ANG HULING TIMAWA BUOD – Sa aralin ngayon, ating matutunghayan kung ano ang maikling buod ng nobela na pinamagatang “Ang Huling Timawa” ni Servando De los Angeles. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang nagpasalin-salin hanggang sa ngayon.
Ang buod ng nobela na pinamagatang “Ang Huling Timawa” ni Servando De los Angeles ay umiikot sa di-makatarungang sistema ng kasike at bulok na pamamalakad sa pamahalaan. At kung paano nanumbalik kapangyarihan para sa mga mamamayan.
Ang nobelang ito ay matagal na panahon nang isinulat ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag at nagbibigay aral sa mga mambabasa. Ito ay isa sa mga makabuluhang nobela na siguradong kapupulutan ng aral.
Ano Ang Huling Timawa?
Ang “Ang Huling Timawa” ay isang nobela ni Servando De los Angeles na inilathala noong 1936. Si Servando De los Angeles ay isang sikat at magaling na nobelista sa Pilipinas. Sa nobela, natampulan ang salitang “timawa” na nangangahulugang mga taong naapi at naghahanap ng katarungan.
Ang nobelang ito ay nagpapakita ng kamalayan tungkol sa tunay na pagmamalupit ng mga mananakop sa ating bansa. Pangunahing tauhan sa nobelang ito sina Mateo de la Cruz at kalaban sina Braulio de los Santos at Don Procopio.
Sino si Servando De los Angeles?

Si Servando De los Angeles ay ipinanganak noong 1886 hinubog niya ang kanyang isipan sa Ateneo Municapal de Manila. Nakapagtapos siya ng parmasya at nakilala siya bilang isang manunulat.
Naging tagapangasiwa rin siya ng Watawat at ng Lingguhang Kalayaan. Sumulat rin siya ng mga sarsuwelang pumukaw sa damdamin ng madla at umakit ng pansin. Gaya ng popular na Ang Kiri, Bituing Marikit, Alamat ng Nayon at Ararong Ginto.
Ang kanyang huling timawa nobela ay nagsasalamin sa hanay ng mga dukhang mambubukid at ang minimithing ng liwanag sa kalooban at magbukas ang isipan ng mga mamayan.
Sa panulat ni Servando de los Angeles, ang mikrokosmo ng Pilipinas ay ipinamalas sa isang lalawigan at itinanghal ang mga pananalig at pilosopiya sa buhay na dapat angkinin ng sinumang Pilipino.
Buod Ng Nobela Na Ang Huling Timawa

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang maikling buod ng nobelang ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong buod ng Ang Huling Timawa ni Servando De Los Angeles.
Basahin ng mabuti ang nobela sa ibaba upang lalong maintindihan ang mga pangyayari sa pamamalakad ng mga taong nasa posisyon o ng pamahalaan sa mamamayan noon.
Ang Huling Timawa Buod ni Servando De Los Angeles
Ang Ang Huling Timawa (1936) ay umiinog sa pakikibaka ng isang pamayanan upang lumaya sa di-makatarungang sistema ng kasike at bulok na pamamalakad sa pamahalaan. Inilahad sa nobela ang napipintong pag-aaklas ng pangkat ng Kolorum na nasa kabundukan ng Baritan.
Si Mateo de la Cruz ang pinuno, na itinangging inihahasik ng kaniyang pangkat ang kaguluhan, bagkus nagsisikap lamang na pabutihin ang kalagayan ng mga magsasaka. Kalaban ng pangkat niya ang gaya nina Braulio de los Santos at Don Procopio, na pawang naghahasik ng lagim sa pamamagitan ng mga armadong bataan.
Tinangkilik naman ng mga tao ang Kolorum, at kabilang dito si de la Cruz na mula sa angkan ng panginoong maylupa.
Si Ricardo Pilares na matapang na editor at mamamahayag. Si Jose Romero na estudyante sa unibersidad at si Tenyente Ventura na nagsikap na unawain ang kalagayan ng mga magsasaka at kasama...
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong nobela ni Servando De Los Angeles. I-download upang mabasa ito offline.
Ang halimbawa ng maikling nobela na pinamagatang “Ang Huling Timawa” ay isang nobela ni Servando de los Angeles. Ang nobelang ito ay hinggil sa pakikibaka ng isang pamayanan upang lumaya sa masamang pamahalaan.
Tinalakay kung paano pinaglaban ni Mateo de la Cruz ang kanilang karapatan at sa huli ay nakamit nila ang pagbabago sa pamayanan.
Ang Huling Timawa Tauhan
Time needed: 3 minutes.
Narito ang mga tauhan sa timawa nobela
- Mateo de la Cruz
Si Mateo de la Cruz ang pinuno, na itinangging inihahasik ng kaniyang pangkat ang kaguluhan, bagkus nagsisikap lamang na pabutihin ang kalagayan ng mga magsasaka. Siya ay isang anak ng gobernador at sumapi sa kapisanang Timawa.
- Ricardo Pilares
Si Ricardo Pilares ay isang matapang na editor at mamamahayag. Siya ang nawawalang anak ni Kabesang Pedro.
- Jose Romero
Si Jose Romero ay isang estudyante na nag-aaral sa isang unibersidad.
- Tenyente Ventura
Si Tenyente Ventura ay isang tao na nagsikap na unawain ang kalagayan ng mga magsasaka at kasama. Siya ang tenyente ng mgakostableng ipinadala sa 2a)ayanan
- Braulio de los Santos
Si Brauli ay kalaban ni Mateo de la Cruz at siya rin ang kalaban ni Macario Romero sa halalan. Asawa niya si Paquita Nuñez.
- Paquita Nuñez
Si Paquita Nuñez ang tagapagmana ng hacienda Baritan at asawa ni Braulio de los Santos.
- Adela “Dely” de los Santos
Siya ay nakapagtapos sa kursong Edukasyon at siya ang babaeng niligawan ni Joe Romero. Anak nina Braulio de los Santos at Paquita Nuñez.
- Macario Romero
Si Macario Romero ang gobernador ng lalawigan at ama ni Joe Romero. Kalaban ni Braulio de los Santos sa halalan.
- Don Procopio
Siya ang abugado ng mga Nuñez siya rin ay kalaban ni Mateo de la Cruz.
Aral sa Nobela
Ang mga aral sa nobelang ang huling timawa ay patuloy na ipaglaban ang karapat hanggang sa makamit ito. Huwag sumuko sa laban dahil ito ay kaaakibat na magandang kinabukasan. Ipagpatuloy ang magagandang hangarin sa bayan. Magtulong-tulong upang makamit ang minimithing layunin.
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang maikling buod ng ang huling timawa nobela. Tumatakbo ang buong kwento sa buhay ni Mateo de la Cruz na nagsisikap na pabutihin ang kalagayan ng mga magsasaka. Nagwakas ang nobela sa magandang pagbabago ng pamayanan at nagwakas na ang di-makatarungan sistema ang kasike.
Ang huling timawa 1936 ni Servando nagbibigay linaw na simula noon ay may mga taong mapang-api sa mahihirap na mamamayan. Ang nobelang ito ay nag-iiwan din sa atin ng aral na dapat tayong magkaisa sa anu mang pagsubok ng buhay. Ipaglaban natin ang ating karapatan bilang tao sa mabuting paraan.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulong ito. Happy reading and God bless.
Mga Katanungan
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o mungkahi tungkol sa “Ang Huling Timawa Buod – Nobela Ni Servando De Los Angeles,” ipaalam sa amin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng komento sa ibaba.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga aralin na pwede niyong basahin.
- Banaag At Sikat Buod
- Mga Ibong Mandaragit Buod
- Sa Mga Kuko Ng Liwanag Buod
- Lalaki Sa Dilim Buod
- Luha Ng Buwaya Buod
We are Proud Pinoy.