Si Juan, Ang Pumatay Ng Higante (Buod At Aral)

SI JUAN, ANG PUMATAY NG HIGANTE – Ang paksang ating tatalakayin ay tungkol kay Juan at sa mahiwagang bato, na may buod at aral. Tunghayan natin ang kwentong ito at alamin ang aral na hatid nito.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Si Juan, Ang Pumatay Ng Higante (Buod At Aral ng Maikling Kwento)
Si Juan, ang Pumatay ng Higante (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Si Juan, ang Pumatay ng Higante.”

Si Juan, ang Pumatay ng Higante

Isang umaga, tinawag si Juan ng kanyang ina. “Anak, dalhin mo kaya ang baka natin sa bayan at ipagbili mo. Wala na tayong maibili ng ating mga kailangan.”

Madali namang sumunod sa ina ang bata. Malapit na siya sa bayan, at hila-hila nga niya ang ipagbibiling baka nang may nasalubong siyang matandang lalake.

“Saan mo dadalhin ang baka?” tanong ng matanda.

“Sa bayan po, para ipagbili,” sagot ni Juan.

“Gusto mo, palitan ko na lang siya nitong mahiwagang buto? Magic ito, makikita mo,” alok ng matanda…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Si Juan, ang Pumatay ng Higante
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Juan, ina ni Juan, matandang lalaki, babae, at ang higante.
Tagpuan:Ang tagpuan ng kwento ay sa “bahay nina Juan, malapit sa bayan, at sa bahay ng higante.”
Moral na aral:Ang pagnanakaw o pagkuha sa mga bagay na hindi atin ay isang masamang gawain.”

Banghay ng kwentong “Si Juan, ang Pumatay ng Higante”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Isang umaga, si Juan ay tinawag ng kanyang ina at inutusan itong ipagbili ang kanilang baka sa bayan.

  2. Sinunod naman ito agad ni Juan, ngunit nang siya’y malapit na sa bayan, may nakasalubong itong matandang lalaki. Nakipagpalit ang matanda sa kanya.

  3. Ipinagpalit naman ni Juan ang baka sa isang buto na ayon sa matanda ay mahiwaga. Pag uwi niya sa kanilang bahay, pinagalitan ito ng kanyang ina at itinapon ang mahiwagang buto sa bintana.

  4. Kinaumagahan, nagulat si Juan sa nakitang napakataas na puno ng kahoy. Tinawag niya ang kanyang ina at inakyat ang puno.

  5. Pagdating ni Juan sa itaas ay sinalubong ito ng isang babae at pinatago ito sa ilalim ng mesa dahil ang malapalasyong bahay sa itaas ng puno ay bahay ng higante.

  6. Nang makatulog ang higante ay kinuha ni Juan ang manok na nangingitlog ng ginto at bumaba sa puno. Nang siya’y bababa na sa puno ay biglang tumilaok ang manok at nagising ang higante.

  7. Nakita ito ng higante at siya ay hinabol. Ipinaabot ni Juan ang palakol niya sa kanyang ina at pinutol ang puno. Patay na nang bumagsak sa lupa ang higante at naging mariwasa ang buhay ng mag-ina dahil sa manok na nangingitlog ng ginto.

Mga Tauhan na nabanggit sa kwento

❶ Juan ➙ Si Juan ay ang batang bida sa kwento.

❷ Ina ➙ Ang ina na nabanggit sa kwento ay ang ina ni Juan.

❸ Matandang Lalaki ➙ Ang matandang lalaki ay ang nakipagpalit kay Juan ng mahiwaga buto.

❹ Babae ➙ Ang babae na nabanggit sa kwento ay ang utusan ng higante.

Higante ➙ Ang Higante ay ang nakatira sa malapalasyong bahay na nasa taas na puno.

Si Juan, ang pumatay ng Higante – Aral

  • Ang pagnanakaw o pagkuha sa mga bagay na hindi atin ay isang masamang gawain.
  • Isauli natin ang mga bagay na hindi natin pag-aari.
  • Huwag tayong maging sakim at ibahagi natin ang mga biyayang natatanggap natin.

Si Juan, ang pumatay ng Higante – Buod

Isang umaga, inutusan si Juan ng kanyang ina na ipagbili ang baka sa bayan. Sa kanyang paglalakad papuntang bayan, nakasalubong nito ang isang matanda at ipinagpalit nito ang baka sa mahiwagang buto.

Pinagalitan ito ng kanyang ina. Kinabukasan, nakita ni Juan ang mataas na puno at inakyat niya ito.

Sa itaas ay nandoon ang bahay ng higante. Kinuha ni Juan ang manok nito at napatay nito ang higante. Matapos ay naging maganda ang buhay ni Juan at ng kanyang ina.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, pinutol ni Juan ang puno at namatay ang higante. Matapos ay naging maganda ang buhay ng mag-ina dahil sa manok na nangingitlog ng ginto.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment