NAKALBO ANG DATU – Basahin natin ang buong kwento o buod nito ng may makuha na naman tayong bagong kaalaman. Ito ay tungkol sa isang Datu na nakalbo dahil sa pagmamahal ng kanyang mga asawa.
Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Ang Bata at ang Aso.”
Nakalbo Ang Datu
Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa.
Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.
May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook.
Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.
Pagsusuri ng Buong Kwento
Pamagat: | “Nakalbo Ang Datu“ |
Mga Tauhan: | Ang mga tauhan sa kwento ay ang Datu, matatandang tagapayo, si Hasmin, at si Farida. |
Tagpuan: | Ang tagpuan sa kwento ay sa “pook na tinitirhan ng Datu.” |
Moral na aral: | “Ang tunay na pag-ibig ay ang pagtanggap sa anyo ng taong mahal natin.” |
Banghay ng kwentong “Nakalbo Ang Datu”
Time needed: 2 minutes.
Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
- Ang kwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. Ito ay isang Datu na tumandang binata dahil wala itong panahon para dito.
- Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon na ito ng anak na tagapagmana niya. Dahil dito, napilitang mamili ang Datu ng kanyang mapapangasawa.
- Naging pihikan ang Datu sa pagpili dahil sa dami ng magagandang dilag sa kanilang pamayanan. At sa tulong ng mga tagapayo ay natuto ring umibig ang Datu.
- Ngunit hindi lamang isa ang kanyang nagustuhan, kundi dalawa. Ito ay sina Hasmin at Farida. Si Hasmin ay bata pa at si Farida naman ay kasing edad lang ng Datu.
- Pero kahit na matanda na ang Datu ay mahal na mahal parin ito ng dalawa nitong asawa.
- Si Hasmin ay bata pa kaya naisipan nitong bunutin ang mga puting buhok ng Datu para magmukha itong bata. Si Farida naman ay kasing edad ng Datu at binubunot naman nito ang itim na mga buhok ng Datu.
- Masayang masaya ang Datu sa piling ng kanyang mga asawa ngunit nagulat na lamang ito ng minsang siya’y tumingin sa salamin. Hindi na niya nakilala ang sarili dahil siya ay kalbo na.
Aral sa “Nakalbo ang Datu”
- Ang tunay na pag-ibig ay ang pagtanggap sa anyo ng taong mahal natin.
- Huwag nating ibahin ang anyo ng taong mahal natin base sa gusto nating maging hitsura nito.
Nakalbo ang Datu – Buod
May isang Datu na tumandang binata dahil wala itong oras sa pag-aasawa. Pinayuhan ito ng mga matatandang tagapayo na maghanap na ng kanyang makakasama sa buhay ng sa ganon ay magkaroon na ito ng anak na tagapagmana.
Sa tulong ng mga tagapayo, natuto itong magmahal at siya’y nagmahal ng dalawang babae. Pinakasalan nito ang dalawa. At ng dahil sa pagmamahal ng kanyang mga asawa, siya ay nakalbo.
Ano ang kawakasan ng kwento?
Sa pagtatapos ng kwento, napasigaw ang Datu na siya ay kalbo na ng siya’y minsang nanalamin at halos hindi na makilala ang sarili.
Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.
Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento
We are proud Pinoy!