SI WIGAN AT SI MA-I – Narito ang kwento ng dalawang taong umibig at nagdala ng kapayapaan sa pagitan ng kanilang mga bayan. Tunghayan natin ito dahil tiyak na magbibigay ito sa atin ng inspirasyon at magandang aral.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.
Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Si Wigan at si Ma-l.”
Si Wigan at si Ma-I
Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan ng Banaue at Mayaoyao. Itinuturing noon na isang karangalan ang makapatay ng kalaban. Sa panahong ito nabuhay si Wigan, anak ng hari ng Banaue na si Ampual.
Minsan, si Wigan ay nangaso sa kagubatan. Nang magawi siya sa isang talon upang magpahinga, nakakita siya ng isang dalagang naliligo. Naakit siya sa kagandahan nito ngunit napansin niyang ito ay isang dayuhan at walang karapatang maligo sa lupain ng Banaue.
Papatayin na sana ni Wigan ang dalaga nang pigilin siya ng isang ahas. Nakilala niya na ang ahas ay si Lumawig, ang diyos ng kalangitan.
Sa halip na ipagpatuloy ang naunang balak, sinamahan ni Wigan ang dalaga pauwi.
Nalaman niyang ang pangalan nito ay Ma-i, anak ng hari ng Mayaoyao na si Liddum. Sa kanilang mahabang paglalakbay, nabuo ang kanilang pag-iibigan.
Pagdating sa lupain ng Mayaoyao, agad na dinakip si Wigan. Siya na ngayon ang dayuhan sa lupain ni Ma-i.
Nakiusap si Ma-i sa kanyang ama. Isinalaysay niya ang pangyayari…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Si Wigan at si Ma-l“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay sina Wigan, Ampual, Lumawig, Ma-i, Liddum, mga mamamayan ng Mayaoyao, isang daang mandirigma ng Banaue, at mga mamamayan ng Banaue. |
Tagpuan: | Ang mga tagpuan na nabanggit sa kwento ay ang “kagubatan, talon, lupain ng Mayaoyao, lupain ng Banaue, at hagdan-hagdang palayan.” |
Moral na aral: | “Ang pakikipag-usap ng maayos ay nagdudulot ng kapayapaan.” |
Banghay ng kwentong “Si Wigan at si Ma-I”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan ng Banaue at Mayaoyao. Itinuturing noon na isang karangalan ang makapatay ng kalaban.
- Sa panahong ito nabuhay si Wigan. Siya ay anak ng hari ng Banaue. Isang araw, nang si Wigan ay nangaso sa kagubatan, may nakita itong magandang dalaga.
- Siya ay naakit sa kagandahan nito ngunit napansin nitong ito ay isang dayuhan. Papatayin na sana niya ito ngunit pinigilan ito ng isang ahas na Diyos ng kalangitan.
- Sa halip na paslangin ang dalaga ay sinamahan pa nito itong umuwi, at sa kanilang paglalakbay ay nahulog sila sa isa’t-isa.
- Pagdating sa Mayaoyao, hinuli si Wigan. Kaya si Ma-i ay nakiusap sa kanyang ama at ikunwento ang nangyari. Nag-isip ang kanyang ama at ipinalaban si Wigan sa pinakamagaling nilang mandirigma.
- Ang magwawagi sa labanan ay siyang mapapangasawa ng kanyang anak. Sa huli ay nagwagi si Wigan at ipinakasal ito kay Ma-i.
- Matapos ang siyam na araw na kasayahan ay naglakbay na pauwi si Wigan sa kanilang lugar kasama si Ma-i at mga mandirigma.
- Pagdating sa kanila, nag-usap sila ng kanyang ama at ipinakilala si Ma-i bilang kanyang asawa. Matapos ay nagwika ang hari sa mga nasasakupan nito na maghanap ng pinakamagandang dalaga sa kanilang lugar na maaaring itapat sa dayuhang dala ng kanyang anak.
- Kung sino ang mapipiling pinakamaganda sa dalawa ay siyang mapapangasawa ng kanyang anak at ang matatalo naman ay mamamatay.
- Sumang-ayon ang lahat ng mamamayan. Sa huli, si Ma-i ang nanalo at humingi ito ng pabor sa hari na huwag ipapatay ang babaeng natalo at ito’y pinagbigyan ng hari.
- Ito ang naging simula ng kapayapaan sa pagitan ng Banaue at Mayaoyao na nanatili hanggang sa kasalukuyan.
Mga tauhan na nabanggit sa kwento
❶ Wigan ➙ Si Wigan ay ang matapang na lalaki at bida sa kwento. Siya ang anak ng hari ng bayang Banaue at ang ikinasal sa magandang anak na dalaga ng Mayaoyao.
❷ Ampual ➙ Si Ampual, tinatawag ding Haring Ampual, ay ang hari ng bayang Banaue. Siya ang ama ng matapang na binata na si Wigan.
❸ Lumawig ➙ Si Lumawig ay ang Diyos ng kalangitan na nagpanggap bilang ahas. Ito ang pumigil kay Wigan na patayin si Ma-i sa talon.
❹ Ma-i ➙ Si Ma-i ay ang anak ng hari ng bayang Mayaoyao. Siya ay napakaganda at nabihag nito ang puso ni Wigan at ito ay ikinasal dito kalaunan.
❺ Liddum ➙ Si Liddum, tinatawag ding Haring Liddum, ay ang hari ng bayang Mayaoyao. Siya ang ama ng napakagandang dalaga na si Ma-i.
❻ Mga mamamayan ng Mayaoyao ➙ Sila ang mga mamamayan ng bayang Mayaoyao na sumang-ayon sa desisyon ng kanilang hari na si Haring Liddum.
❼ Mga mamamayan ng Banaue ➙ Sila ang mga mamamayan ng bayang Banaue na sumang-ayon din sa desisyon ng kanilang hari na si Haring Ampual.
❽ Isang daang mandirigma ng Banaue ➙ Sila ang mga mandirigma ng bayang Banaue na naghanap sa anak ng hari na si Wigan. Ito ang mga kasama ni Wigan na bumalik sa kanilang lugar matapos ikasal kay Ma-i.
Si Wigan at si Ma-I – Aral
- Ang pakikipag-usap ng maayos ay nagdudulot ng kapayapaan.
- Piliin ang kapayapaan kesa sa karahasan.
- Ang pagpatay sa isang tao, lalo na kapag walang kasalanan ay hindi makatarungan.
Si Wigan at si Ma-I – Buod
Noong unang panahon, ang bayan ng Banaue at Mayaoyao ay may alitan. Isang karangalan noon ang makapatay ng kalaban. Sa panahon ring iyon ipinanganak si Wigan.
Isang araw, habang ito’y nangangaso sa kagubatan, may nakita itong napakagandang babae at siya’y nabihag dito. Dito na nagsimula ang kanilang kwento at sa huli ay ikinasal silang dalawa sa isa’t-isa. Dito na rin nagsimula ang kapayapaan sa pagitan ng Banaue at Mayaoyao.
At hanggang sa kasalukuyan ay nanatili ang kanilang kapayapaan.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, pinagbigyan ng hari ng Banaue na si Ampual ang kahilingan ng magandang dalaga na si Ma-i na huwag patayin ang babaeng kanyang natalo sa kagandahan. At ito na nga ang naging simula ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang bayan.
Ating tandaan na walang problema, alitan, at iba pa ang hindi naaayos kung atin lang itong pag-uusapan ng masinsinan. Matuto tayong magpakumbaba at magpatawad para sa tinatawag nating kapayapaan.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
We are proud Pinoy!