ito. Nawa ay basahin ng mabuti at sana kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ibaba.

Buod Ng Dugo Ng Bukang Liwayway Ni Rogelio Sicat

Nagsimula ito kay Tano, isang magsasaka, at ang manganganak na asawa nitong si Melang. Anak nila si Simon, ang pangunahing tauhan sa nobela. Namatay si Melang ng isilang nito si Simon sa kadahilanang ipinagkait ng mga Borja, ang pinakamayaman sa kanilang nayon, ang automobil na hinihiram ni Tano upang maidala sana ang nagdidiliryong asawa sa hospital.

Labis na dinamdam ni Tano ang pagkamatay ng asawa kung kaya’t iniwan nito ang nayon at nanirahan sa bukid kasama ang anak.

Muling nagbalik si Tano sa nayon ng malaman niya na mayroon siyang karamdaman – ang pagsuka ng dugo. Dito siya namatay at labis itong ikinalungkot ni Simon. Nag-aral at kumayod siya sa Maynila sa tulong na rin ng dalawa niyang kaibigan, si Duardo at Ador.

Sa pagbalik nito sa nayon ay nadatnan niya ang pagkababoy sa puntod ng kanyang mga magulang, tinabunan iyon ng ipa sapagkat nabili na ng mga Borja ang lupang pinaglibingan ng mga magulang nito. Iniwan niya ang kanyang nayon dala ang poot, muhi at ang pangakong paghihiganti.….

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Rogelio Sicat. I-download upang mabasa ito offline.

Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Dugo Ng Bukang Liwayway” ay isang nobela ni Rogelio Sicat. Ang nobelang ito ay hinggil sa kahalagahan ng edukasyon at ang hindi makatarungang pamamahala ng bansa.

Kagaya na lamang ng pagkamkam ng mga maykapangyarihan sa mga sakahan na matagal ng ina-araro ng mga kaawa-awang magsasaka. Pinahihirapan at inaabuso ng mga may-ari ng bukid ang kanilang mga kasama.

Tauhan sa Nobelang Dugo Ng Bukang Liwayway

Time needed: 3 minutes.

Narito ang mga tauhan sa nobela ni Rogelio Sicat

  1. Simon 

    Isang taong masigasig upang makamit nag pangarap. Anak ni Tano at ni Melang. Nag-aral siya ng mabuti upang maipaghigante ang mga magulang at kalaunay nagtagumpay naman ito.

  2. Tano

    Si Tano ay isang magsasaka at pinalaki niyang mag-isa ang niyang si Simon. Labis itong nasaktan ng mawala ang asawa at sinikap na buhayin si Simon at makapag-aral.

  3. Melang

    Si Melang ay asawa ni Tano na namatay noong pinapanganak si Simon.

  4. Alejandro Borja

    Si Alejandro ay ang dahilan ng pagkamatay ni Melang at paghihigante ni Simon dahil hindi niya hinayaang ipagamit ang automobil upang madala sana si Melang sa hospital. Siya rin ang kumuha ng sinasaka ng mga nagsasaka at pumatay kay Simon habang nagtatalumpati.

  5. Duardo at Ador

    Si Durado at Ador ang kaibigan ni Simon na tumulong sa kanya na makapag-aral at kumayod sa Maynila.

Aral sa Nobela

Ang mga aral sa nobelang ito ay mag-aral ng mabuti upang walang sinuman ang mang-aapi sayo. Maging matulungin sa mga taong lubos na nangangailangan, huwag mang-api ng kapwa at ipaglaban ang karapatan. Huwag kunin ang hindi iyong pag-aari.

Ang paghihigante ay hindi rin isang magandang ideya dahil hahantong lang ito sa madugong labanan at pagkawala ng buhay. Ipaubaya na lamang sa ating Panginoong Diyos ang lahat at siya na ang bahalang magparusa sa mga taong mapang-api at walang puso.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng nobela ni Rogelio. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay nina Tano at Simon. Sa tulong ng kanyang matalik na kaibigan ay nakapagtapos ito ng pag-aaral at nakapag higante. Nakamit niya ang paghihigante subalit nagdulot din ito ng kanyang kamatayan.

Ang nobelang ito ay naiiwan ng gintol aral sa mga mambabasa na ang edukasyon ang siyang susi sa pag-unlad ng isang tao, dahil ito lamang ang tanging maipapamana ng isang magulang na hindi mananakaw ninuman.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.

Mga Katanungan

Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Buod Ng Dugo Ng Bukang Liwayway – Nobela Ni Rogelio Sicat,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.

Leave a Comment