Pagatpat Maikling Kwento – Buod At Aral

PAGATPAT – Sa artikulong ito ay ating basahin ang maikling kwento na ito na may buod at aral na pinamagatang “Pagatpat”. Nawa’y sa katapusan ng ating pagbasa may makuha tayong aral na maari natin gamitin sa ating buhay.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Pagatpat
Pagatpat (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Pagatpat”

Pagatpat

Isang gabing namamahinga na sila, nabanggit ni Dindo ang napuna nito sa dulong hilaga ng pulo.

“May mga latian pala po sa gawing hilaga ng pulo,” sabi niya kay Mang Pisyong.

“At marami po akong nakitang isang uri ng punongkahoy na ngayon ko lang nakita.

Malalaki po ito, at may mga sumusulpot na kung anong matutulis na bagay sa tabi nila, parang maliliit na puno, pero medyo namumuti-muti.”

“Pagatpat ang tawag sa mga punongkahoy na ‘yon,” sabi ni Mang Pisyong.

“Nasa putikan sila, at ang sinasabi mong matutulis na tumutubo sa paligid ay tinatawag na air roots, bahagi rin ng mga punong iyon.

Nakatutulong sa paghinga ng mga puno dahil nasa putikan nga sila.

At ang mga uring ugat na ‘yon ay nagagamit sa mga lambat upang lumutang ito sa tubig. Nagagawa ring cork o tapon sa mga bote.”

“Parang may mga bunga rin po,” sabi pa ni Dindo.

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Pagatpat”
Tauhan:Ang tauhan sa kwento ay sina Dindo, Kiko, Inday at Mang Pisyong.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa bahay sa loob ng silid tulogan.
Moral na Aral:“Iwasan natin ang pagpuputol ng puno at pagsisira ng kalikasan na ipinagkaloob ng diyos sa atin alagaan natin ito dahil ito ang nagbibigay buhay sa atin”

Banghay ng kwento

Time needed: 2 minutes.

  1. Isang gabi ay nabanggit ng batang si Dindo na mayroong laitan sa gawing hilaga ng pulo at marami siyang nakitang mga iba’t-ibang uri ng punongkahoy.

  2. Sinabi ni Dindo na ngayon lamang siya nakakiita ng puno na parang maliit na puno ngunit namumuti-muti.

  3. Sinabi ni Mang Pisyo na pagatpat ang tawag sa punong kahoy na iyun at ipinaliwanag niya kung saan ito makikita.

  4. Sinabi rin ni Dindo parang may bunga ito. Sinagot naman ito ni Mang Pisyong na mayroon nga itong bunga.

  5. Nagsalita naman ang batang si Inday at tinanong kung ano nga ba ang silbi nga pagatpat o kung nagagamit ba ang puno nito.

  6. Pinaliwanag naman ni Mang Pisyong na pwede itong gawing haligi, pinto, sahig, dingding at tulay. Patuloy na nagsalita si Mang Pisyong na ang mga puno sa paligid ay may kanya-kanyang mga silbi.

  7. Napuna naman ng batang si Inday na kung iisipin lamang ng tao ang kabutihan ng Diyos sa pagbibigay ng buhay sa ating kapaligiran ay makikiayon tayo sa atinng kalikasan.

  8. Malungkot na nagsalita ang batang si Kiko at sinabi na ang mga maling gawa ng mga tao ay laging may kaparusahan.

  9. Kung kaya’t sinabi ni Mang Pisyong na dapat ay lagi natin suriin ang ating mga iboboto na hahawak sa ating pamahalaan upang matakaot ang mga gumagawa ng kasamaan sa ating kapaligiran.

Pagatpat – Aral

  • Alagaan natin ang ating kalikasan. Alagaan natin ito dahil ito ang nagbibigay ng kabuhayaan sa ating lahat.
  • Maging mapanuri sa mga opisyal na ating ilalagay sa pwesto upang maiwasan ang mga kurakot sa ating gobyerno.

Pagatpat – Buod

Isang gabi namamahinga na sila ay nag salita ang batang si Dindo sinabi na marami siya nakitang puno na hindi niya kilala tulad ng nakita niya na parang maliit na puno pero medyo mamuti-muti. Sinabi naman ni Mang Pisyo na pagatpat anhg tawag roon. Patuloy na nag usap ang dalawa hanggang sa sumali na rin sa usapan sina Kiko at Inday. Patuloy na nagsalita si Mang Pisyong tungkol sa mga kagamitan ng punong pagatpat.

Hanggang sa sinabi ng batang si Inday na kunng susuriin ay mapupuna natin ang kamay ng Diyos sa iba-ibang tanim. At kung iisipin lamang ng mga tao ang kabutihan ng Diyos ay makikiayon tayo sa kalikasan. Ngunit malungkot na nagsalita ang batang si Kiko at sinabi na marami sa ating mga opisyal sa gobyerno nagpapasimuno sa pagsira ng kalikasan.

Sinabi ni Mang Pisyo na tama ang sinabi ng batang si Kiko kung kaya’t dapat daw ay maging mapanuri tayo sa ating mga iboboto. Upang matakot gumawa ng masama ang mga naninira sa ating kapaligiran.

Ano ang kawakasan ng kwento

Sa huli ay sinabi ni Mang Pisyong na dapat ay suriin ang mga pagkatao ng mga tao na iboboto upang humawak sa ating pamahalaan upang matakot gumawa ng mga masama ang naninira sa ating kapaligiran.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment