Mga Kuwento Tungkol Sa COVID-19 (Buod At Aral)

MGA KUWENTO TUNGKOL SA COVID-19 – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang maikling kwento tungkol sa pandemya. Ito ay pinamagatang “Mga kuwento tungkol sa COVID-19: Sinusubukan ng 72 taong gulang mahalagang manggagawa manatiling malusog habang nag-aalaga ng iba.” Ano ba ang maikling kwento?

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Mga Kuwento Tungkol Sa COVID-19 (Buod At Aral ng Maikling Kwento)
Mga Kuwento tungkol sa COVID-19 (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimula, tunggalian, kasukdulan, at wakas.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Mga kuwento tungkol sa COVID-19: Sinusubukan ng 72 taong gulang mahalagang manggagawa manatiling malusog habang nag-aalaga ng iba.”

Mga kuwento tungkol sa COVID-19

Mga kuwento tungkol sa COVID-19: Sinusubukan ng 72 taong gulang mahalagang manggagawa manatiling malusog habang nag-aalaga ng iba

Bago ang COVID-19 pandemya, parating nagtatrabaho si Lilia Antazo. Lumipat sa Estados Unidos ang 72 taong gulang Pilipinang dayuhan kasama ang kanyang asawa at pinaka batang anak noong 2001. Simula noon, nagtatrabaho siya bilang isang pribadong tagapag-alaga.

Nagluluto ng pagkain, naglilinis ng bahay at namimili siya para sa mga pasyente niya. Binibigyan niya sila ng gamot at inaalagaan niya sila na parang sarili niyang nanay, ayon kay Antazo. Pero nagbago ang lahat dahil sa coronavirus.

Kinuwento ni Antazo sa Borderless Magazine ang buhay niya sa gitna ng COVID-19 pandemya.

Lagi akong nakamaskara sa trabaho. Tinatanggal ko lang ito tuwing natutulog ako.

Nakakabagot sa trabaho. Nakakabagot at nakakatakot. Nakakatakot dahil kapag sumasakay ako ng bus o tren papunta sa trabaho, iniisip ko, “Paano kung magkasakit ako?” Sobrang takot ako dahil may hika ako. Maingat talaga ako sa lahat.

Ngayon, bakante ang iskedyul ko. Dati-rati, dalawa ang pasyente ko pero dahil sa COVID-19 tinatanggihan ko na ang trabaho. Marami pa rin nag-aalok ng trabaho pero umaayaw na ako. Natatakot akong bumiyahe at makihalubilo sa mga tao…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Mga kuwento tungkol sa COVID-19: Sinusubukan ng 72 taong gulang mahalagang manggagawa manatiling malusog habang nag-aalaga ng iba
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay sina Lilia Antazo, asawa nito, mga anak, mga pamangkin, at pasyente nito.
Tagpuan:Ang tagpuan ng kwento ay sa “Estados Unidos.”
Moral na aral:Mahalin natin ang ating trabaho at palaging alagaan ang kalusugan dahil ika nga, ‘ang kalusugan ay ang ating kayamanan.'”

Banghay ng kwentong “Mga kuwento tungkol sa COVID-19”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Bago ang COVID-19 pandemya, si Lilia Antazo ay palaging nagtatrabaho. Noong 2001, kasama niyang lumipat sa Estados Unidos ang kanyang asawa at pinaka batang anak.

  2. Simula noon, siya ay nagtatrabaho bilang isang pribadong tagapag-alaga. Kinwento nito ang kanyang buhay sa gitna ng pandemya sa Borderless Magazine.

  3. Ayon sa kanya, nakakabagot at nakakatakot sa trabaho. Iniisip nito na paano nalang kapag siya’y nagkasakit, lalo na’t siya ay may hika. Kaya siya ay naging maingat sa lahat.

  4. Nang dahil sa pandemya naging bakante ang kanyang iskedyul. Isang pasyente nalang ang kanyang inaalagaan tuwing sabado at linggo.

  5. Gusto ng kanyang pamilya na tumigil na siya sa pagtatrabaho ngunit ayaw nito tumigil, dahil ayon sa kanya, kaya niyang protektahan ang kanyang sarili.

  6. Ang kanyang anak ay isang nars at nagkaroon ito ng covid. Inalagaan niya ito hanggang sa gumaling ito. Kaya gusto pa nitong maka tulong sa mga nangangailangan.

  7. Ang mensahe pa nito sa lahat ng mga tagapag-alaga ay sana pagbutihin ng mga ito ang kanilang trabaho at maging maalalahanin at tapat.

  8. Ayon pa dito, marami sa kanyang mga pamangkin na nag-alok na mag-alaga sa kanya kapag ito’y tumanda na, dahil siya ang nagpa-aral sa mga ito.

  9. Ganun din ang mga sinasabi ng kanyang mga anak sa Pilipinas at anak nito sa Amerika. Kaya wala itong problema kapag tumanda na ito dahil marami ang mag-aalaga sa kanya.

  10. Sabi pa niya, magtatrabaho ito hangga’t malakas pa ito. Nagpapasalamat ito sa Diyos dahil binigyan ito ng malusog na katawan. At wala na itong ibang hinihiling kundi kalusugan.

Mga Tauhan na nabanggit sa kwento

Lilia Antazo ➙ Si LiLia Antazo ay ang nag kwento ng kanyang buhay sa gitna ng pandemya. Siya ay nagtatrabaho bilang isang pribadong manggagawa.

Asawa ni Lilia ➙ Siya ang asawa ni Lilia na kasama niyang lumipat sa Estados Unidos.

Mga anak ni Lilia ➙ Ang mga anak ni Lilia na nabanggit sa kwento ay ang pinaka batang anak nito, ang anak nito sa Pilipinas, at ang Pastor nitong anak.

Mga pamangkin ni Lilia ➙ Ang mga pamangkin ni Lilia na nabanggit sa kwento ay ang kanyang mga pinaaral na limang pamangkin na kanyang tinatawag na mga iskolar. ‘Yong isa ay nars, ‘yong isa naman ay manager, at ‘yong isa ay may sarili ng negosyo.

Pasyente ➙ Ang pasyente na nabanggit sa kwento ay ang nag-iisang pasyente ni Lilia nang magsimula ang pandemya. Ito ay mas bata sa kanya at may katigasan ng ulo.

Mga kuwento tungkol sa COVID-19 – Aral

  • Mahalin natin ang ating trabaho at palaging alagaan ang kalusugan dahil ika nga, “ang kalusugan ay ang ating kayamanan.”
  • Magtrabaho tayo hindi dahil sa pera, magtrabaho tayo dahil ito ang ating gusto at mahal natin ang ating trabaho.
  • Ugaliin nating tumulong sa ating kapwa, lalo na sa ating pamilya. Dahil maaaring sa huli, sila din ang makakatulong at mag-aalaga sa atin.
  • Tumulong ng walang hinihinging anumang kapalit.
  • Matuto tayong tumanaw ng utang na loob at pasasalamat sa taong nag-aruga o nagpaaral sa atin. Lagi nating tandaan na hindi natin maaabot ang kung ano mang meron tayo ngayon kung hindi dahil sa kanila.

Mga kuwento tungkol sa COVID-19 – Buod

Bago ang pandemya, si Lilia Antazo ay palaging nagtatrabaho. Isa itong pribadong tagapag-alaga at lumipat ito sa Estados Unidos noong 2001 kasama ang kanyang asawa at pinakabatang anak.

Pinapatigil na ito sa pagtatrabaho ng kanyang mga anak ngunit ito mismo ang ayaw na tumigil. Ang kanyang dahilan ay hangga’t siya daw ay malakas pa at kaya pang tumulong ay tutulong ito.

Siya ay nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan ito ng malusog na katawan. At ang tanging hiling lamang nito sa Panginoon ay kalusugan.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, si Lilia Antazo ay nagpasalamat sa Panginoon dahil sa malusog nitong pangangatawan. At wala itong ibang hiling kundi ang kanyang kalusugan.

Ating tandaan, kapag mahal natin ang ating trabaho, gaano man ito kahirap ay atin itong makakaya. Magtrabaho tayo kahit hanggang kailan natin gusto basta’t inaalagaan lang natin ang ating sarili at kalusugan.

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment