Si Mariang Makiling (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

SI MARIANG MAKILING – Ang artikulong ito ay tungkol sa mga diwatang namuhay noong unang panahon kasama ang mga tao. Ating tunghayan ang kwentong ito nang sa gayon ay may matutunan na naman tayong bagong aral dito.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Si Mariang Makiling (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Si Mariang Makiling (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Si Mariang Makiling.”

Si Mariang Makiling

Sabi sa mga alamat, nagka-panahon nuong nakaraan, ang mga diwata o diyos ay namuhay tulad at kasa-kasama ng mga tao. Kahit na sila ay may hiwaga, nagsasalita sila at umiibig, namimili sa talipapa at iba pang karaniwang gawain ng mga tao hanggang ngayon.

Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa dalawang ganitong diwata nuong unang panahon, sina Gat Panahon at Dayang Makiling, at ang kaisa-isa nilang anak, si Maria.

Maganda at magiliw si Maria, at wiling-wili ang mag-asawang diwata sa anak na itinuring nilang kanilang kayamanan at ligaya sa buhay. Diwata rin tulad ng mga magulang, hindi karaniwan si Maria subalit naki-halubilo siya at nakipag-usap sa mga tao.

Naging ugali niya ang mamasyal sa talipapa kapag araw, naka-damit ng sutla (silk) na may borda (embroidered) ng mga bulaklak, ang uso nuon. Ang makapal niyang buhok, abot hanggang sakong (heel) ang haba, ay may sabit na mga bulaklak ng suha (pomelo).

Marikit ang kanyang mga mata kaya pati mga babae ay naakit makiharap sa kanya. Pagdaan niya, yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Si Mariang Makiling
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Gat Panahon, Dayang Makiling, Mariang Makiling, Gat Dula, ang dalawang katulong na Aeta, ang nagtitinda, at ang mga tao na nakakasalamuha ni Maria.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa “talipapa.”
Moral na aral:Ang tao at ang diwata ay hindi maaring mag-ibigan.”

Banghay ng kwentong “Si Mariang Makiling”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Ayon sa mga alamat, nagkaroon ng panahon noong nakaraan na ang mga diwata o Diyos ay namumuhay na kagaya sa ating mga tao at kasa-kasama natin. Sabi pa, sila’y nagsasalita, umiibig, at namimili sa talipapa na kagaya rin nating mga tao.

  2. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa dalawang diwatang ganito noong unang panahon. Ang dalawang diwata na ito ay sina Gat Panahon at Dayang Makiling.

  3. Mayroon silang isang anak na si Maria. Si Maria ay maganda at magiliw. Nakikipag halubilo at nakikipag-usap ito sa mga tao.

  4. Nakaugalian na rin nitong mamasyal sa talipapa tuwing umaga. At kapag ito’y dumadaan ay yumuyuko ang mga tao sa magalang na pagbati. Tuwing pumupunta ito ng talipapa ay palagi nitong kasama ang dalawang katulong na Aeta.

  5. Isang araw, si Gat Dula, panginoon sa nayon ng Bai, ay nagtungo sa talipapa upang mamili at mag-aliw. Araw ng pamilihan noon kaya siksikan ang mga tao. Nagkataon ding nandoon si Maria Makiling at sila’y nagkakilala.

  6. Mula noon, palagi nang dumadalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling. Ngunit kailanman ay hindi sila nagkita ni Maria dahil abala ito sa pagtulong sa mga tao.

Si Mariang Makiling – Aral

  • Ang tao at ang diwata ay hindi maaring mag-ibigan. Ito ay dahil ang mga tao at ang mga diwata ay magkaibang mga nilalang at mayroong magkaibang mga layunin sa buhay.
  • Maging matulungin sa mga nangangailangan at maging mabait sa sinuman.

Buod ng Kwentong si Mariang Makiling

Ayon sa mga alamat, noong unang panahon ay mayroong mga diwata at Diyos na namumuhay na kagaya natin at kasa-kasama natin. Ang alamat ni Mariang Makiling ay tungkol sa dalawang diwatang ganito noong unang panahon.

Ang dalawang diwata na ito ay sina Gat Panahon at Dayang Makiling. Mayroon silang anak na si Maria. Si Maria ay isang maganda at magiliw na dalaga. Palagi itong pumupunta sa talipapa kasama ang dalawang katulong na Aeta.

Isang araw, sila ay nagkakilala ni Gat Dula sa talipapa. Mula noon, palagi nang dumadalaw si Gat Dula sa pamamahay ni Gat panahon at Dayang Makiling. Ngunit ni minsan ay hindi sila nagkita ni Maria dahil sa pagiging abala nito sa pagtulong sa mga tao.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, madalas na dumalaw si Gat Dula sa bahay nina Gat Panahon at Dayang Makiling kahit na ni minsan ay hindi sila nagkaharap ni Mariang Makiling.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment