Si Ederlyn (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

SI EDERLYN – Sa artikulong ito ay ating basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Si Ederlyn.” Ating tukuyin kung bakit nga ba natin kailangang kilalanin ang isang tao bago natin ito lubos na mahalin.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Si Ederlyn (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Si Ederlyn (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Si Ederlyn”

Si Ederlyn

Si Alex ay isang mag-aaral sa kolehiyo na nagmahal ng isang babaeng nagngangalang Ederlyn De Vivarre. Hindi naman niya inasahan na magkakasama pala sila sa iisang klase, kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, sila ay naging malapit sa isa’t isa.

Lalong nahulog ang loob ni Alex kay Ederlyn.

Patapos na ang ikalawang semestre noon. Kung kaya’t hindi mapiglan ni Alex na gumawa ng paraan upang ipagtapat na kay Ederlyn ang kanyang nararamdaman. Gumawa siya ng sulat at inipit ito sa aklat na nasa mesa ni Ederlyn habang break time ng mga estudyante…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Si Ederlyn”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Ederlyn at Alex.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa isang malayong bayan.
Moral na Aral:“Kilalanin muna natin ang isang tao ng lubos bago natin ibigay ang ating pagmamahal dito.”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Si Alex ay isang mag-aaral sa isang kolehhiyo na nagmamahal sa isang babaeng nagngangalang Ederlyn. Lalong nahulog ang kanyang loob rito lalo na ng nalaman niya na magkakasama sila sa isang klase.

  2. Pagkatapos ng ikalawang semester ay hindi na napigilan ni Alex ang kanyang sarili na magtapat kay Ederlyn.

  3. Pag-uwi sa bahay ay hindi mapakali si Alex dahil nag-aalala siya kung ano ang mangyayari kapag nabasa na ni Ederlyn ang kanyang sulat.

  4. Sa loob ng dalawang araw ay hindi ito pinansin ni Ederlyn kung kaya’t hindi na niya napigilan ang sarili at kinausap ito.

  5. Bago paman siya makagpasalita ay may inabot na itong imbitasyon sa isang piging na gaganapin sa bahay ni Ederlyn.

  6. Kinabukasan ay pumunta siya sa piging at tila siya lamang ang naiiba ngunit ipinagwalang bahala niya ito sapagkat mababait naman ang mga tao roon.

  7. Ngunit bigla na lamang nawala ang lahat na parang bula, pati na si Ederlyn. Nagising siya at nakita niya ang kanyang ina na tuwang-tuwa at nagpapasalamat na siya ay gising na.

  8. Matapos magising ni Alex ay ikinuwento sa kanya ng kanyang ina ang nangyari sa loob ng isang linggo na para bang wala siya sa sarili.

  9. Nagsimula raw ito ng matagpuan siya ng isang lalaki na nakahandusay sa gitna ng kalsada sa di kilalang lugar.

  10. Binigay ng ina ni Alex ang papel sa kanya na inabot ng bata at ng binuksan niya ito ay nakita niya na “Kami man ay marunong ding magmahal” – Ederlyn.

Si Ederlyn – Aral

  • Ating kilalanin ang isang tao bago natin ito pagkatiwalaan ng lubos.
  • Kapag tayo ay magmamahal ng isang tao, kilatisin muna natin ito at alamin ang mga importanteng impormasyon tulad na lamang kung sino ang magulang nito o kung saan ito nakatira.

Si Ederlyn – Buod

Si Alex ay isang estudyante sa isang kolehiyo na nagmamahal sa isang babae na si Ederlyn. Pinagtapat niya ang kanyang pagmamahal dito at pagkalipas ng dalawang araw ay inimbitahan siya nito sa isang piging na gaganapin sa bahay ni Ederlyn.

Kinabukasan ay dumalo ito sa piging at iyon ang pinakamasayang araw sa kanyang buhay dahil kasama niya si Ederlyn. Ngunit nagising na lamang siya na naglaho ang lahat ng tao pati na rin si Ederlyn.

Nakita niya na lamang ang kanyang ina na tuwang-tuwa at nagpapasalamat na siya ay gising na. Ikinuwento sa kanya ng kanyang ina na isang linggo siyang wala sa kanyang sarili simula ng makita siyang nakahandusay sa gitna ng kalsada, sa isang di kilalang lugar.

Nagising na lamang daw siya nang may isang bata na taga roon na nagbigay ng papel. At binigay naman ito ng ina ni Alex sa kanya at kanya itong binasa “Kami man ay marunong ding magmahal” – Ederlyn.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa huli ay nagising na lamang sa katotohanan si Alex na ang babae na kanyang minamahal ay hindi pala pangkaraniwang tao dahil bigla na lamang ito naglaho na parang bula.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment