Matulunging Bata (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)

MATULUNGING BATA – Ating tularan at gawing inspirasyon ang mababasa natin ngayong maikling kwento tungkol sa isang batang matulungin. Ito ay maghahatid ng magandang aral sa atin, lalo na sa mga bata. Pero bago ang lahat, atin munang alamin ang kahulugan ng maikling kwento.

Ang maikling kwento ay tumutukoy sa isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Ito ay tinatawag ring dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Matulunging Bata (Buod At Aral Ng Maikling Kwento)
Matulunging Bata (Buod at Aral ng Maikling Kwento)

Bago natin tuklasin ang nilalaman ng maikling kwento na ito, narito muna ang karagdagang kaalaman tungkol sa “maikling kwento.” Ang maikling kwento ay may apat na bahagi. Ito ay ang panimulatunggaliankasukdulan, at wakas.

Ngayon, atin nang basahin ang maikling kwento na pinamagatang “Matulunging Bata.”

Matulunging Bata

Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bata ay tumutulong nang kusa sa bahay, di lamang para sa sarili kundi pati sa mga magulang at mga kapatid.

Para sa aking sarili, ay inilalagay ko sa kanya-kanyang lalagyan ang lahat ng aking gamit sa paaralan, sa bahay at sa iba pa. Sa ganito, ay hindi ako maghahanap at mag-aaksaya ng panahon lalo na kung nagmamadali ako.

Hindi na rin ako mapagagalitan. Laging nasa lugar ang mga libro, notebook, lapis, pentelpen, pad paper, school bag, payong, sapatos, at lahat-lahat na. Walang kakalat-kalat…

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong kwento.

Pagsusuri ng Buong Kwento

Pamagat:Matulunging Bata
Mga Tauhan:Ang mga tauhan sa kwento ay ang bata, kuya, ate, tatay, at nanay.
Tagpuan:Walang nabanggit na tagpuan sa kwento.
Moral na aral:Ang pagiging matulungin ay isang magandang katangian na nagpapagaan sa anumang gawain.”

Banghay ng kwentong “Matulunging Bata”

Time needed: 2 minutes.

Narito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

  1. Ayon sa batang nagbabahagi sa kwento, ang isang mabait, masipag, at mapagmahal daw na bata ay tumutulong nang kusa sa bahay.

  2. Ibinahagi ng bata ang kanyang mga ginagawa sa kanilang bahay. Nagliligpit ito ng kanyang mga gamit at tumutulong ito sa kanyang ate at kuya sa mga gawaing bahay.

  3. Tumutulong rin ito sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng pagiging mabait, magalang, masunurin, at malinis.

  4. Ayon pa sa kanya, walang mahirap kapag atin na itong nakagawiang gawin. At masarap sa pakiramdam at pakinggan ang mga katagang “Ay salamat! Mabait at matulungin ang aking anak!

Matulunging Bata – Aral

  • Ang pagiging matulungin ay isang magandang katangian na nagpapagaan sa anumang gawain.
  • Matuto tayong tumulong sa mga gawaing bahay at sa ating mga magulang. Ito ay upang kahit sa ganitong paraan lang ay maging masaya sila at gumaan ang kanilang mga gawain.
  • Maging mabait at masunurin sa ating mga nakakatandang kapatid at mga magulang.

Matulunging Bata – Buod

Ito ay tungkol sa batang nagbabahagi ng kanyang pagiging matulungin, mabait, masipag at masunurin sa kanyang mga magulang. Ibinahagi niya dito ang kanyang mga ginagawa sa kanilang bahay at kung gaano nito napasaya ang kanyang mga magulang.

Ano ang kawakasan ng kwento?

Sa pagtatapos ng kwento, sinabi ng batang nagbabahagi na masarap sa pakiramdam at pakinggan ang mga katagang “Ay salamat! Mabait at matulungin ang aking anak!

Maraming salamat sa pagbasa ng maikling kwento na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang mga kwentong pang-edukasyon, bisitahin lang ang aming website.

Iba pang mga Halimbawa ng Maikling Kwento

We are proud Pinoy!

Leave a Comment