Wala Na Siya (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

WALA NA SIYA – Sa artikulong ito ay ating basahin ang maikling kwento na tungkol sa pag-ibig na pinamagatang “Wala Na Siya.” Ating tukuyin kung bakit nga ba mahalaga at bakit natin kailangan na linawin ang ating mga bibitawang salita sa ating mga kapwa.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Wala na Siya
Wala na Siya (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Wala Na Siya.”

Wala Na Siya

“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng Santisima De Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang pasyenteng si Donna na nakaconfine sa Room 214.

Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga nilang dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya ay punong-puno ng matatayog na pangarap.

Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila na mabuntis si Donna sa takot na mapurnada ang magagandang plano at pangarap nilang ito.

Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga bukas na darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na sa tagal makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na piraso?

Paano ba siya gigising sa umaga kung wala na ang kaisa-isang dahilan ng kanyang pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing gabi na bumilang ng mga bituin sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan kung ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot ng tadhana?…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Wala Na Siya”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Ralph, Donna, at ang Nurse.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa loob ng hospital.
Moral na Aral:“Linawin ang mga salita na sasabihin sa mga tao dahil kapag ito ay hindi malinaw, maari itong makapagbigay ng ibang kahulugan na pwedeng makasakit sa kanilang damdamin.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. “Wala na po siya” sabi ng nurse kay Ralph sa information desk ng hanapin niya ang kanyang nobya na si Donna na pasyente roon.

  2. Si Donna ay nobya ni Ralph ng walong taon at magpapakasal na sana silang dalawa sa susunod na taon.

  3. Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. Napasandal na lamang si Ralph sa pader at napaupo na lamang at humagulgol.

  4. Hindi sukat akalain ni Ralph na ang nobyang si Donna ay wala na. Wala na ang kanyang buhay at wala na ang kanyang bukas.

  5. Akala ni Ralph ay umokay na ang pakiramdam ng nobya. Hindi niya inaasahan na hahantong sa ganito kahit may mga nurse at doctor na nakaantabay dito.

  6. Tinapik-tapik sa balikat si Ralph ng nurse at sinabi na ang ibig sabihin niya sa ‘wala na siya’ ay na discharge na ang kanyang nobya dahil gusto na nitong lumabas para i-celebrate ang kanilang anniversary.

  7. Natulala na lamang si Ralph sa narinig sa nurse at hindi alam ang kanyang gagawin at kanyang magiging reaksyon.

Wala Na Siya – Aral

  • Linawin ang mga sasabihin lalo na kung ito ay tungkol sa mga importanteng bagay.
  • Kapag ikaw ay nagtatrabaho lalo na sa hospital ay linawin mo ang iyong mga sasabihin upang maiwasan ang mga maling pagka-intindi na maaring magdulot ng kagulohan sa kanilang pag-iisip at damdamin.

Buod ng kwentong “Wala na siya”

“Wala na po siya,” iyan ang sinabi kay Ralph ng nurse kung nasaan ang pasyenteng si Donna. Si Donna ay ang kanyang nobya ng walong taon. Hindi lubos akalain ni Ralph na wala na ang nobya.

Akala niya ay umokay na ang pakiramdam ng nobya ngunit sa kabila ng nakaantabay na mga nurse at doktor ay hindi pa rin ito nakasalba sa dengue.

Tinapik sa balikat si Ralph ng isang nurse. Kitang-kita sa mukha ni Ralph ang labis na pagkalungkot at mugto rin ang mga mata nito.

Nilinaw ng nurse na ang ibig sabihin niya ng ‘wala na siya’ ay na discharge na ang kanyang nobya dahil gusto na nitong umuwi upang i-celebrate ang kanilang anniversary. Tulala lamang si Ralph sa sinabi ng nurse at hindi alam ang gagawin.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa huli ay nilinaw ng nurse kay Ralph na ang ibig sabihin niya sa ‘wala na siya’ ay na discharge na ang kanyang nobya dahil gusto na nitong umuwi dahil gusto nito na i-celebrate ang kanilang anniversary. At hindi ang inaakala niyang patay na ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment