TREN – Saksihan natin ang nakakaiyak na maikling kwento na ito. Ito ay tungkol sa sakripisyo ng isang ama para sa kaligtasan ng nakararami. Tiyak na maantig at may matututunan tayong panibagong aral dito. Ngunit bago ang lahat, alamin muna natin ang kahulugan ng maikling kwento.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Tren.”
Tren
I’m forgiven, because you were forsaken
I’m accepted, you were condemned
Matagal na akong nagtatrabaho sa isang kumpanya ng isang tren. Bilang inhenyero, buong buhay ko ay ginugol ko sa kumpanyang ito.
Sa edad na animnapu’t tatlo ay nasaksihan ko na ang madaming mukha na paroo’t parito sa istasyon ng tren, pati ang samu’t saring kwento ng buhay ay aking natunghayan. Mula sa simpleng pagmamasid sa mga pasahero hanggang sa pakikipag-usap sa kanila, nalalaman ko ang mga pinagdadaanan nila.
Ang tren na to ay nagdadala ng ibat-ibang uri ng tao. May mga lulong sa bisyo, manloloko, mga gumagamit ng bawal na gamot, mga kabataang rebelde, mamatay tao, magnanakaw, at marami pang iba.
Sila ang mga taong kadalasan ay may gustong takasan, gustong takasan ang buhay, lugar, alaala, at mga taong kanilang sinira…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Tren“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay ang inhinyero o nagsasalaysay ng kwento, si Dave at ang anak nito. |
Tagpuan: | Ang tagpuan sa kwento ay sa “tulay na dinadaanan ng tren.” |
Moral na aral: | “Walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.“ |
Banghay ng kwentong “Tren”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Matagal nang nagtatrabaho ang inhinyero na nagsasalaysay ng kwento sa kumpanya ng isang tren. Sa edad nito, marami na itong nasaksihan, nakita, at nakilalang iba’t-ibang klase ng tao.
- Ang huling proyektong nahawakan nito ay ang tulay na dinaraanan ng tren. Dito nito nakilala at naging kaibigan si Dave at ang anak ni Dave.
- Matapos ang proyekto ay dito na ito namalagi upang mangasiwa ng tulay. Si Dave ay isang Bridgemaster o tagadugtong ng tulay at palagi nitong dinadala ang kanyang anak.
- Palaging naglalaro ang anak ni Dave sa may Riles at tuwing paparating ang tren ay agad itong tatakbo sa operating dock upang pagmasdan ito.
- Mahal na mahal ni Dave ang kanyang anak at sinabi pa nito na nawawala ang kanyang pagod makita lamang ang ngiti ng kanyang anak.
- Ngunit isang araw, paparating na ang tren at nakahanda na si Dave upang pagdugtungin ang tulay ng marinig nito ang iyak ng kanyang anak. Sinilip niya ito at nakitang nahulog pala ang anak sa hydraulic box.
- Kapag kanyang idinugtong ang tulay ay maiipit at mamamatay ang kanyang anak, ngunit kapag hindi niya ito idinugtong ay mamamatay ang libo-libong pasahero ng tren.
- Umiiyak si Dave habang idinudugtong ang tulay at ligtas na nakatawid ang tren. Matapos ay agad itong bumaba at nilapitan ang anak. Lumuhod ito at walang tigil na umiyak.
- Pinagmasdan ng nagsasalaysay ang tren na dumaan at mula sa bintana nito ay nakita nito ang mga taong sakay ng tren. Mayroong, nagkukwentuhan, nagkakainan, nag-iinuman, at nagtatawanan.
Aral ng Maikling Kwento na “Tren”
- Walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. At ang pagsasakripisyo ng buhay ng anak para sa kaligtasan ng libo-libong tao ay napakasakit para sa isang ama ngunit ito ang nararapat na gawin.
- Piliin natin ang tama at nararapat gaano man kasakit ang kapalit nito.
- Maihahalintulad ang pag-ibig na ipinakita sa isturyang ito sa pag-ibig ng Diyos sa atin.
Buod ng Maikling kwento na “Tren”
Isinalaysay ng isang inhinyero na nagtatrabaho sa kumpanya ng isang tren ang tungkol sa kaibigang si Dave at anak nitong lalaki. Si Dave ay isang tagadugtong ng tulay na huling proyekto ng nagsasalaysay.
Palaging dinadala ni Dave ang kanyang anak sa trabaho at palaging naglalaro ang anak nito sa may Riles. Hanggang isang araw, nagkaroon ng isang pinakamahirap na desisyon na kailangan gawin ni Dave.
Kailangan nitong mamili kung buhay ba ng kanyang anak o buhay ng libo-libong taong sakay ng tren. Pinili nito ang libo-libong tao at umiiyak itong nilapitan ang patay na nitong anak.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, nakatulala’t umiiyak na nakita ng nagsasalaysay si Dave habang idinudugtong na nito ang tulay. Matapos dumaan ng tren ay agad itong bumaba at nilapitan ang anak. Lumuhod ito at walang tigil na umiyak.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
We are proud Pinoy!