Modelong Bata (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

MODELONG BATA – Sa artikulong ito, ating basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Modelong Bata.” Ating alamin kung bakit nga ba hindi maganda ang pambu-bully sa ating kapwa at kung bakit hindi nasusukat sa salita ang katapangan ng isang tao.

Modelong Bata (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Modelong Bata (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Ngayon ay atin ng basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Modelong Bata.”

Modelong Bata

Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siya’y hinarang ng limang batang lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng basag-ulo.

Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, “Kung talaga kang matapang ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki mo,” ang hamon.

Malumanay na sumagot si Danilo, “Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban sa inyo? Hindi naman tayo nagkagalit…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pag-susuri ng Buong Kwento

Pamagat:“Modelong Bata”
Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay si Danilo, ang limang bata, at ang kapatid ng gang lider.
Tagpuan:Ang tagpuan sa kwento ay sa labas ng paaralan at sa ilalaim ng tulay.
Moral na Aral:“Iwasan ang pambu-bully sa iyong kapwa dahil hindi nasusukat ang katapangan ng isang tao sa kanyang mga salita, kundi sa gawa at tiba ng loob.”

Aral ng Kwento

  • Wag tayo mambully ng ating kapwa ng dahil lamang sa tingin natin sila ay duwag. Iwasan natin ito dahil baka hindi mo alam mas matapang pa pala sa iyo ang iyong binu-bully. Ating tandaan na hindi nasusukat ang katapangan sa salita ng isang tao kundi nasusukat ito sa kanyang gawa at kilos.

Modelong Bata – Buod

Pauwi na ang batang si Danilo ng hinarang siya ng limang bata at pinagsalitaan na kung siya ay matapang lumaban siya. Ngunit tinanggihan ito ni Danilo at naglakad paunti pauwi sa kanilang bahay.

Habang naglalakad ay nakarinig si Danilo ng batang humihingi ng saklolo sa ilalim ng tulay. Agad na lumusong si Danilo sa ilog at sinagip ang bata habang nakatingin lamang ang mga batang nagmamatapang.

Nang masagip na ni Danilo ang bata ay nakita ng gang lider na kanyang kapatid pala ang nalulunod na bata. Humingi siya ng tawad kay Danilo at nagpasalamat.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sinagip ni Danilo ang batang nalulunod sa ilog habang nakatingin lamang ang mga batang nagmamatapang. Nakita ng gang lider na ang batang sinagip ni Danilo ay kanya palang kapatid. Dahil dito ay nagpasalamat siya kay Danilo at humingi ng tawad.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment